top of page
Search

ni Lolet Abania | March 4, 2021





Tinatayang nasa 40 ang naitalang nakaranas ng mild adverse events following immunization (AEFI) sa isinasagawang pagbabakuna ng gobyerno gamit ang Sinovac vaccine ng China, ayon sa Food and Drug Administration (FDA).


Sa isang interview ngayong Huwebes kay FDA Chief Eric Domingo, ang mga nasabing kaso ay nakaranas lamang ng mild symptoms gaya ng pananakit sa bahagi ng injection site.


“As of yesterday, ang nabakunahan ay marami-rami na rin, ilang libo na rin at nakatanggap kami ng reports ng mga 40 people who experienced mild signs and symptoms after immunization,” ani Domingo.


“Wala pa po tayong nakitang severe (AEFI). Ang severe po kasi, ‘yung talagang kailangang maospital, so as of kahapon ng hapon, wala pang nai-report sa atin. Karamihan talaga, ‘yung mga regular lamang,” dagdag niya.


Noong Martes, inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na ang gobyerno ang siyang mananagot para sa AEFI habang ang COVID-19 vaccines ay patuloy pa ring dinedebelop at dahil sa binigyan ng emergency use authorization.

Sinimulan ang vaccination program sa bansa noong Lunes mula sa 600,000 Sinovac doses ng China.


Samantala, binanggit ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. sa interview ngayong Huwebes na ang 1 milyon doses ng COVID-19 vaccines mula sa Sinovac na binibili ng Pilipinas ay darating sa ikatlong linggo ng Marso.


“'Yung 1 million more or less sa third week ng March. Maybe March 21 onwards...Asahan natin na March 21 to 30, darating na po ‘yung 1 million,” ani Galvez.

 
 

ni Lolet Abania | March 4, 2021





Inanunsiyo ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. ngayong Huwebes na ang COVID-19 vaccines na mula sa Pfizer sa ilalim ng COVAX Facility ay posibleng dumating sa Abril.


Sa isang interview, sinabi ni Galvez na tiniyak ng World Health Organization (WHO) kay Pangulong Rodrigo Duterte na matatanggap na ng Pilipinas ang bakuna mula sa Pfizer.


“Ang tingin po namin, baka April na po 'yung Pfizer kasi alam po natin na napakalaki ng demand ng Pfizer,” ani Galvez.

Aniya pa, sumulat ang WHO at sinigurong ang Pfizer vaccines ay makararating sa Pilipinas basta pirmado na ng pamahalaan ang indemnification agreement.


“Ang WHO po, sumulat na po sa ating mahal na Pangulo at ina-assure niya po ang mahal na Pangulo na darating po ang Pfizer as promised by the Pfizer headquarters na under kay CEO (Mr. Albert Bourla),” saad ng kalihim.


Tinatayang nasa 117,000 na initial doses ng Pfizer’s COVID-19 vaccines ang inaasahang matatanggap ng bansa mula sa COVAX Facility na pinangungunahan ng WHO at (Global Alliance for Vaccines and Immunization) GAVI Alliance upang matiyak ang pagkakaroon ng pantay na access sa mga bakuna sa lahat ng bansa.


Matatandaang nakatakdang ideliber ang inisyal na supply ng nasabing vaccines noong Pebrero subalit naantala ito.


Noong Martes, ayon kay GAVI Alliance CEO Seth Berkley, nagkaroon ng delay sa delivery ng ilang vaccines ng Pfizer sa ilalim ng COVAX Facility dahil sa mga idinagdag na requirements na hiningi ng manufacturer.


Ayon kay Berkley, kabilang sa mga additional requirements ay may kaugnayan sa isyu ng indemnification.


Ang indemnification agreement ay isang kasunduan na magbibigay-katiyakan sa mga indibidwal ng kabayaran sakaling magkaroon ng matinding side effects matapos na sila ay maturukan ng COVID-19 vaccine.

 
 

ni Lolet Abania | March 3, 2021





Niyanig ng magnitude-6.2 na lindol ang Greece ngayong Miyerkules, ayon sa European Mediterranean Seismological Centre (EMSC), kung saan unang nai-report na may magnitude-6.9 at 5.9 na paggalaw ng lupa.


Ayon sa EMSC, ang lindol ay may lalim na 10 km o 6.2 miles.


Sa tala ng German Research Center for Geosciences, ang pagyanig ay may magnitude-6.0 na may lalim na 10 km.

Sa report ng Athens Geodynamic Institute, ang epicenter ng lindol ay nasa 20 km south sa bayan ng Elassona sa central Greece.


Ayon sa isang fire service official sa Athens, wala namang naitalang pinsala at nasaktan matapos ang lindol subalit aniya, "My colleagues felt it, it was strong."


Sa pahayag naman ng Greek seismologist na si Vassilis Karathanasis sa isang state television, ang pagyanig ay naramdaman sa buong Greece.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page