top of page
Search

ni Lolet Abania | January 13, 2021





Ganap nang bubuksan para sa mga motorista ang lahat ng pitong lanes ng 18-kilometer Skyway Stage 3 Elevated Expressway na nagdurugtong sa South Luzon at North Luzon expressways sa Biyernes, January 15, 2021.


Sa isang statement na inilabas ng San Miguel Corp. (SMC), ang nasabing expressway ay isasara mula alas-10:00 ng gabi ng January 13 hanggang January 14 para sa kabuuang inspeksiyon, set-up at paghahanda sa pagbubukas nito.


Ang buong expressway ay magbubukas sa lahat ng motorista simula alas-5:00 ng umaga ng January 15.


"We ask for the kind understanding of motorists, as we prepare to officially open Skyway 3. Following the opening, motorists will be able to experience the benefits of all seven lanes and all the features of this game-changing expressway that will reduce travel time from SLEX to NLEX and vice-versa, to only 30 minutes. It will also help decongest traffic on EDSA and many parts of Metro Manila," ayon sa pamunuan ng Skyway.


"Skyway 3 will remain toll-free until January 29, and we look forward to welcoming our motorists, and letting them experience seamless travel," dagdag ng kumpanya.

Ang SMC ay kumpanya ng CITRA Central Expressway Corporation (CCEC) na nagsasagawa ng P44.86-billion Skyway Stage 3 project.


Ito ay konstruksiyon ng 18.83-km elevated expressway mula Buendia, Makati City hanggang NLEX sa Balintawak, Quezon City. Gayundin, ang nasabing proyekto ang magdurugtong sa SLEX at NLEX, kung saan mababawasan na ang travel time ng mga motorista na bumibiyahe ng Buendia patungong Balintawak ng 15 hanggang 20 minuto.

 
 

ni Lolet Abania | January 13, 2021





Tumanggap na ng unang dose ng COVID-19 vaccine si Indonesian President Joko Widodo, kauna-unahang nagpabakuna sa kanilang bansa, ngayong Miyerkules, Enero 13.


Isinagawa ang pagbabakuna kay Jokowi (kilalang tawag sa nasabing pangulo) sa Presidential Palace sa Jakarta, Indonesia, kung saan ang event ay naka-broadcast live sa national television. Ang CoronaVac na gawa ng Sinovac Biotech ng China ang tinanggap na vaccine ni Widodo. Bukod kay Widodo, tatanggap din ng unang shot ng bakuna ang kanyang mga gabinete ngayong araw.


“This COVID-19 vaccination is important for us to break the chain of this coronavirus transmission and provide health, safety, and protection for all Indonesians," sabi ni Widodo.


Pinaalalahanan naman ni Widodo ang kanyang mga kababayan, kung saan target ng Indonesian government na mabakunahan ang 181.5 milyong populasyon, na patuloy na sumunod sa mga health protocols, kahit mayroon nang isinasagawang vaccination.

 
 

ni Lolet Abania | January 12, 2021





Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte, maging ng mga gabinete, sa National Telecommunications Commission (NTC) na magpatupad ng sanctions sa mga internet service providers (ISPs) dahil sa umano’y pagkabigo nito na mapigilan ang paglaganap ng child pornography sa bansa.


Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, nabuo ang direktiba ng pamahalaan matapos na lumabas ang data patungkol sa kahina-hinalang transaction reports na may kaugnayan sa online sexual exploitation sa gitna ng COVID-19 pandemic, kung saan higit na dumoble ito kumpara noong 2019, na mula sa 19,000 ay naging 47,937 nitong 2020.


Sa ilalim ng Republic Act 9775, kinakailangang ipaalam ng ISPs sa Philippine National Police (PNP) o sa National Bureau of Investigation (NBI) sa loob ng pitong araw ang mga nakuhang pangyayari o lumabas na ulat ng anumang uri ng child pornography na naganap gamit ang kanilang server o facility.


Ayon din sa batas, lahat ng ISPs ay dapat na mag-install ng mga kailangang technology, program o software upang matiyak na magkakaroon ng access o transmittal sa kinauukulan ng anumang uri ng child pornography upang agad na maharang o ma-filter.


Parehong ang PNP at NBI ay nagsasagawa ng imbestigasyon tungkol sa nai-report na bentahan ng sensual photos at videos ng mga estudyante, kung saan nahihirapang sumabay sa ipinatutupad na distance learning at magkaroon ng mga requirements para rito sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Matatandaang iniutos din ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra sa NBI na sampahan ng kaso ang sinumang sangkot sa gawaing labag sa batas na may koneksiyon sa pagbebenta ng malalaswang larawan at videos online.


Iminungkahi rin ni Pangulong Duterte at kanyang gabinete sa mga mambabatas na dapat magtakda sa mga ISPs at tourism establishments ng pananagutan na layong mabuwag ang child pornography sa bansa.


“Malinaw po na hindi hahayaan ng gobyerno na madagdagan pa ang biktima ng sexual exploitation sa gitna ng kinakaharap nating pandemya,” ani Nograles sa isang news conference.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page