ni Eli San Miguel @Lifestyle | August 28, 2024

Hindi lamang nagtapos sa kolehiyo si Shaira Diaz kundi nakatanggap din ng Personal Branding and Achievement Excellence Award mula sa University of Perpetual Help.
Sa Instagram, ibinahagi ng aktres ang isang selfie kasama ang kanyang award at mga larawan mula sa kanyang graduation celebration kasama ang kanyang fiancé na si EA Guzman at ang kanyang mga magulang.
“Receiving the Personal Branding and Achievement Excellence Award is truly an honor. I’m deeply grateful for this recognition, [University of Perpetual Help],” ani Shaira sa caption. Inihayag ni Shaira na ang pagkakaroon ng award na ito ay paalala ng kanyang magandang paglalakbay patungo sa pagtupad ng kanyang mga akademikong hangarin.
“Juggling study and work is challenging, but I’m telling you, it is possible kung gugustuhin mo,” aniya. “I’m happy to have inspired others along the way and will continue to do so. Kung kinaya ko, kakayanin mo rin!” dagdag pa niya.
Noong nakaraang linggo, opisyal na nagtapos si Shaira mula sa kolehiyo na may degree sa Business Administration major in Marketing Management. Sa kanyang pre-graduation ceremony, kinilala siya bilang isa sa mga natatanging estudyante na nakatapos ng Bachelor of Arts degree.







