top of page
Search

ni Lolet Abania | January 5, 2021




Isang mambabatas ang nag-alok ng P100,000 reward sa bawat suspek na maaaresto kaugnay sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant ng Philippine Airlines (PAL) na diumano'y pinagdroga at hinalay.


"Hustisya ang panawagan natin at tiyaking mapanagot ang mga sangkot sa karumal-dumal na krimen na ito," sabi ni ACT-CIS party-list Representative Eric Yap.


Ayon sa report, natagpuan ang bangkay ni Christine Dacera sa isang hotel room sa Makati matapos na mag-celebrate ng Bagong Taon kasama ang mga kapwa cabin crew at kaibigan.


Sa imbestigasyon ng awtoridad, posibleng hinalay ang biktima dahil sa ginawang pagsusuri sa bangkay na may abrasions at hematoma o mga pasa sa hita at tuhod.


Lumalabas na pinagdroga umano ang biktima at ginahasa. Napag-alaman din na hindi umano alam ng biktima na marami silang nasa hotel na tinatayang nasa siyam hanggang sa 11 suspek.


Sa 11 suspek, kinilala ng Philippine National Police (PNP) ang tatlong naaresto na sina John Pascual Dela Serna III, 27; Rommel Daluro Galido, 29; at John Paul Reyes Halili, 25.

Ayon kay Yap, magbibigay siya ng P100,000 pabuya sa makapagtuturo sa iba pang suspek.


"Walang taong nasa tamang pag-iisip ang makakagawa ng pang-aabusong ito at nararapat lang na mapanagot kayo kung mapapatunayan na may kinalaman kayo," ani Yap.

 
 

ni Lolet Abania | January 4, 2021




Umabot na sa 100,000 Chinese nationals na naninirahan at nagtatrabaho sa bansa ang nakatanggap ng bakuna laban sa COVID-19 sa kabila na wala pang inaaprubahan ang Food and Drug Administration (FDA), ayon sa isang civic leader.


Ayon kay Teresita Ang-See, isang Chinese-Filipino, nagsimula ang pagbabakuna sa mga ito noong November, 2020, subalit wala siyang alam kung paanong ang Chinese-developed vaccine ay nakapasok sa Pilipinas.


Sinabi rin ni Ang-See na karamihan sa mga Chinese nationals na naturukan ng vaccine ay nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).


“Okay lang sa akin na mabakunahan sila because we don’t have much control (over) them. Wala tayong basis to touch base with them, especially the POGO workers,” sabi ni Ang-See sa isang forum ngayong Lunes.


“I’m glad that they are being vaccinated because it protects us also if they’re protected,”

dagdag niya, kung saan tiwala aniya ang mga Chinese nationals sa nasabing vaccine.


Hiningan naman ng hiwalay na komento sina Presidential Spokesperson Harry Roque at Philippine Ambassador to China Jose “Chito” Sta. Romana, at anila, hindi nila makumpirma ang binitawang pahayag ni Ang-See.


“Wala po akong impormasyon,” sabi ni Roque sa isang press briefing. “Kung totoo man, eh, di mabuti. (We have) 100,000 less possible carriers of COVID-19,” dagdag ni Roque.


Ayon naman kay Sta. Romana, “Unless they came back to China and had the vaccination here in China, as to whether they were brought out of China, I cannot confirm or deny. I certainly don’t know.”


Samantala, nakasaad sa Food and Drug Administration Act of 2009 na ipinagbabawal ang pag-manufacture, pag-import, pag-export, pagbebenta at distribusyon at iba pa sa "any health product that is adulterated, unregistered or misbranded."


Ang sinumang mahatulan sa naturang krimen ay masesentensiyahan ng isa hanggang 10 taong pagkakabilanggo o pagmumultahin ng P50,000 hanggang P500,000, ayon sa batas.

 
 

ni Lolet Abania | January 4, 2021




Magkakaroon ng taas-presyo ng produktong petrolyo simula bukas, January 5, 2021, ayon sa mga kumpanya ng langis.


Sa hiwalay na advisory, ang Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc. ay magpapatupad ng taas-presyo sa kada litro ng gasolina ng P0.45, diesel ng P0.30, at kerosene ng P0.40, gayundin, ang Cleanfuel at Petro Gazz, subalit walang magiging pagbabago sa presyo ng kerosene.


Magiging epektibo ang taas-presyo ng mga produktong petrolyo nang alas-6:00 ng umaga bukas, January 05, 2021, maliban sa Cleanfuel na ipapatupad ang adjustment nang alas-4:01 ng hapon sa parehong araw.


Asahan na susunod na rito ang iba pang kumpanya ng langis.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page