top of page
Search

ni Lolet Abania | May 2, 2022


ree

Nagsilang na ng baby girl ang singer-actress na si Jennylyn Mercado sa hubby niyang actor na si Dennis Trillo.


Nitong Linggo nang gabi, nai-share ni Jennylyn ang good news sa kanyang newest YouTube vlog dubbed as “Nursery Tour”, kung saan nanganak siya noon pang Abril 25, 2022.


“Maraming salamat po sa lahat ng tumulong sa amin para mabuo ang nursery room ni Baby D. Watch na kayo mga bessies till the end. Surprise!” caption ng aktres sa kanyang vlog.


Matapos ang nursery room tour, isang video naman na may petsang 4/25/22 ay makikita sina Jennylyn at Dennis sa isang hospital room.


“Check up lang dapat kami ngayon eh, bigla na lang kaming manganganak na raw. Hindi kami ready,” sabi sa video clip ng mommy na ulit na si Jen.


Sa end ng kanyang vlog, isang larawan ang nag-flashed na si Jennylyn ay kasalukuyang nanganganak habang si Dennis ay nasa loob ng operating room.


Matatandaan noong Oktubre ng nakaraang taon, sinorpresa nina Jennylyn at Dennis ang marami nang ianunsiyo ng dalawa na sila ay engaged na at nag-e-expect na rin sa kanilang first baby.


Matapos ang tatlong linggo, ibinalita naman ng couple na nagpakasal na sila at after nito, ibinulgar nina Jennylyn at Dennis na magkakaroon sila ng baby girl.


Welcome to the Christian world, Baby D!


 
 

ni Lolet Abania | May 2, 2022


ree

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Martes, Mayo 3, 2022, bilang regular holiday para sa pag-obserba ng Eid’l Fitr o ang end of Ramadan.


Nitong Mayo 1, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Proclamation 1356 na nagdedeklarang holiday ang naturang okasyon.


Sa kanyang Proclamation, ayon sa Pangulo, makapagbibigay ang nasabing holiday sa mga Pilipino ng aniya, “the full opportunity to join their Muslim brothers and sisters in peace and harmony in the observance and celebration of Eid’l Fitr, subject to the public health measures of the national government.”


Una nang sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea nitong Linggo na idedeklara ng Malacañang ang Martes, Mayo 3, na national holiday, bilang pagdiriwang ng Eid’l Fitr.


Ito ay matapos na ianunsiyo naman ng Grand Mufti ng Bangsamoro Darul Ifta nito ring Linggo na ang Eid’l Fitr commemoration ay magsisimula ngayong Lunes, Mayo 2.


Ang Eid’l Fitr ay isang Muslim holiday, kung saan nagpapahinga ng pag-aayuno para sa banal na buwan ng Ramadan, na nagsimula noong Abril 3.


Hinimok naman ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Ahod Ebrahim ang publiko na manatiling maging maingat at sumunod sa mga minimum public health standards sa panahon ng selebrasyon nito.


 
 

ni Lolet Abania | May 1, 2022


ree

Magsasagawa ang Grand Mufti ng Bangsamoro na si Sheikh Abu Huraira Udasan at iba pang religious scholars ng isang moonsighting activity ngayong Linggo para matukoy kung kailan ang Eid’l Fitr ay kanilang ipagdiriwang.


Inanunsiyo ng Bangsamoro government na ang coverage nito ay magsisimula nang alas-5:45 ng hapon habang gagawing streamed ito sa kanilang official Facebook page.


Matatandaan na ang banal na Islamic month ng Ramadan ay nagsimula noong Abril 3, Linggo. Ito ay nananawagan para sa spiritual reflection sa pamamagitan ng pananalangin, fasting at abstaining mula sa itinuturing na sinful behavior.


Ang buwan ng Ramadan ay magtatapos sa Eid’l Fitr holiday, kung saan ipagdiriwang ito ng Muslim world nang tatlong araw makaraan na magtapos ang holy month ng Islam.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page