top of page
Search

ni Mabel G. Vieron @Gulat Ka 'No?! | August 9, 2023



ree

Nahuhumaling ang mga kabataan ngayon sa iba't ibang disenyo ng marshmallow, pero wala na yatang tatalo sa marshmallow na ginawa sa Mexico.


Alam n'yo ba kung bakit? Ang ginawa lang naman nila ay ang dambuhalang marshmallow na mas mabigat pa sa isang grand piano. Biruin mo 'yun? Kahit sino ay bibilib kung paano nila ito ginawa.


Nakatanggap ng Guinness World Record title ang Mexico matapos nilang gawin ang higanteng marshmallow. Ginawa ng kumpanyang Dulces Mazapan de la Rosa ang marshmallow sa Plaza Fundadores sa Guadalajara, Jalisco.


Ang record breaking attempt na ito ay isa sa mga activities na bahagi ng kanilang 200th founding anniversary celebration.


Upang makasiguro na pasok sa requirements ng Guinness organization ang marshmallow, nakabantay sa industrial plant ng kompanya ang official adjudicator na si Carlos Tapia.


Alam kong curious na rin kayo kung ilang katao ang gumawa nito, kinakailangan lang naman ito ng 100-katao, yes 100! Tama kayo ng pagkakabasa mga ka-BULGAR, dahil ito ay may bigat lang namang 648.40 kilograms na tumagal ng 53 hours o mahigit dalawang araw para ma-perfect itong marshmallow.


Matapos makumpirma na ang Dulces Mazapan de la Rosa na ang bagong record holder, pinaghati-hatian at tinikman na ng mga mamamayan ng Guadalajara ang marshmallow.


Oh, saan ka pa? Panalo na sila, may pinaghati-hatian pa sila, grabe ‘di ba? Akalain mo ‘yun nagtulung-tulong sila para lang ma-perfect ‘to. Para sa akin ay deserved nila kung ano ang kanilang natanggap na parangal dahil ‘di biro ang kanilang ginawa, isipin mo ‘yun anytime puwede bumagsak o mag-collapse ‘yung marshmallow, grabe!


 
 

ni Jenny Rose Albason @Gulat Ka 'No?! | August 8, 2023



ree

Alam kong marami sa atin ang naguguluhan o nagdadalawang isip kung dapat na nga ba nating iwan ang ating kasalukuyang trabaho. Hindi ko layunin na pilitin kang mag-resign ngunit sa article na ito ay ibabahagi ko ang mga dahilan upang mabigyan ka ng linaw at makapagdesisyon ng maayos.


1. HINDI SAPAT ANG SUWELDO. Sa totoo lang, depende sa tao ang konsepto ng mababa o mataas na suweldo. Alam n’yo kung bakit? Dahil iba-iba tayo ng needs at lifestyle. Dito sa Pilipinas, parte na ng kultura natin ang nakatira pa rin tayo sa ating mga magulang kahit na tayo ay may trabaho na, at wala namang masama ro’n. Masuwerte ka kung tinutulungan ka pa rin hanggang ngayon ng magulang mo, unless na lang kung ikaw ay breadwinner.


Kung ikaw naman ay nagbabayad ng renta, kuryente, tubig, internet, at grocery, etc., Aminin natin na mababa talaga ang pasahod dito sa ‘Pinas sabayan pa ng nagtataasang presyo ng mga bilihin.


2. HINDI MAKASUNDO ANG KASAMAHAN SA TRABAHO. Walang perfect na work colleagues at mas lalong hindi ka rin perfect. Kung hindi mo masakyan ang trip nila, wala kang magagawa. Itinuturing na nating pangalawang tahanan ang ating workplace. Kumbaga, araw-araw natin silang kasama at minsan nga ay parang pamilya na rin ang turing natin sa kanila. Kung hindi mo sila makasundo, umalis ka na.

Totoo namang sa kahit anong kumpanya ay hindi mawawala ang tsismisan. Mula sa iyong outfit hanggang sa personal na buhay ay nanghihimasok sila at nawawalan na ng respeto. ‘Yung iba naman ay gumagawa ng mga bagay na ikapapahamak mo. ‘Yan ang tinatawag na crab mentality. Everybody wants to be on top, everybody wants to be the king and queen. Hilaan pababa kumbaga.

3. MAY MAS MAGANDANG OPORTUNIDAD SA LABAS. Huwag i-ignore ang mas magandang oportunidad. Mas promising na career growth, mas magandang schedule, at mas mataas na suweldo. As long as nakikita mong mas better ito kaysa sa kasalukuyan mong trabaho, ‘wag mo na itong palampasin pa.


4. MALAYO SA TINAPOS NA KURSO. Marami sa atin ang nasa industriya na malayo sa kursong ating tinapos. Sa totoo lang, wala namang masama ro’n, pero paano na lang kung nangangarap ka pa ring ipagpapatuloy ‘yung field na gusto mo talaga? Malamang ay dumating din kayo sa punto ng inyong buhay na nagke-crave kayo sa career na talagang gusto n’yo. Yakapin mo kung ano gusto mong gawin. Do something about it and you will surely be happy with your career. Do what you love to do and get paid for it.


Okie?


5. MALAYO SA BAHAY MO. Seryoso, hindi ito biro. Malaking factor din ang location ng workplace kahit pa sabihin natin na sanay na tayo sa biyahe.


6. SAWA KANA. Nakakatawa man pakinggan pero totoo itong nangyayari. Kumbaga sa pag-ibig, kapag sawa ka na, ‘wag mo nang ipilit dahil sa hiwalayan din naman ito mapupunta. Madalas itong mangyari sa mga petiks at routinary na trabaho. ‘Yung tipong kayang-kaya mo nang tapusin lahat ng tasks kahit nakapikit ka pa. ‘Yung minsan ay nagsasaawa kana kasi paulit-ulit na lang ang ginagawa mo. Oo, halos lahat ng trabaho ay routinary talaga, pero may severity levels din ‘yan. Hindi kana asset ng kumpanya kung ganyan ang nararamdaman mo, wala na sa diwa mo ang enthusiasm.


Later on magiging liability kana. Go ahead and find a new environment that would motivate you once again.

7. JOB BURNOUT. Ano nga ba ang pagkakaiba nito sa nagsasawa na? Ang burnout ay hindi ka pa naman nagsasawa, pero napapagod ka na. Pumapasok pa rin naman tayo sa trabaho pero malalaman mong na-bu-burnout kana kapag gigising ka tapos ang una mo agad na maiisip ay kung ano ang idadahilan mo sa boss mo dahil ayaw mong pumasok.


Ang iba nga ay nag-a-unwind pa. Subukan mo ‘yun, pero kung pagbalik mo sa reyalidad ay nasa burnout state ka pa rin, tama na dahil baka hindi na para sayo ‘yang trabaho na ‘yan, maghanap kana ng iba or kaya magpahinga ka muna.


Kaya mga ka-BULGAR, sapat na siguro itong mga dahilan upang makapagdesisyon ka ng mabuti, kung dapat mo na nga bang iwan ang kasalukuyan mong trabaho. Huwag kang manghihinayang kung may patutunguhan ka naman. Again, hindi ito sapilitan, okie??


 
 

ni Jenny Rose Albason @Gulat Ka 'No?! | August 6, 2023



ree

Malamang sa malamang ay magulat ka rin kung paano nagawa ng 92-years-old na sumali sa isang marathon.


Mapapasana all ka na lang talaga, dahil biruin mo ‘yun hindi naging hadlang ang kanyang edad sa mga gusto niyang gawin.


Curious na ba kayo kung sino ang aking tinutukoy? Siya lang naman si Mathea Allansmith, ang itinanghal na pinakamatandang babae na nakatapos ng marathon na ginanap sa U.S.


Lumaban siya noong Disyembre 11, 2022, at itinakbo lamang niya ng 10 hours, 48 minutes and 54 seconds ang 42.1 km. Grabe, ‘di ba? Kahit siguro ang mga bagets ay bibilib sa kanya.


Si Allansmith, ay 93-anyos na ngayon at nananatiling maganda sa pamamagitan ng pagtakbo ng anim na araw sa isang linggo, umulan man o umaraw ay wala umanong nakakapigil sa kanya.


Ayon sa kanya, “The Honolulu Marathon is my favorite marathon partly because they don’t close the gate at a certain time which allows even the slowest runners to finish the race.”


Dagdag pa niya, “running in cities around the world has allowed me to really get a feel for different places and people,”


Lingid sa ating kaalaman siya rin ay isang retired doctor na ngayon ay naninirahan sa Koloa, Hawaii.


Sa araw ng kanyang world record, ginulat siya ng kanyang anim na anak sa pamamagitan ng pagsusuot ng pare-parehong t-shirt na nagsasaad ng tagumpay ng kanilang ina. Labis ang kanyang kagalakan, at ngayon ay plano niya pa ring ipagpatuloy ang kanyang pagtakbo.


Maraming humanga sa kanyang kakayahan at dahil dito mukhang marami ring mga senior citizen dito sa ‘Pinas ang ‘di magpapatalo. Looking forward na ako sa mga nagnanais magpakitang gilas.


Nawa’y maging tulay ito upang ‘di panghinaan ng loob ang ating mga mahal na ka-BULGAR na ipagpatuloy ang kanilang nais.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page