top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 20, 2023




Umabot na sa siyam ang naiulat na patay dahil sa lindol na may lakas na 6.8 na tumama sa Davao Occidental noong Biyernes, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Lunes.


Sa pinakabagong ulat nito, sinabi ng NDRRMC na walo sa iniulat na namatay ang nasa Soccsksargen at isa sa Davao Region.


Labing-limang indibidwal naman ang naiulat na sugatan.


Kabuuang 12,885 na tao o 2,489 na pamilya sa 43 barangay sa Soccsksargen at Davao ang naapektuhan ng lindol.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 19, 2023




Napinsala ang siyam na national at provincial roads, pati na rin ang apat na tulay sa Soccsksargen dahil sa lindol na may 6.8 magnitude sa Davao Occidental noong Biyernes, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) Region 12 ngayong Linggo.


Dalawang tulay sa Glan, at isa pa sa Malapatan, Sarangani ang nasira. Mayroon ding isang tulay sa General Santos na naapektohan ng lindol.


Sinabi ni OCD 12 information officer Jorie Mae Balmediano na nag-deploy ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng isang quick response team upang ayusin ang nasirang imprastruktura sa rehiyon.


Ipinahayag din niya na naibalik na ang suplay ng kuryente sa rehiyon noong Sabado, ngunit patuloy na nakakaranas ng paminsang power outages ang bayan ng Glan at ilang lugar sa General Santos City.


Wala namang problema sa suplay ng pagkain at tubig, dagdag niya.


Sinigurado rin ni Balmediano na makikipag-ugnayan ang regional OCD sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang magbigay ng karagdagang tulong sa mga lokal na pamahalaan na mas malaki ang pinsalang tinamo dahil sa lindol.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 18, 2023




Kinukumpirma ng Office of Civil Defense (OCD) ang pagkamatay ng limang indibidwal mula sa lindol na may 6.8 na magnitude na naminsala sa Sarangani, Davao Occidental kahapon.


Sinabi ni OCD spokesperson Director Edgar Posadas na iniulat ang isang nasawi mula sa San Jose, Davao Occidental (Rehiyon 11), kasama ang apat na iba pa sa Soccsksargen (Rehiyon 12).


Sa National Operations Center sa Camp Aguinaldo, Quezon City, itinaas naman ng OCD ang NDRRMC alert sa Code "Blue" para sa pinatibay na koordinasyon, pagkakaisa, at pag-uulat ng mga insidente, upang matiyak ang pakikipagtulungan sa mga kaukulang ahensya matapos ang malakas na lindol.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page