top of page
Search

ni Lolet Abania | July 11, 2022


ree


Inanunsiyo ng Supreme Court ngayong Lunes ang ekstensyon ng application period para sa 2022 Bar Examinations hanggang Agosto 15.


Sa isang bulletin, ayon sa high court, ipinaalam na ito ng iba’t ibang law school sa buong bansa na isasara nila ang kanilang academic year ng mas matagal kaysa sa iba at mas mahuli rin sa deadline ng orihinal na application period.


Ayon sa SC, “[it extended the deadline] in order to give all interested law graduates ample time to prepare and submit their documentary requirements,” habang anila, matitiyak rin na ang iba’t ibang opisina ay magkakaroon ng sapat na oras para maproseso at maberipika ang mga aplikasyon.


Una nang itinakda ng SC ang application period mula Hunyo 13 hanggang Hulyo 15.

 
 

ni Lolet Abania | July 11, 2022


ree


Asahan ng mga kostumer ng Manila Electric Company (Meralco) ang pagbaba ng singil sa kuryente sa kanilang July billing, kasunod ng refund na iniutos ng Energy Regulatory Commission (ERC) nito lamang buwan.


Sa isang advisory ng Meralco ngayong Lunes, sinabi ng kumpanya na ang overall rate para sa isang tipikal na kabahayan ay may bawas ng 70.67 sentimos hanggang P9.7545 per kilowatt-hour (/kWh) mula sa P10.4612/kWh noong Hunyo.


Katumbas ito na pagbaba na P141 sa kabuuang bill ng mga residential customers na kumokonsumo ng 200 kilowatt-hours, P213 sa kumokonsumo ng 300 kWh, P284 sa kumokonsumo ng 400 kWh, at P355 sa kumokonsumo ng 500 kWh, matapos ang apat na magkakasunod na buwan ng pagtaas sa singil sa kuryente.


“This month’s reduction effectively reversed all increases in the overall power rates since the start of the year,” sabi ng Meralco.

Iniuugnay ng Meralco ang pagbabawas sa singil sa kuryente sa desisyon ng ERC na muling kalkulahin o recalculate ang pagkakaiba sa pagitan ng actual weighted average tariff (AWAT) at ang pinal na interim average rate (IAR) ng P1.3522/kWh mula Hulyo 2015 hanggang Hunyo 2022.


Batay sa desisyon, iniutos ng ERC sa Meralco na i-refund ang nasa P21.8 billion sa loob ng 12 buwan o hanggang fully refunded na ang naturang halaga, kung saan katumbas sa 86.56 sentimos per kilowatt-hour para sa July bill.


“As a highly regulated entity, Meralco’s rates undergo a review and confirmation process to make sure they are fair and reasonable,” pahayag ng Meralco head ng Regulatory Management na si Atty. Jose Ronald Valles.


“The immediate implementation of the ERC decision was able to more than offset the impact of higher generation charge this month to the benefit of our customers,” dagdag pa ni Valles.

 
 

ni Lolet Abania | July 11, 2022


ree

Umabot na sa 64,797 dengue cases ang nai-record sa bansa mula Enero 1 hanggang Hunyo 25, 2022, na nasa 90% increase kumpara sa mga kaso na nai-report sa parehong panahon noong nakaraang taon, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Lunes.


Base sa National Dengue Data ng DOH, mayroon lamang 34,074 dengue cases na nai-record mula Enero 1 hanggang Hunyo 25, 2021.


Sinabi ng DOH, 274 katao na ang namatay ngayong taon dahil sa dengue, kung saan nasa 0.4% case fatality rate ang naitala.


Sa 274 na nasawi, 36 ay naganap noong Enero, 32 noong Pebrero, 39 noong Marso, 46 noong Abril, 63 noong Mayo, at 58 nitong Hunyo.


Binanggit naman ng DOH na mayroong 21,115 dengue cases ang nai-record mula Mayo 29 hanggang Hunyo 25, 2022 lamang.


Sa nasabing bilang, 18% ay naitala sa Central Luzon na 3,902 cases. Kasunod ang Central Visayas na may 2,316 cases na 11%, at National Capital Region (NCR) na may 1,997 cases na 9%.


Ayon sa DOH, “Cumulatively, most of the dengue cases or 15% were still reported in Central Luzon with 9,426 cases. It is followed by Central Visayas with 7,741 (12%) and Zamboanga Peninsula with 5,684 cases (9%).”


Nitong Biyernes, ipinahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang pagtaas ng mga dengue cases sa bansa ay talagang nakaaalarma dahil ilang mga indibidwal na sa ngayon ang ina-admit sa mga ospital.


Una nang pinaalala ng DOH sa publiko na i-practice ang tinatawag na 4S behavior para labanan ang dengue, ito ani ahensiya: “Search and destroy breeding places; Secure self-protection; Seek early consultation; and Support fogging or spraying in hotspot areas, especially now during the rainy season.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page