top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 27, 2021


ree

Isinailalim sa dalawang linggong lockdown ang Sydney, Australia matapos maitala ang 17 bagong kaso ng COVID-19 noong Sabado.


Matatandaang maagang nagpatupad ng border closure ang Australia at mahigpit na ipinatupad ang social distancing rules nang tumama ang pandemya sa bansa kaya nakontrol nila ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.


Matapos ang ilang buwan ay niluwagan din ang restriksiyon sa naturang bansa ngunit, ayon sa pamahalaan, muling nagkaroon ng biglaang pagtaas ng kaso ng COVID-19 o surge. Dahil dito, muling ipinatupad ang mahigpit na restriksiyon.


Saad ni New South Wales Premier Gladys Berejiklian, "When you have a contagious variant, like the Delta virus, a three-day lockdown doesn't work — if we're going to do this we need to do it properly.


"Transmissibility is at least double what previous variants have been so we do need to brace ourselves for a potentially large number of cases in the following days.”


Aniya pa, "The situation is worsening beyond what we would have liked to have seen this morning, and the reason for that is that the new exposure sites are outside of those areas of concern we had highlighted.”


Sa ilalim ng lockdown, maaari lamang lumabas ang mga residente para sa essential goods, medical care, pagpasok sa eskuwelahan at trabaho.


Saad naman ni State Health Minister Brad Hazzard, "The Delta variant is proving to be a very formidable foe. "No matter what defensive steps we're taking at the moment, the virus seems to understand how to counter-attack." Samantala, nakapagtala ang Australia ng 30,400 kabuuang kaso ng COVID-19 at 910 bilang ng mga pumanaw.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 31, 2021


ree

Nakapagtala ang China ng 27 panibagong kaso ng COVID-19 sa Guangdong province na kaagad isinailalim sa lockdown noong May 30.


Ayon sa datos ng national health authority, sa 27 bagong kaso, 7 ang imported at 20 ang local cases. Kaagad ipinag-utos ng awtoridad ang lockdown at pagbabawal sa mga residente ng ilang lugar sa Guangdong na lumabas ng bahay.


Ipinagbawal din ang mga non-essential activities at ipinasara ang mga entertainment venues pati na rin ang mga pamilihan.


Samantala, ayon sa health authorities ng Guangdong Province, sa 20 new local cases, 18 ang mula sa Guangzhou City at dalawa ang mula sa Foshan City.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 29, 2021


ree

Isinailalim sa lockdown ang isang call center office sa Davao City noong Biyernes matapos magpositibo sa COVID-19 ang 46 empleyado nito.


Ayon kay Dr. Michelle Schlosser ng COVID-19 Task Force, dumami ang bagong kaso ng COVID-19 sa naturang call center office sa Ecoland, Davao City.


Saad pa niya, “Davao City monitors active cases through our contact tracers. The company failed to provide and declare an honest and comprehensive close contact line list to the District Health Officer Contact Tracer where the office is located.”


Ang District Health Officer, Sanitation Team, Philippine National Police, at barangay council ang naghain ng lockdown notification sa naturang kumpanya sa loob ng 14 araw.


Nagpaalala rin ang awtoridad sa mga pampribado at pampublikong opisina na sumunod sa mga ipinatutupad na health protocols upang maiwasan ang pagdami ng kaso ng COVID-19.


Nagsasagawa na rin ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga empleyado ng naturang kumpanya at isinailalim na rin sa isolation ang mga ito.


Samantala, noong Biyernes ay naiulat ang 173 karagdagang kaso ng COVID-19 sa Davao City at sa kabuuang bilang ay nakapagtala ng 16,561 total cases sa naturang lugar kung saan 1,381 ang aktibong kaso.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page