top of page
Search

ni Lolet Abania | July 10, 2022


ree

Wagi ang nag-iisang mananaya ng jackpot prize na P401,186,804.80 ng Grand Lotto 6/55 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado ng gabi.


Nakuha ng sole bettor ang winning number combination na 02-18-49-07-19-47.


May nanalo rin sa Lotto 6/42 draw na may jackpot prize na P5,940,000.00.

Ang winning number combination naman nito ay 27-18-26-13-02-03.

 
 

ni Lolet Abania | July 9, 2022



ree

Nag-anunsiyo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na humanap muna ng iba’t ibang mga ruta ngayong weekend dahil sa pagpapatuloy ng lingguhang iskedyul ng road reblocking at repairs sa kahabaan ng EDSA, C-5, at ilang lugar sa Quezon City ng Department of Public Works and Highways (DPWH).


Ang mga kalsada na magpapatupad ng reblocking at repairs hanggang 11PM at madaling-araw ng Hulyo 11 ay ang mga sumusunod:


1. EDSA Guadalupe Makati City SB innermost lane (bus way) mula Bernardino St. hanggang Estrella Street;

2. EDSA NB Quezon City sa kahabaan ng Santolan MRT Station (EDSA Carousel bus lane) matapos ang P. Tuazon flyover hanggang Aurora tunnel (3rd lane from center island fast lane) matapos ang Aurora Blvd. hanggang New York (3rd lane from island, intermittent section) matapos ang Kamuning/Kamias Road hanggang JAC Liner Bus Station (beside center island);

3. C5 Road Southbound (2nd lane) Makati City;

4. Batasan Road Sinagtala Street hanggang IBP San Mateo Road (2nd lane from plantbox);

5. Visayas Avenue Southbound Road 10 Elliptical Road (2nd lane from plantbox);

6. Visayas Avenue Northbound Elliptical Road hanggang Central Avenue at near corner Congressional Avenue (2nd lane from sidewalk);

7. C5 Road Pasig City sa kahabaan ng Pasig Blvd. Southbound malapit sa Chooks-to-Go Pineda & sa kahabaan ng Doña Julia Vargas infront ng Sitel Bldg.;

8. Along EDSA-Quezon City Southbound (Balingasa Creek hanggang Oliveros Footbridge)

Ang mga apektadong kalsada ay bubuksan ng alas-5:00 ng madaling-araw ng Lunes, Hulyo 11 .


 
 

ni Lolet Abania | July 9, 2022



ree

Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na pinag-aaralan na ng gobyerno na ang pagsusuot ng face masks ay maging optional kapag ligtas na itong gawin, habang nangako siyang hindi na magpapatupad ng mahigpit at malawakang lockdowns sa ilalim ng kanyang administrasyon, base sa inilabas na press release ngayong Sabado.


Iginiit din ni Pangulong Marcos, na nagpositibo sa test sa COVID-19, ang kahalagahan ng pagtanggap ng mga booster shots ng marami, lalo na ng mga kabataan, kasabay ng plano ng gobyerno na mapayagan nang ipagpatuloy ang in-person classes ngayong taon.


“The government may consider relaxing the alert level and make masking optional,” batay sa isang statement mula sa Presidential News Desk.


“Pero hindi po natin gagawin ’yan hanggang maliwanag na maliwanag na safe na talaga. Dahil although so far maganda naman ang takbo, hindi naman napupuno ang mga ospital. Ngunit kung hindi tayo maingat, mapupunta na naman tayo doon.”

Wala nang iba pang detalye na binanggit hinggil dito.


Nag-isyu ng statement si Pangulong Marcos sa ginanap na virtual message nito sa mga alkalde at gobernador nitong Biyernes habang siya ay nananatili sa isolation.


Sa ngayon, ang provincial government ng Cebu lamang, ang may order na ang anti-virus masks ay maging optional sa mga open spaces, kung saan nagdulot ng galit mula sa Department of the Interior Government (DILG) at sa Department of Health (DOH) sa panahon ng mga huling araw ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Gayunman, ang mask-wearing sa Cebu, ay nananatili pa ring ipinatutupad sa mga closed areas at mga lugar na may mass gathering.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page