top of page
Search

ni Lolet Abania | April 27, 2022



Tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbitasyon na dumalo sa United States-ASEAN summit sa Washington DC, na gaganapin pagkatapos ng May 9 elections.


Sa Talk to the People na ipinalabas ngayong Miyerkules nang umaga, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi makabubuti para sa kanya na dumalo sa May 11-13 summit dahil sa panahong iyon ay malalaman na at mayroon nang bagong pangulo ang bansa.

“May invitation kasi ako sa America to join ASEAN countries to have a dialogue with [US President Joe] Biden. Ang problema kasi the dates are May 11 to 13, ang aming conference. By the time tapos na ang eleksyon, malaman na natin kung sino ang bagong presidente,” saad ng Pangulo.


“Ang mahirap kasi kung ako ang nandu’n, I might take a stand that could not be acceptable to the next administration,” aniya pa.


Ipinahayag din ng Punong Ehekutibo ang tungkol sa kanyang safety kung magta-travel siya patungo sa US para sa nasabing summit.


“Kaya takot rin ako na pumunta roon. Una, mawala. Pangalawa, makapasok ako sa lugar na baka makatay lang ako. Pangatlo is a matter of principle. Noon pa sinasabi ko na talaga na ayaw ko. Reason is akin na lang ‘yun,” paliwanag pa ni P-Duterte.


Ayon sa Pangulo, inatasan na niya sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na pumunta sa US para talakayin ang aniya, ‘maraming bagay’, kabilang na ang ASEAN Summit at ilang kumpidensyal na usapin.



 
 

ni Lolet Abania | April 27, 2022



Inianunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) ngayong Miyerkules ang pagpapalawig pa nang isa buwan para sa libreng sakay ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3).


Sa isang advisory, ayon sa DOTr, ang mga pasahero ay patuloy na maseserbisyuhan ng free rides ng MRT3 line hanggang Mayo 30, 2022, kung saan ang operating hours ay mula alas-4:40 ng madaling-araw hanggang alas-10:00 ng gabi.


Inisyal na ipinatupad ang libreng sakay noong Marso 28 hanggang Abril 30, bilang selebrasyon ng pagkumpleto ng rehabilitasyon ng MRT3 at para mapagaan ang nararanasang hirap ng mga commuters sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis, at lalo na sa maraming empleyado na nagbalik sa kanilang opisina at pinagtatrabahuhan.


“To continue providing assistance to the riding public in their commuting needs, the MRT3 Management and the DOTr have decided to extend for another month the implementation of the FREE RIDE or ‘LIBRENG SAKAY’ program in MRT3,” pahayag ng DOTr.


Batay sa ahensiya, hanggang nitong Abril 26, may kabuuang 7,227,434 pasahero na ang nakinabang mula sa MRT3 free ride program.


Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, umaasa sila na ang pag-extend ng free ride program ay patuloy na magpapagaan sa pinansiyal na pasanin ng mga commuters sa gitna ng isyu sa inflation at pagtaas ng langis dahil mas maraming manggagawa na rin ang nagbalik sa kanilang on-site work.


“Gumanda at nagbago ang ridership ng MRT3. Bago magpandemya, 260,000. At bagama’t may pandemya, ‘yung ridership ay umaabot sa 280,000. At ngayon, nasa 300,000 na ang naisasakay ng MRT3 at naihahatid nang ligtas, kumportable, at walang aberya. Napapanahon na i-extend pa natin ang LIBRENG SAKAY sa MRT3 upang mas maraming Pilipino ang makinabang,” sabi ni Tugade.


 
 

ni Lolet Abania | April 26, 2022



Inianunsiyo ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Martes na inilagay ang Marawi City at pitong iba pang munisipalidad sa Mindanao sa ilalim ng kanilang kontrol, batay sa rekomendasyon mula sa security forces ng gobyerno.


Labintatlong araw bago ang May 9 elections, inilagay sa ilalim ng Comelec control ang walong sumusunod na lugar sa Mindanao:


Sa Maguindanao:

• Buluan

• Datu Odin Sinsuat

• Datu Piang

• Mangudadatu

• Pandag

• Sultan Kudarat


Sa Lanao del Sur

• Marawi City

• Maguing


Ang Marawi City ay tinaguriang “ground zero” dahil sa 5-buwang mahabang labanan sa pagitan ng government security forces at ng ISIS-linked Maute group.


“Upon the joint recommendation of the Philippine National Police and Armed Forces of the Philippines and Regional Election Director Ray Sumalipao, the Committee on the Ban on Firearms and Security Concerns (CBFSC) placed [has placed these areas] under COMELEC control,” saad ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan sa isang statement.


Una na ring isinailalim ng Comelec sa kanilang kontrol ang bayan ng Tubaran at Malabang sa Lanao del Sur.


Sa Comelec Resolution No. 10757, nakasaad na ang isang lugar ay maaaring isailalim sa Comelec control batay sa sumusunod na mga pangyayari:


• History of/or current intense rivalry among contending parties. Such rivalries could motivate people to engage in violent acts;

• Incidents of politically-motivated violence involving aspirants/candidates and other supporters;

• Violence may be facilitated by the employment of Private Armed Groups (PAGs); and

• Serious armed threats posed by the Communist Terrorist Groups (CTGs), & other threat groups including BIFFs, Abu Sayyaf Group, Maute Group, & other analogous threat groups as may be declared by the competent authority or other paramilitary forces, private armies or identifiable armed bands widely perceived to have committed terrorism, fraud or other election irregularities and threaten or disrupt the holding of free, peaceful, honest, orderly, & credible elections in any political division, subdivision, unit or area.


Ayon pa sa Comelec, na-identify na rin nila ang 104 “areas of election concern” sa buong bansa, subalit hindi pa muna nila ilalabas kung saan naka-pending para sa anila, “monitoring".


 
 
RECOMMENDED
bottom of page