top of page
Search

ni Lolet Abania | January 10, 2021



Pumanaw na si Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Joji Aragon sa edad na 58 dahil sa sakit na COVID-19, ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III ngayong Linggo.


"Around 4 a.m., I received a text message from her daughter. Huminto daw ang tibok ng puso," sabi ni Bello sa isang interview.


Ayon kay Bello, umabot nang halos isang buwan sa ospital si Aragon bago tuluyang namatay. "Inaayos na ang kanyang cremation because she died of COVID," ani Bello.

Itinalaga si Aragon bilang DOLE undersecretary sa Wages and Productivity, Legislative, Advocacy at Internal Auditing Cluster.

 
 

ni Lolet Abania | January 10, 2021




Niyanig ng magnitude 6 na lindol ang Salta Province, Argentina nitong umaga ng Linggo, ayon sa ulat ng GFZ German Research Center for Geosciences (GFZ).


Ayon sa GFZ, ang lindol ay may lalim na 222 km o 138 miles.


Gayunman, wala pang ibinigay na report ang awtoridad sa pinsalang idinulot ng pagyanig, at wala pa ring naitalang nasaktan sa lindol.

 
 

ni Lolet Abania | January 8, 2021




Isang 39-anyos na babae na dalawang linggo pa lamang nakakapanganak ang namatay matapos pagbabarilin ng dating karelasyon at ama ng bata sa kanyang bahay sa Mangaldan, Pangasinan kahapon.


Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Maria Teresa Ambas ng Barangay Macayug, Mangaldan habang ang suspek ay si Rommer Gonzales, 40-anyos, dating karelasyon ng biktima.


Ayon sa tiyuhin ng biktima na si Samuel Abrio, nagpapahinga siya sa kanyang bahay nang makarinig ng malalakas na putok ng baril.


Agad niyang pinuntahan ang bahay ng pamangkin na ilang metro lamang ang layo sa kanyang tirahan at nakitang nakahandusay na ito at duguan.


Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na ang suspek sa krimen ay dating karelasyon ng biktima na si Gonzales. Nakipaghiwalay umano si Ambas kay Gonzales bago pa siya manganak dahil nadiskubre nitong may iba pang karelasyon ang suspek.


"'Yung isang motive ng pagpatay, ‘yung love triangle. Saka ‘yung anak ng babae na namatay ‘yung bata, kasi ‘yung suspek, gusto niyang kunin ‘yung anak niya," ani Police Lieutenant Colonel Jun Wacnag ng Mangaldan Police.


"Tinawagan muna ‘yung babae na biktima, pinapalabas (ng bahay). Pero ‘yung babae kasi, kapapanganak lang dalawang linggo, mahihirapan siya, ayaw ng babae na lumabas. And then ‘yung suspek, hayun, pinasok na ru’n sa bahay (sa compound)," paliwanag ni Wacnag.


Naaresto ang suspek sa bahay ng bago niya umanong kinakasama. Itinanggi naman ng suspek na may kinalaman siya sa krimen. Sinampahan na ng pulisya ng kasong murder ang suspek.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page