top of page
Search

ni Mabel G. Vieron @Gulat Ka 'No?! | August 22, 2023


ree

Engganyung-engganyo ang kabataan ngayon sa playground lalo na sa swing, ang ilan nga ay nagwawala at umiiyak ‘pag ‘di sila napagbibigyang maglaro.


Pero, kung patagalan naman sa swimg ang pag-uusapan, ibahiin natin si Richard Scott, 53- anyos, na kasalukuyang nakatira sa U.K, dahil nagtagal lang naman siya ng 36 hours and 32 minutes na nagpaduyan-duyan.


Nagsimula siya noong Mayo 14, 2022 alas 6:10 ng umaga, sa Loch Leven’s Larder playground at natapos siya ng Mayo 15 ng gabi.


Upang hindi makasama sa kanyang kalusugan ang record breaking attempt, pinahintulutan siya ng Guinness na magkaroon ng 5 minutes break sa kada isang oras ng pag-upo sa swing. Inipon lamang ni Scott ang kanyang breaktime upang umidlip sa loob ng 12 minutes.


Ayon ka kanya, malaki ang naitulong ng kanyang pag-idlip kaya nakatagal siya ng 36 hours sa swing.


Matagumpay na napasakamay ni Scott ang titulong kanyang pinaghirapan dahil na-beat niya lang naman ang previous record holder na si Quinn Levy na tumagal ng 34 hours sa kanyang swing marathon.


Mapapanood ang 36 hours marathon ni Scott sa Facebook page ng Rotary Club of Kinross and District.


Pagbabahagi ni Scott, bata pa lang umano siya ay pangarap na niyang mag-swing marathon. Bukod dito, malaking karangalan para sa kanya ang mabasa ang sariling pangalan sa Guinness Book of World Records.


Grabe, mga ka-BULGAR, biruin mo ‘yun, ‘di naging hadlang ang kanyang edad sa gusto niyang gawin, hindi kaya biro ang 36 hours and 32 minutes na magpaduyan-duyan, kalahating oras ka pa nga lang ay mangangayaw ka na dahil sa pagkahilo. Pagbati para kay Scott!


 
 

ni Mabel G. Vieron @Gulat Ka 'No?! | August 21, 2023



ree

Natural na sa kababaihan ang pagkakaroon menstrual cramps buwan-buwan.


Kadalasan, sinasamahan pa ito ng pananakit ng balakang, at iba pang sintomas ng dysmenorrhea gaya ng:

  • Pananakit ng ulo

  • Pagiging moody

  • Pagsusuka

  • Diarrhea

  • Pananakit ng katawan

  • Kawalan ng gana gumawa ng usual activities

  • Pagiging emotional

  • Pagiging tender ng dibdib

  • Bloating o ang pakiramdam na matigas at malaki ang tiyan kumpara sa normal nitong laki.

Walang babaeng hindi nakakaranas ng menstrual pain tuwing may dalaw. Mayroon nga lang iba na hindi gaanong matindi ang sakit na nararanasan kapag may menstruation.


Para hindi gaano tumatagal ang menstrual cramps, maaaring uminom ng gamot sa dysmenorrhea upang maibsan ang pananakit ng puson. Nakakatulong sa pag-inom ng gamot sa sakit ng puson ang pagkakaroon ng ovulation calendar o ang talaan ng mga araw sa iyong menstrual cycle.


Sa ganitong paraan, madaling tukuyin kung anong araw dapat uminom ng gamot bago pa man magsimula ang dysmenorrhea.


Hindi lamang sa pag-inom ng gamot nama-manage ang sakit na dala ng dysmenorrhea tuwing may buwanang dalaw. Narito pa ang ilan sa mga paraan para mas maging maayos ang pakiramdam tuwing may menstruation at makapagpatuloy sa araw-araw na routine sa kabila nito:


1. MAGKAROON NG LOW-FAT DIET. Makakatulong ito na maiwasan ang sobrang sakit na sanhi ng dysmenorrhea. Marami ring benepisyo ang pagsasama ng herbs sa meal plan. Ilan sa mga ito ang ginger, cinnamon, at chamomile. Nakaka-relax ito ng muscles at nakapagbibigay ng relief mula pananakit ng katawan. Maigi rin na idagdag ang mga pagkaing ito para mabawasan ang menstrual pain:

  • Mga prutas gaya ng papaya, avocado, o saging;

  • Brown rice

  • Chicken o fish

  • Cucumber

  • Dairy products

  • Watermelon

  • Green leafy vegetables


Inirerekomenda rin ang pag-inom ng maraming tubig para manatiling hydrated dahil sa dami ng fluids na inilalabas ng katawan kapag may regla. Nakakatulong din ito para umayos ang daloy ng dugo sa katawan.


2. MAG-EXERCISE. Hindi lamang tuwing dadating ang buwanang dalaw dapat mag-ehersisyo. Gawin itong normal na bahagi ng iyong lifestyle nang sa gayon, kapag may menstruation, magiging mas magaan ang pakiramdam.

3. GUMAMIT NG WARM COMPRESS. Nakakaginhawa para sa masakit na puson ang paggamit ng warm compress. Nare-relax ang muscles at gumaganda ang daloy ng dugo sa katawan. Puwede rin itong ipatong sa balakang para makadagdag-ginhawa mula sa pananakit ng puson.

4. MAGPAHINGA. Nakakapanghina ang sakit na dala ng dysmenorrhea. Hangga’t maaari, iwasan ang labis na physical at social activities sa tuwing may buwanang dalaw nang sa gayon ay makapahinga ang katawan mula sa nangyayari sa loob nito.

Kung hindi nawawala ang menstrual cramps at sakit na dala nito sa pamamagitan ng mga nabanggit na tips, huwag mag-atubiling kumonsulta sa doktor para matukoy kung ano ang angkop na hakbang na dapat isagawa. Ipagbigay-alam sa healthcare provider ang mga sintomas na nararanasan maging ang mga hakbang na isinagawa para magkaroon ng relief para ma-assess nito kung saan ba nanggagaling ang problema.


Okie?


 
 

ni Mabel G. Vieron @Gulat Ka 'No?! | August 19, 2023



ree

Ang average lifespan ng goldfish ay 10 hanggang 15 taon lamang, kaya malamang sa malamang ay bibilib din kayo sa aking ibabahaging kuwento, dahil umabot lang naman siya sa edad na 43. Yes, mga ka-BULGAR, 43 years siyang nabuhay.


Ang goldfish na tinutukoy natin ay si Tish na napanalunan ni Peter Hand bilang premyo noong 1959, si Peter ay 7-anyos noon.


Inalagaan ni Peter si Tish hanggang sa ikasal siya at umalis sa kanilang tahanan, kung saan ang kanyang ina na si Hilda, ang nag-alaga kay Tish.


Si Tish ay nagsilbi umanong suwerte sa buhay ni Nanay Hilda.


Ang nakakamangha pa sa kuwento ng buhay ni Tish ay noong 1988, tumalon umano ito sa bowl na kanyang pinaglalagyan, wala sa bahay noong si Nanay Hilda kaya ‘di niya alam kung gaano na katagal si Tish sa sahig. Sa kabutihang palad nang ibalik siya ni Nanay Hilda sa tubig ay nagpatuloy ito sa paglangoy na para bang walang nangyari.


Sa paglipas ng mga taon, habang tumatanda si Tish, ang mga kaliskis nito ay nagiging silver.


Pagbabahagi pa ni Nanay Hilda, ayaw umano ni Tish ang ingay kung kaya’t sinisiguro niyang tahimik ang kanilang kapaligiran hangga’t maaari.


Pasok si Tish sa Guinness World Record bilang pinakamatandang goldfish sa buong mundo na sinundan ng British goldfish na pinangalanang Fred sa pagmamay-ari ni A.R Wilson, namuhay si Fred ng 40 years at pumanaw noong 1980.


Ang nakakalungkot na ibinahagi ni Nanay Hilda ay ang pagkamatay ni Tish noong Agosto 6, 1999, isang taon matapos siyang maparangalan.


May ilang haka-haka na ang goldfish umano ay namumuhay sa loob ng 50 years, ngunit hanggang ngayon ay ‘di pa rin ito napapatunayan at wala pa ring nakaka-beat ng record ni Tish. Nakakamangha ang kuwento niya, hindi ba mga ka-BULGAR?




 
 
RECOMMENDED
bottom of page