top of page
Search

ni Lolet Abania | May 1, 2022


ree

Magtatalaga ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mahigit sa 40,000 sundalo o personnel sa buong bansa para sa May 9 national at local elections.


Sa isang interview ngayong Linggo kay AFP spokesperson Army Colonel Ramon Zagala, sinabi nito na si AFP chief of staff General Andres Centino ay nagbigay na ng direktiba sa kanila na i-adopt nila ang dalawang paraan o mode ng operasyon para sa nalalapit na eleksyon.


“’Yan ay ang election mode which means lahat ng election duties at tasks, at ang combat mode para ma-suppress natin ang lahat ng threat groups at lawless elements,” saad ni Zagala.


Binanggit ng opisyal na ang 40,000 AFP troops na ikakalat sa lahat ng rehiyon sa bansa ay nakatakdang mag-monitor sa 14 lungsod at 105 bayan na itinuturing bilang “election areas of concern” sa ilalim ng tinatawag na highest red category.


“Lahat ng area commands nagdagdag tayo ng tropa. Iba-iba ‘yung numbers depende sa pangangailangan,” ani Zagala.


“Lahat ng available nating kasundaluhan will be made available for them. Kung kinakailangan pa, pwede pang dagdagan,” sabi pa niya.


 
 

ni Lolet Abania | May 1, 2022


ree

Nakamit ni Celeste Cortesi ang korona bilang pinakamagandang Pilipina sa Miss Universe Philippines 2022.


Sa kanyang Instagram ngayong Linggo, labis ang pasasalamat ng Filipina-Italian beauty queen habang binabalikan niya ang coronation night at nai-share din niya ang mga naisip nang mga panahong iyon.


“Yesterday, as I was walking on that beautiful stage, all I was thinking [about was my] mom and dad. The strength I got from them is indescribable,” caption ni Celeste sa kanyang IG post.


“I’ve worked so hard for this, I’ve prepared. And I let God do the rest in knowing that whatever is meant for me will never pass me by,” dagdag niya.


Kung ikukumpara ngayon mula sa unang pagdating niya sa bansa, sinabi ng 24-anyos na si Celeste na pinapangarap niya talagang mag-represent ng bansa para sa prestihiyosong pageant na ito.


“I’ve grown so much since I came [to] the Philippines [five] years ago and I really promised myself that I would only join a pageant if I’m ready to take the responsibility of a crown, and I am now,” sabi ng beauty queen.


“Yesterday, [I] received my second chance and I am beyond honored and grateful to be able to represent my country in the Miss Universe stage,” ani Celeste.


Sa nakamit niyang korona, umaasa naman si Celeste na ang kanyang istorya ay magbibigay ng inspirasyon sa marami aniya, “can inspire so many to never give up on their dreams because [through] hard work, perseverance, and faith, you can achieve anything you want.”


 
 

ni Lolet Abania | May 1, 2022


ree

Nakapagtala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng pinakamataas na heat index temperature na 50 degrees Celsius, nitong Sabado, Abril 30, sa Dagupan City sa Pangasinan.


Sa ulat ng state weather bureau, ang temperatura ay nai-record nang alas-5:00 ng hapon, kahapon.


Ang heat index o “init factor” ay ang sukatan ng temperatura na nararamdaman ng isang tao, kumpara sa aktuwal na tinatawag na air temperature.


Ayon sa PAGASA, ang mga lugar na nakapag-register ng above-40 degrees Celsius heat index, nito ring Sabado ay ang mga sumusunod:

• Aparri, Cagayan: 46ºC, nasa 5PM

• Laoag City, Ilocos Norte: 44ºC, nasa 2PM

• Casiguran, Aurora: 42ºC, nasa 2PM

• Masbate City, Masbate: 42ºC, nasa 1PM

• NAIA, Pasay City: 42ºC, nasa 1PM


Sinabi naman ng PAGASA na mula Marso 1 hanggang Abril 30, ang pinakamataas na heat index ay nai-record din sa Dagupan City na nasa 54ºC noong Abril 22, alas-2:00 ng hapon.


Klinasipika rin ng PAGASA bilang nasa “danger” zone ang mga lugar na may heat index na nagre-range ng 42ºC hanggang 51ºC, at nasa “extreme danger” kapag ang heat index ay nasa 52ºC at pataas.


Paliwanag ng PAGASA, kapag ang heat index ay nasa danger zone, ang mga residente ay maaaring makaranas ng heat cramps at heat exhaustion, at posibleng tamaan ng heat stroke kung magpapatuloy ang exposure nito.


Sa mga lugar na nasa ilalim ng extreme danger, ani PAGASA, “heat stroke is imminent.”


Paalala naman ng weather bureau sa publiko na limitahan ang kanilang oras na inilalaan sa labas o outdoors, uminom ng maraming tubig at iwasan ang tea, coffee, soda at liquor.


Hinihimok din ang lahat na gumamit ng payong, sumbrero at magsuot ng damit na may manggas.


Pinapayuhan naman ng PAGASA ang publiko na mag-iskedyul ng tinatawag na heavy-duty activities sa umpisa ng umaga o kaya matatapos na ang buong araw kapag ang temperatura ay mas lumamig na.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page