top of page
Search

ni Jenny Rose Albason @Gulat Ka 'No?! | August 5, 2023



ree

Aakalain n’yo bang may tao palang kayang magpigil ng hininga nang matagal sa ilalim ng tubig?


Well, kung tayo ay kaya lamang tumagal nang ilang segundo o minuto, ibahin natin si Budimir Šobat na nakapag-record ng pinakamatagal na paghinga sa ilalim ng tubig sa Sisak, Croatia, na may oras na 24 minutes and 37.36 seconds.


Imposible man para sa karamihan, ngunit para kay Budimir ay bunga ito ng kanyang dedikasyon sa pagsasanay na halos ilang taon din.


At kung titingnan ang ebolusyon ng record mula 13 min 42.5 sec noong 1959 hanggang sa kasalukuyang record ni Budimir, malinaw nating makikita kung gaano pinaghihirapan ng mga tao na mapahusay ang kanilang mga technique.


Para ma-achieve ang kanyang record, nakadapang posisyon si Budimir sa swimming pool kung saan ang kanyang mukha ay nasa ilalim ng tubig, at mayroong isang team na nakagabay sa paligid niya.


Gumamit muna si Budimir ng scuba diving gear para makakuha ng oxygen bago siya pumosisyon sa tubig saka ito inalis at ipinikit ang kanyang mga mata para mag-concentrate sa pagpigil ng hininga.


Matapos niyang makamit ang kanyang record, napatunayan niya umano na lahat ng bagay ay imposible basta’t ikaw ay malakas at may dedikasyon.


Ang kanyang inspirasyon para makamit ang kanyang tagumpay ay ang kanyang anak na si Saša, na may autism.


Sinabi ni Budimir na ang pagdadala ng kanyang sarili sa atensyon ng media sa pamamagitan ng kanyang record, ay maaari niya umanong itaas ang kamalayan ng mga tao tungkol sa usaping autism.


Si Budimir ay gumugol ng tatlong taon sa paghahanda ng kanyang sarili para sa record attempt na ito, at nagsasanay ng anim na araw sa isang linggo.


Ang kamangha-mangha pa rito, habang tinapos ni Budimir ang kanyang record-breaking breath hold, hindi man lang siya nagpakita ng pagkahingal.


Pasimple niya lang inangat ang kanyang ulo sa ibabaw ng tubig, at ngumiti sa mga manonood habang pinapalakpakan siya.


Amazing ‘di ba? Pero paalala lang mga ka-BULGAR, ‘wag nating gagayahin ito dahil sadyang delikado. Nangangailangan ito ng matinding pagsasanay at kung maaari ay kumuha tayo ng trainer kung gusto rin nating magawa ang matagal na paghinga sa ilalim ng tubig.


At sadyang nakaka-inspired ang kuwento ni Budimir dahil para sa anak niya palang may autism ang kanyang pagkapanalo, how sweet!!!


 
 

ni Mabel G. Vieron @Life & Style | August 3, 2023


ree

Marami sa atin ang namomroblema sa kani-kanyang mga katrabaho na “TOXIC” and yes mga ka-BULGAR, ‘di natin ito maiiwasan. Wala na sigurong tatalo sa stress na dala ng mga taong toxic, am I right? ‘Yun bang maging ang reklamo at issues nila sa buhay ay paulit-ulit at nakakabaliw na.

So, narito ang ilan sa mga tips kung paano natin ito iha-handle upang ‘di natin ma-absorb ang kanilang negative energy.

  1. HUWAG MO SILANG SABAYAN. Kapag kasi sinabayan mo ang kanilang init ng ulo at pagka-toxic, aba parang wala ka na ring pinagkaiba sa kanila, para mo na ring pinatunayan na isa ka sa mga toxic. Kaya beshie, sinasabi ko sa iyo huwag na huwag mo silang papatulan.

  2. IWASAN MO SILA. Ang gawin mo ay hayaan mo silang magmukhang tanga kakasalita, mabuti na rin ‘yung umiwas ka para ‘di na mas lalo pang lumaki ang gulo. Ignore them, pero kung may kinalaman sa trabaho n’yo be professional pa rin, pero ‘pag ‘di ka kinakausap mag-pretend ka na lamang na ‘di mo sila nakikita.

  3. HUWAG KANG MAGPAPAAPEKTO. Positive man ‘yan o negative. Usually, may hidden agenda ‘yan. It's either may hihilingin ‘yan sa iyo o iinsultuhin ka. Dedmahin mo lang kasi kung magpapaapekto ka, ikaw lang din ang kawawa, mental health mo pa rin ang iyong unahin at intindihin, okie?

4. LAWAKAN MO ANG IYONG PANG-UNAWA. Ang katulad niya na bitter ay ‘di na dapat pinapatulan pa, bitter siya sa buhay, trabaho at love life niya, kaya gusto niyang ipasa sa iyo ang mga kamalasan at problema sa buhay niya.

Pagpasensyahan mo na lang siya, besh! Hindi rin naman madaragdagan ang iyong suweldo kung iintindihin at magpapaka-stress ka sa mga sinasabi niyang wa’ naman kuwenta. Hay naku, kaya sinasabi ko sa’yo ‘wag na ‘wag n’yo silang papatulan, sayang ang beauty at skin care natin noh!

Sa mga ‘di pa aware r’yan sa mga toxic na tao, gumising ka! Dahil ‘di oks na malason niya ang iyong kaisipan. Whether you like it or not, you have to live with them, lahat siguro ng trabaho ay ‘di nawawala ang toxic na workmates, pero malay mo baka isang araw, magbago rin sila? Pero ngayon tanggapin mo na lang muna na ganu'n talaga sila.


Okie?!


 
 

ni Mabel G. Vieron @Life & Style | August 1, 2023


ree

Tag-ulan nanaman kung kaya uso na muli ang sakit na leptospirosis, ang iba sa atin ay ‘di pa rin alam kung ano nga ba ang ibig sabihin nito. Sa artikulong ito ating ipapaliwanag kung ano nga ba ang leptospirosis at paano ito maiiwasan.


Ang leptospirosis ay isang malubhang impeksyon dulot ng bacteria na nilalabas ng mga hayop sa kanilang pag-ihi. Kadalasan nakukuha ito sa tubig-baha na kontaminado ng ihi ng daga. Bukod sa mga daga, maaari ring maging carriers ang mga baka, baboy at aso.


Mahalagang maging alerto sa sintomas ng leptospirosis kung napasugod sa baha lalo na kapag may sugat sa binti at paa.


Ang sintomas ng leptospirosis ay karaniwang nararamdaman 4 hanggang 14 na araw matapos ma-expose. Ito ang tinatawag na incubation period at sa oras na ito maaaring maramdaman ang mga sumusunod:

  • Lagnat

  • Pag-ubo

  • Panginginig

  • Pagkahilo at pagsusuka

  • Pagkawala ng ganang kumain

  • Pamamantal ng balat

  • Pagsakit ng mga kalamnan lalo na sa hita at likod

Maaaring lumubha ang leptospirosis at maging dahilan ng pagkamatay kapag hindi agad ito naagapan. Ang malubhang karamdaman ng leptospirosis ay tinatawag na Weil’s disease. Ito ang ilan sa mga sintomas:

  • Paninilaw ng balat

  • Pananakit ng dibdib

  • Seizures

  • Pag-ubo ng dugo

  • Kawalan ng gana kumain

  • Pamamantal ng balat

  • Pamumula ng mga mata

  • Pagsakit ng mga kalamnan lalo na sa hita at likod

Ang sakit na ito ay kadalasang naaagapan sa pamamagitan ng leptospirosis prophylaxis o ang pag-inom antibiotics tulad ng penicillin at doxycycline. Mahalagang tapusin ang pag-inom ng gamot ayon sa iyong doktor dahil maaaring bumalik ang bacteria kapag itinigil ang medikasyon.


Umiwas sa mga maruruming tubig at lupa na maaaring kontaminado ng ihi ng mga hayop lalo na kung ikaw ay mayroong sugat. Kung hindi maiwasan ang paglusong sa tubig-baha, magsuot ng bota at maging alisto sa mga sintomas ng leptospirosis.


Kung sa iyong palagay ay posible kang makakuha ng bacteria mula sa iyong mga alagang hayop, magtanong sa isang veterinarian tungkol sa bakunang ito. Kung kayo ay nakakaranas ng sintomas ng leptospirosis, agad na pumunta sa inyong doktor upang magpakonsulta at para mabigyan ng tamang lunas ayon sa inyong karamdaman.


Ngayong patuloy pa rin ang pag-ulan, please lang mga ka-BULGAR, alagaan natin ang ating mga sarili. Okie?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page