top of page
Search

ni Lolet Abania | November 24, 2020




Nananawagan ang pamilya ng lawyer na si Ryan Oliva na nagtuturo ng Law sa University of the Philippines (UP) at chief ng Legislative Liaison Unit ng Department of Tourism (DOT) na ipaalam sa kanila ang kinaroroonan nito dahil nawawala ito simula pa noong Sabado, November 21.


Huling nakita si Oliva sa bahay nito sa Commonwealth, Quezon City nu'ng Sabado nang umaga, ayon sa kapatid na si Randy.


Si Oliva ay isang UP College of Law professor na nagtuturo rin ng Legal History at Law on Agency and Partnership.


May katungkulang ginagampanan si Oliva patungkol sa mga batas sa nasabing ahensiya, ayon sa DOT.

 
 

ni Lolet Abania | November 24, 2020



Pumanaw na si Senior Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera, ang fiscal na humawak ng mga kilalang kasong kriminal sa edad na 49.


Ito ang kinumpirma nina Department of Justice (DOJ) Sec. Menardo Guevarra at Usec. Emmeline Aglipay-Villar ngayong Martes.


"We are saddened by SASP Navera's demise. He was one of our best," sabi ni Guevarra.


Bilang isang prosecutor, hinawakan ni Navera ang maraming kaso ng droga at naging daan sa conviction ng mga umano’y drug personalities at isang Chinese drug lord. Nahawakan din niya ang criminal case tungkol sa shabu laboratory sa Virac, Catanduanes.


Si Navera rin ang naging daan para sa prosecution ng isang retired army major general, kung saan na-convict ito noong 2018, dahil sa kaso ng abduction ng dalawang students activists.


"From where we stand, he was at once an embodiment of a principled, fair, no-nonsense, brilliant and diligent lawyer. He was a quintessential professional," ayon sa National Union of Peoples' Lawyers (NUPL).


"Yet he was very amiable and self-effacing, reluctant to be in the spotlight. He was humorous in his own right and self-deprecating yet can throw a teasing jest at his colleagues," ayon pa sa NUPL.


Samantala, walang binanggit na dahilan ng pagkamatay ni Navera.

 
 

ni Lolet Abania | November 24, 2020




Walang dapat na ikabahala ang publiko sa kanilang mga sasakyan na wala pang radio frequency identification (RFID) tags kahit pa umabot nang hanggang January 11, 2021, ayon sa Department of Transportation (DOTr).


Sa inilabas na advisory ngayong Martes, ayon sa DOTr, hindi dapat mangamba ang mga motorista dahil ang RFID installation sa mga toll lanes at booths ay mananatiling bukas 24/7 hanggang January 11, at kahit pa magpalit ng tollway system at maging isang fully-digital cashless system ito sa December.


"Wala pong mangyayaring hulihan mula December 1 hanggang January 11, 2021 para sa mga sasakyang walang RFID," ayon sa DOTr.


"Matapos ang January 11, hindi lahat ng lanes sa toll gate ay iko-convert bilang stickering lane. Magtatalaga na lamang ng isa o dalawang stickering lane, o kaya naman isang installation tent bago pumasok sa toll gate kung saan maaaring kabitan ng RFID ang mga sasakyan," paliwanag ng ahensiya.


Parehong ang Autosweep at Easytrip systems na gagamitin sa mga expressways na kumokonekta sa Metro Manila ay nakatakdang maging fully contactless sa December.


"Kung wala kang RFID by December 1, DOON KA MISMO SA TOLL GATE KAKABITAN. May nakaabang na RFID installation lanes ang mga toll gates, at may mga tauhan po ang toll operators na mag-a-assist sa pagkabit ng RFID stickers," dagdag pa ng DOTr.


Ang Autosweep tags ay inisyu ng San Miguel Group para sa Skyway, South Luzon Expressway (SLEx), STAR Tollway, Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEx), NAIA Expressway (NAIAx), at Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX).


Ang Easytrip System naman ay para sa North Luzon Expressway (NLEx), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx), Manila-Cavite Expressway (CAVITEx), C5 Southlink, at Cavite-Laguna Expressway (CALAX).

 
 
RECOMMENDED
bottom of page