top of page
Search

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | November 4, 2023


ree

Pakiramdam ni Maritoni ay nahihilo na siya, at para bang umiikot ang kanyang paningin.


Nasa isang kumbento na siya, na kung saan talaga dinibdib talaga nila ang pagiging madasalin.


Limang oras na silang nagdarasal kaya pakiramdam niya ay nag-aapoy na ang kanyang katawan.


“Okey ka lang ba, sister?” Nag-aalalang tanong ni Sister Luna.


Kaya kahit hindi siya sigurado kung kakayanin pa niya ang pagiging relihiyosa, tumango pa rin siya. Kailangan niya nang gawin ang kanyang misyon. Sa una ay mahirap dahil kailangan din niyang magpanggap na siya ay isang mabuting tao na malayung-malayo sa kanyang tunay na katauhan. Ngunit, ‘ika nga“kapag may hirap, may sarap” At ang sarap na kanyang hinihintay ay iyong pakikipaglaban sa serial killer.


Ayon sa report na kanilang nakalap, mas nagpapakita umano ang serial killer sa mga madreng bagong dating. Ibig sabihin, malaki ang tsansa na bigla na lang itong sumulpot sa kanyang harapan, pero siyempre, hindi mangyayari ‘yun kung nasa loob lang siya ng kumbento, kumakanta at nagdarasal.


“Kailangan ko rin po kasing makalanghap ng sariwang hangin. May mga pagkakataon po kasing inaatake ako ng hika, kaya kailangan ko ring gumala-gala.”


Bigla siyang natigilan sa biglang pagkunot ng noo ni Sister Luna.


“Kakaiba kang magsalita.” Wika nito.


Mabilis namang gumana ang kanyang utak para makahanap ng maidadahilan. “Ang pamilya ko po kasing pinanggalingan ay masyadong prangka magsalita. Sa mahirap na lugar lang po kasi ako lumaki kaya kahit na nakapasok na ko rito sa kumbento ay hindi pa rin madali para sa akin na baguhin ang aking nakasanayan.”


“Ganu’n ba?”


“Opo.”


“O siya sige, samahan mo ako sa palengke para makalanghap ka ng sariwang hangin at para maipakilala na rin kita sa ibang tao rito,” nakangiti nitong sabi.


“Okey ho,” wika niya sabay tango.


Gayunman, hindi niya maiwasang magtaka. Kung alam naman nila na mga bagong madre ang tina-target ng serial killer, bakit parang ibabandera pa ni Sister Luna sa lahat ang kanyang presensya?


Habang naglalakad sila sa gilid ng kalsada, nang may biglang huminto na owner type jeep sa harap nila. Kung hindi niya napigilan ang kanyang sarili, malamang ay nakapagmura na ito.

“Ihatid ko na kayo sa palengke, sister.”


Gusto sana niyang tanggihan at sabihing “no thanks” pero, natigilan siya nang mapagtanto niyang guwapong lalaki pala ang nag-aalok ng libreng sakay sa kanila, at kasabay nito ay biglang kumabog ang kanyang dibdib.

Itutuloy…


 
 

ni Mabel G. Vieron @Gulat Ka 'No?! | October 23, 2023


ree

Isang linggo na lang ay idaraos na ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Napakahalaga araw nito dahil ito ang araw kung kailan tayo magluluklok ng panibagong mga lider na mamumuno.


Dahil dito, hinihikayat natin ang lahat na bumoto at ‘wag sayangin ang pagkakataong ito upang maging bahagi ng pagpili ng mga bagong lider. Para, iwas-aberya, narito ang mga dapat at ‘di dapat gawin sa araw ng halalan:

  1. DAPAT NA MALAMAN ANG PRECINCT NUMBER. Kailangan alam natin kung saang presinto tayo dapat magtungo upang maiwasan ang pananatili nang matagal sa polling place. Kung sakaling ‘di n’yo talaga alam ang inyong precinct number, magtungo kayo sa precinct finder ng Commission on Elections (Comelec). Kailangan lamang ilagay ang iyong pangalan at kung saang distrito at lungsod ka nakarehistro, ru’n makikita mo na kung saang presinto ka nakatakdang bumoto. Maaari ka ring magtungo sa opisina ng election officer para ma-verify kung saan ang iyong presinto.

  2. PROTEKTAHAN ANG BALOTA. Bago simulan ang pag-shade, tiyaking malinis ang balota at walang anumang sira o dumi. Ayon sa batas ang “spoiled” ballot ay hindi tatanggapin ng machine at kung ito ay kasalanan ng botante, hindi na maaaring magbibigay ng panibagong balota. Isa pang paalala, tiyaking tama ang pag-shade at iwasang mag-over vote upang hindi masayang ang inyong boto. Samantala, puwede ang mag-under vote, ngunit hinihikayat ang mga botante na kumpletuhin ang listahan.

  3. ‘WAG PIKTYURAN. Dahil ito ay isang paglabag sa ballot secrecy, at maaari rin itong magamit sa vote buying o vote selling.

‘Di dapat natin kalimutan ang mga ito para maging maayos ang takbo ng ating pagboto. Pero, kung magluluklok tayo siguraduhin natin na magiging maayos ang kanilang dalawang taong termino.


Hangad natin ang malinis at payapang halalan at mangyayari lamang ‘yan kung gagawin ng bawat isa ang obligasyon na maging responsableng botante.


Copy?


 
 

ni Mabel G. Vieron @FGulat ka 'noh?!! | October 04, 2023


ree

Normal na sa atin ang pagkakaroon ng tattoo sa iba’t ibang bahagi ng ating katawan. Pero, maniniwala ka bang kaya ng isang tao ang 667 tattoos? Ang aking tinutukoy ay walang iba kundi si Mark Owen Evans, 49-anyos, kasalukuyang nakatira sa U.K.


Dati na siyang naparangalan ng Guinness World Record bilang “Most tattoos of the same name on the body” Matapos niyang ipa-tattoo ang pangalan ng kanyang 7-anyos na anak na si Lucy.


Una niyang nasungkit ang world record noong taong 2017, sa pamamagitan ng pagpapa-tattoo ng 267 ‘Lucy’ sa kanyang likod. Gayunman, noong 2020, ay na-beat ng 27-anyos na si Diedra Vigil, kasalukuyang nakatira sa USA, ang record sa pamamagitan ng pagpapa-tattoo ng kanyang sariling pangalan nang 300 beses.


Desidido si Mark na muling makuha ang titulo, at nagpasya siyang magpa-tattoo muli sa kanyang hita ng tig-200 na pangalan ng kanyang anak.


Ayon kay Mark, hindi na umano siya makapaghintay na maibalik sa kanya ang titulong ito. Siya rin mismo ang gumawa ng mga design sa kanyang tattoo, at ang napili niyang disenyo ay ang librong nakabuklat na nagsisi-signify ng Guinness World Records book na may mga nakasulat na ‘Lucy’.


Orihinal na binalak ni Mark na ipa-tattoo ang pangalan ni Lucy nang 100 beses, dahil iyon lang ang tingin niyang magkakasya.


Gayunman, laking pasasalamat niya sa dalawang tattoo artist na nagawang pagkasyahin ang 267 na ‘Lucy’ sa kanyang likod. Ayon pa sa kanya, kakaibang sakit umano ang kanyang nararamdaman habang isinasagawa ang pagta-tattoo.


Sa kabuuang bilang ng kanyang tattoo, ito ay aabot sa 667. At matagumpay niyang nabawi ang titulong “Most tattoos of the same name on the body”.


Imagine, nagtiis at naghirap talaga siya upang maangkin ang titulo. What if, isa rin sa ating mga ka-BULGAR ang magkaroon ng ideya tungkol dito, at labanan si Mark?! Hindi malabong mangyari ‘yun, malay natin.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page