top of page
Search

ni Mabel G. Vieron @Life & Style | July 29, 2023


ree

Sa panahon ngayon, mas pinipili ng mga tao at mga negosyante ang mag work from home. Less-hassle na ‘di ka pa mamomroblema sa pang-araw-araw na pagbiyahe. Kaya naman narito ang mga tips kung paano magiging epektibo ang ating work from home.


  1. PAG-INVEST NG KAGAMITAN. Ang pinaka-importanteng kagamitan ay ang PC o laptop. Ito ang pangunahing magiging kasama mo sa pagtatrabaho. Kung ang iyong kumpanya naman ay nagpadala ng magagamit mo, eh ‘di mas oks, ‘di ba?

  2. KOMPORTABLENG UPUAN AT MESA. Ilang oras ba ang gugugulin mo sa iyong trabaho? Sure akong 8 hours ‘yan, isipin mo ‘yun walong oras kang magtatrabaho kaya naman deserve mo rin ang komportableng upuan at mesa upang makapagtrabaho ka ng maayos.

  3. TAMANG ORAS NANG PAGTATRABAHO. Kung walong oras ang dating ginugugol mo sa pagtatrabaho, ganundin dapat kung naka-WFH ka. Sa totoo lang, napakahirap gawing simple ang walong oras na pagtatrabaho dahil makikita mo na mas relax ka naman, at iwas trapik, ngunit ‘di rin maganda sa kalusugan ang nakababad sa trabaho. Sarili mo pa rin ang iyong unahin, oki?

  4. GUMAWA NG TO-DO LIST. Kung meron kang to-do list na tinatawag, i-update mo ito araw-araw. Mas magkakaroon ka ng maayos na pagpaplano ng mga gawain mo sa buong araw. Dahil dito, mas magiging produktibo ka dahil tila isang checklist lang ito ng mga gagawin mo.

  5. KUMAIN NG MASUSTANSYANG PAGKAIN. Sa totoo lang, mas may pagkakataon ka na para rito dahil puwedeng ikaw na mismo ang maghanda at magluto nito. ‘Di gaya ‘pag nasa opisina ka na puro fast food ang kinakain mo, ‘di ba?

Akala mo ba ay tapos na tayo, beshie? R’yan ka nagkakamali! Narito pa ang mga napakalaking advantage kapag tayo ay naka-WFH. Halina’t atin itong isa-isahin!

  1. TIPID SA PAMASAHE. Dahil naka-WFH ka, hindi mo na kailangang bumiyahe at mag-budget para sa pamasahe. Siyempre, hindi mo na rin need gumising nang maaga para pakikipag-siksikan sa ibang pasahero.

  2. TIPID SA DAMIT. Hindi ka na mai-stress kung ano ang iyong outfit of the day, sapagkat puwede kang magtrabaho kahit nakapambahay lamang.

  3. MAS MABILIS MATATAPOS ANG TRABAHO. Puwede kang mag-advance upang maka-bonding mo rin ang iyong family. Maari ka ring gumawa ng gawaing-bahay at magpahinga matapos ang iyong trabaho.

Sa una ay mahirap talaga mag-adjust, beshie! Lalo na’t kung iisipin mo rin ang inyong internet at electric bill, ngunit exciting naman ito lalo na’t kung makakasanayan mo.



 
 

ni Mabel G. Vieron @Life & Style | July 20, 2023



ree

Kung ang ibang tao ay ‘di kayang tumagal ng isang oras sa karagatan, wala kayo sa napagdaanang pagsubok nina Tim Shaddock, 51-anyos, at kanyang aso na si Bella.


Sino nga bang mag-aakalang makaka-survive pa sila sa mahigit dalawang buwang palutang-lutang sa Pacific Ocean?


Alam kong palaisipan sa'yo kung paano ito nangyari, pero kung ikaw ba ang nasa sitwasyon nila ay kakayanin mo kaya?


Himala kung maitatawag ng iba, pero ito ang pinagdaanan ni Shaddock at kanyang alagang aso.


Ayon kay Shaddock, nagmula sila sa Mexico at balak umano nila sanang tumungo sa French Polynesia noong Abril, ngunit nasira ang kanilang sinasakyang catamaran matapos na hagupitin ito ng bagyo.


Namataan sila ng isang helicopter kung kaya’t nailigtas sila. Ibinahagi rin ni Shaddock, ang kanilang ginawa upang maka-survive. Ayon sa kanya, kumakain sila ng hilaw na isda at umiinom ng tubig-ulan.


Dadalhin na sila sa Mexico kung saan isasailalim si Shaddock sa iba pang medical tests.


Grabe ang karanasan na 'yun para sa kanila, pero aral na rin ito sa mga nagnanais na sumakay sa mga sasakyang pandagat na magdoble-ingat, laging siguraduhin kung oks ba ang lugar na daraanan at pupuntahan.


 
 

ni Jenny Rose Albason @Life & Style | July 17, 2023


ree

Magkano pa ang laman ng wallet mo? May natira pa ba sa suweldo o literal na dumaan lang sa kamay dahil napunta na sa mga bayarin at pinagkakautangan?


Well, kung ang iba ay nagkakandakuba na sa pagtatrabaho pero mahirap pa rin, iba naman ang diskarte ng isang mister sa bansang India.


Sino'ng mag-aakala na sa kanyang pamamalimos ay puwede siyang maging milyonaryo at makapagpundar ng mga bahay, negosyo, at makapagpaaral ng mga anak?


Ang ating tinutukoy ay si Bharat Jain, naninirahan sa Mumbai, India, na ayon sa report ng Economic Times ay tinaguriang "World's Richest Beggar".


Si Jain ay hindi pormal na nakapag-aral dahil sa kahirapan, at sa ngayon ay mayroon siyang asawa at dalawang anak na lalaki. Kasama rin niya ang kanyang ama at kapatid.


Sa pamamagitan ng pamamalimos sa lansangan ng Mumbai, si Jain ay kumikita ng 60,000 hanggang 75,000 rupees o katumbas ng P39,000 hanggang P49,000 buwan-buwan o mahigit P1,500 kada araw.


Ang kanyang 10 hanggang 12 oras na pamamalimos araw-araw ay nagbunga ng two-bedroom flat na nagkakahalaga ng P7.9 million at dalawang stationary store na inuupahan niya nang P19,900 kada buwan.


Sa kabila ng yaman, patuloy na namamalimos si Jain, kahit pa pinatitigil na siya ng pamilya. Kaya kinikilala ngayon si Jain na pinakamayamang pulubi sa buong mundo. Kung saan, tinatayang nasa halos P50 milyon na ang net worth nito.


Masasabing kakaiba o nakakagulat ang istilo ni Jain para kumita ng pera, malamang may mapapa-"sana all" pa, pero tiyak may mga magtataas din ng kilay.


Babala naman sa mga nagbabalak na mamalimos dahil na-inspire kay Jain, labag 'yan sa batas ng 'Pinas. Mayroon tayong "Presidential Decree No. 1563 o Anti-Mendicancy Law", na mahigpit na ipinagbabawal ang pamamalimos at magpalimos, puwedeng makulong.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page