top of page
Search

ni Lolet Abania | March 11, 2021





Sisimulan ng Philippine National Police (PNP) na maglagay ng mga body cameras sa kanilang mga isasagawang operasyon sa Abril para humupa na ang pangamba ng publiko tungkol sa mga naiuulat na namamatay kapag nagkakaroon ng raid ang pulisya, ayon sa pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.


“The body cams are there already. Training is ongoing and we expect these body cams to be used by April to erase doubts that the public may have on what really happens during police operations and when somebody dies in those operations,” ani Roque sa Palace briefing ngayong Huwebes.


“Kasi ‘yang body cam po ay physical evidence at hindi po magsisinungaling ang physical evidence,” dagdag ni Roque.


Ito ang paniniyak ni Roque kasabay ng isinasagawang imbestigasyon ng Justice Department tungkol sa pagkamatay ng siyam na aktibista sa Calabarzon Region habang may operasyon ang pulisya sa lugar noong Linggo.


Sa ulat, nagsasagawa ng operasyon ang mga awtoridad sa nasabing lugar, kung saan isisilbi ng mga ito ang search warrants para sa mga explosives at iba pang deadly weapons saka nangyari ang insidente.

 
 

ni Lolet Abania | March 11, 2021





Dalawampu't pito ang patay matapos bumulusok sa bangin sa isla ng Javi sa Indonesia kagabi ang isang bus na may sakay na mga batang estudyante at ilang magulang na pauwi na mula sa excursion.


Batay sa inilabas na pahayag ng search-and-rescue agency ng Jakarta, Indonesia ngayong Huwebes, nawalan ng kontrol ang driver ng bus bago tuluyang dumire-diretso sa bangin sa lugar na malapit sa siyudad ng Sumedang sa West Java Province.


Sa report ng transportation ministry, lulan ng bus ang mga junior high school students at ilang magulang, kung saan 27 ang namatay habang 39 ang nakaligtas sa insidente.


Gayundin, makikita sa larawang nakabaligtad ang bus na nasa bangin habang ang mga rescue workers ay patuloy na hinahanap ang iba pang biktima.


Ayon kay Supriyono, isang opisyal ng local search-and-rescue agency, nasagip na nilang lahat ang mga biktima habang agad namang dinala sa ospital ang mga nakaligtas.


Hindi pa malinaw ang dahilan ng aksidente, subali't ayon sa transportation ministry, may inisyal na indikasyon na hindi pa na-update sa road worthiness tests ang nasabing bus.

 
 

ni Lolet Abania | March 10, 2021





Sinuspinde ni Chief Justice Diosdado Peralta ang serbisyo ng Supreme Court (SC) mula Marso 11 hanggang Marso 14 upang magbigay-daan sa disinfection at sanitation ng mga opisina at gusali nito para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.


Nagdesisyon si Peralta na itigil muna ang mga trabaho sa SC dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases at ang pagkalat ng mga bagong variants nito na nakapasok sa bansa.


Gayunman, sa memorandum circular ni Peralta, ang mga on-duty personnel tulad ng medical at dental services, security at maintenance divisions at ang Office of Administrative Services ay papayagang mag-report sa mga nabanggit na araw.


Ang mga naitakdang meetings ng mga komite bago pa ang suspensiyon ay papayagang isagawa depende sa deskrisyon ng committee heads, habang ang mga chief ng mga opisina ay dadalo lamang kung kinakailangan.


Gayundin, mula Marso 15 hanggang 19, lahat ng opisina ay mananatili sa skeletal workforce na 50% para sa patuloy na pagkakaroon ng physical distancing ng six feet.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page