top of page
Search

ni Jersy L. Sanchez - @Life & Style| February 28, 2022



ree


Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), dumarami na ang mga biktima ng “love scam” sa gitna ng pandemya. Gayundin, may mga Pinoy nang sangkot sa modus na ito.


Pero bago ang lahat, pamilyar na ba kayo sa “love scam”? Para sa mga hindi pa nakakaalam, karaniwang target ng mga kawatan ay ang mga aktibong naghahanap ng karelasyon sa social media.


Ang siste, paiibigin ang target hanggang sa makumbinsi itong magpadala ng pera at ‘pag nakuha na ang padala, bigla na lang maglalaho na parang bula. Ganern!


Sey ng experts, walang espesyal na teknolohiyang ginagamit para maisagawa ang modus na ito, kaya anu-ano nga ba ang mga palatandaan para hindi ka mabiktima nito?


1. BAGO ANG ACCOUNT. ‘Pag wala pa masyadong laman ang account, red flag ‘yan. Kung bago lang ang account, posibleng may itinatago o pinagtataguan. Kaya besh, bago mahulog sa matatamis na salita at pangako, i-check mo muna ang account.


2. MASYADONG MABILIS. Marami ba siyang gustong malaman sa ‘yo? Inaalam ba niya agad kung ano’ng source of income mo o kung saan ka nakatira? May mga pagkakataon din bang gusto niyang mag-settle na kayo? Marahil, sa unang tingin ay normal lang ‘yan dahil feeling mo ay parte ‘yun ng pagkilala niya sa ‘yo, pero baka ‘di mo lang naman na pinag-aaralan na niya kung paano ka bibiktimahin.


3. PURO PANGAKO. Nangako ba siya na magkikita kayo o marami siyang ipinangakong plano para sa future n’yo kuno? Naku, bes, hinay-hinay ka muna. Baka kasi masyadong kang madala sa mga pangako niya kaya kahit ano’ng hingin niya, eh, ibibigay mo na agad.


4. NANGHINGI NG PERA. Ito talaga ‘yung “ultimate red flag”, besh. For sure, sasabihin niyang para sa ikabubuti n’yong dalawa ang paghingi niya ng pera, pero sa true lang, ‘pag nakuha na niya ang iyong padala, malamang na mago-ghost ka na.


5. I-DOWNLOAD ANG PICTURE. Payo ng mga eksperto, para matiyak na tunay ang pagkakakilanlan ng iyong kausap, i-download ang picture nito at saka i-reverse image search. Kapag nakumpirma mong hindi siya totoo, alam mo na, ha?


Ang “love scam” ay isang seryosong krimen, kaya hindi natin dapat dedmahin ang mga senyales na ito. May mga pagkakataon pang nawalan ng ari-arian at ipon na pera ang mga biktima dahil sa sobrang tiwala sa kanilang pinaniniwalaang karelasyon. Ang ending, nawalan na ng dyowa, nawalan pa ng pera o ari-arian. Tsk-tsk-tsk!


Kaya para sa mga aktibong naghahanap ng karelasyon online, take note sa mga senyales na ito dahil baka sa halip na dyowa ang mahanap n’yo, eh, sakit sa ulo at bulsa ang makuha n’yo. Gets mo?


 
 

ni Mharose Almirañez | February 27, 2022



ree

Nakakarindi pakinggan ang paulit-ulit na tanong ng tita’t tito’s of Manila na walang ibang bukambibig kundi abalahin ang iyong love life. ‘Yung tila mas worried pa sila sa ‘yong pagtandang-dalaga. Samantalang ikaw, halos wala ka man lang pakialam sa dami ng lalaking lumagpas sa buhay mo.


Batid naming ikaw itong strong independent woman who doesn’t need a man for a living (sana all, ‘di ba), pero minsan ba ay naitanong mo na rin sa ‘yong sarili, kung hanggang kailan ka magiging ganyan ka-strong?


No man is an island, ‘ika-nga.


Alam naming pakitang-tao mo lang ang pagiging strong, dahil weak ka naman talaga inside. Ikaw ‘yung ayaw makaabala sa iba, kaya sasarilihin mo na lang ang lahat ng bumabagabag sa ‘yo. Ikaw ‘yung nagninilay-nilay sa gabi at tinatanong ang kapalaran kung bakit napaka-unfair ng mundo.


Siyempre, alangang sagutin ka ng apat na sulok ng pader, at kahit magtitigan pa kayo magdamag ng kisame—hinding-hindi rin ‘yan sasagot. Walang makaririnig sa ‘yo, hangga’t hindi mo tinitibag ‘yung mataas na pader sa pagitan ninyo ng mga taong lumalapit sa ‘yo. Hangga’t naka-padlock ‘yung sarado mong isip. Hangga’t you’re not enough ready to lower your guard.


Sabi nga ni Maestro Honorio Ong, malaki ang impluwensya ng Astrolohiya at Numerolohiya sa personalidad ng isang tao. Gayunman, gabay lamang ang mga ‘yun, sapagkat ikaw pa rin ang gagawa ng sarili mong kapalaran.


Kung pakiramdam mo nama’y planado mo na ang iyong future, ‘wag kang pakasisiguro dahil ang buhay ay punumpuno ng surpresa. Kahit pa gaanuman ka-detail oriented ‘yang pina-plantsa mong future, may isang tao pa ring maglalakas-loob na tibagin ang iyong pader. Kumbaga, hawak nito ‘yung susi na mag-aalis sa iyo sa ‘yong comfort zone.


Sa oras na dumating ang araw na ‘yun, sana piliin mo ang maging masaya.


Tandaan, you only die once, kaya ‘wag kang pumayag mamatay nang hindi nararanasang sumalungat sa agos. Hindi ka totoong strong kung hindi mo naranasang madapa, masugatan, masaktan at umiyak. Hindi masamang magpakita ng kahinaan. Kaya sana, ‘wag kang matakot papasukin ang lahat ng taong kumakatok sa iyong buhay. Okie?


 
 

ni Jersy L. Sanchez - @Life & Style| February 21, 2022



ree


Pagdating sa ating skin, madalas tayong naka-focus sa mga produktong ginagamit natin, kung ito ba ay ‘good’ para sa ating balat. Gayundin, madalas nating tinitingnan ang ingredients kung swak sa ating skin type at hindi magiging sanhi ng pimples o acne.


Pero mga besh, knows n’yo ba na hindi lang skin care products ang dapat nating bantayan para makaiwas sa pimples?


Sey ng experts, puwede ring maging sanhi ng acne ang mga kinakain natin, kaya anu-ano nga ba ang mga pagkaing dapat nating iwasan o kontrolin?


1. DAIRY. Ayon sa mga eksperto, partikular mga produktong gawa sa cow’s milk o gatas ng baka. Paliwanag ng isang celebrity esthetician sa US, dahil mayorya ng gatas sa US ay mula sa mga pregnant cow, ang hormone levels sa gatas ay may malaking role sa “excess sebum production” na nagiging sanhi ng acne. Samantala, ang dairy ay common food sensitivity sa karamihan, kung saan tinatayang 68% ng tao sa mundo ay lactose intolerant. At base sa isang pag-aaral sa Science of the Total Environment noong 2010, ang mild food allergies at sensitivities ay nagiging acne at inflammation.


2. SUGARY DRINKS & FAST FOOD. Ayon kay Dr. Muneeb Shah, dermatologist, ang high processed sugar content sa mga fast food ay maaaring maging sanhi ng acne. Samantala, ayon sa American Academy of Dermatology, ang sugary foods and drinks ay posibleng maging sanhi ng pagtaas ng blood sugar, na nagreresulta sa hormonal acne response.


3. WHITE BREAD. Sey ni Dr. Yorum Harth, board-certified dermatologist and specialist in acne phototherapy, ang white bread ay posibleng sanhi ng acne dahil ito ay ‘high glycemic food. Ibig sabihin, nagiging dahilan ito ng mabilis na pagtaas ng blood sugar level gaya ng sugary drinks.


4. WHEY PROTEIN. Ang whey protein ay karaniwang nakikita sa protein powders, na kapag nasobrahan sa pagkonsumo ay nakapagti-trigger ng acne. Tulad ng white bread, ang whey protein ay high glycemic food na nagpapataas ng blood sugar level, na nagreresulta sa oil buildup, na nagka-clog naman ng pores.


Hindi natin sinasabing bawal kainin ang mga nasa itaas, ipinaaalala lang natin na importanteng kontrolado natin ang diet upang hindi maging sanhi ng iba pang problema sa ating katawan, partikular sa ating balat.


Kaya para sa mga ka-BULGAR nating conscious sa skin, lalo na sa acne, take note, ha?



 
 
RECOMMENDED
bottom of page