top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | December 21, 2021


ree

Nag-abiso ang LRT-1 private operator Light Rail Manila Corporation (LRMC) sa mga commuter na nakatakdang paikliin ang operating hours ng tren sa bisperas ng Pasko at Bagong Taon.


Sa inilabas na abiso ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), sa December 24 o Christmas Eve, ang last trip mula sa Baclaran Station ay aalis ganap na 8:15 p.m. mula sa dating 9:15 p.m. na departure sa regular weekends/holiday schedule.


Sa December 31 naman, ang last trip mula sa Baclaran Station ay aalis ganap na 7:00 p.m. at ang last train mula Balintawak Station ay aalis nang 7:15 p.m.


Magsisimula naman ang operasyon ng LRT-1 sa mga nasabing petsa ng alas-4:30 ng madaling araw.


Nilinaw din ng pamunuan na mananatili ang operasyon ng tren sa December 25, December 30, at January 1 alinsunod pa rin sa schedule ng regular weekends/holiday.


Samantala, mananatili pa rin na pansamantalang suspendido ang operasyon sa Roosevelt Station upang magbigay-daan sa isinasagawang Unified Grand Central Station na magko-connect sa mga istasyon ng LRT-1, MRT (Metro Rail Transit System)-3, at MRT-7.

 
 

ni Lolet Abania | May 21, 2021



ree

Magpapatupad ang Light Rail Transit Line 2 (LRT2) ng tinatawag na “degraded operation” o magbabawas ng mga biyahe ng tren sa huling dalawang Sabado at Linggo ng Mayo.


Sa isang advisory na nai-post sa Twitter ngayong Biyernes ng LRTA, ang naturang degraded operation ay mula May 22 hanggang 23, at May 29 hanggang 30, kung saan ang lahat ng kanilang mga tren ay magseserbisyo lamang ng Recto-Cubao-Recto lines.


Ayon sa LRTA, ang pagbabawas ng operasyon ng mga tren ay upang bigyang-daan ang ginagawang integration test sa signaling system ng Line 2 East Extension o ang Marikina at Antipolo Stations kasama ang Santolan-to-Recto system.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 23, 2021



ree

Tigil-operasyon muna ang Light Rail Transit (LRT) 1 simula sa ika-31 ng Marso hanggang sa ika-4 ng Abril dahil sa kanilang Holy Week maintenance schedule, batay sa Light Rail Manila Corporation (LRMC) ngayong umaga, Marso 23.


Ayon pa kay LRMC COO Enrico R. Benipayo, “The work we will need to do on our lines is to ensure that our train system continues to perform at its best.


We are doing everything we can for a better and smoother commute on the LRT-1.”


Kaugnay nito, nauna na ring nag-abiso ang LRT-2 sa naka-schedule nilang maintenance ngayong darating na Holy Week kaya pansamantalang maaantala ang kanilang operasyon.


Inaasahan namang magbabalik-operasyon ang mga tren sa ika-5 ng Abril.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page