top of page
Search

ni Jenny Rose Albason @Gulat Ka 'No?! | September 24, 2023


ree

Gusto mo rin bang matuto mag-surfing? Kakaiba ang trip ng isang instructor sa Pismo Beach, California na si Dana McGregor dahil kambing lang naman ang kanilang ginagamit na titser sa mga nais matuto mag-surfing.


Magaling daw kasing magbalanse sa bundok ang mga kambing lalo na sa matatarik na lugar kaya naisipan niya ito. Kahit marami nang aso ang natutong mag-surf at kadalasan ay nananalo pa ng award, madalas pa rin umano itong mahulog sa surfboard. Noong 2011 ay nagdesisyon si McGregor na kumuha ng isang kambing upang linisin ang poison oak at iba pang damo sa hardin ng kanyang nanay. Balak sanang lutuin ni McGregor ang kambing pagkatapos nitong maglinis ngunit siya ay napamahal na rito at pinangalanan niya pang “Goatee”.


Noong kaarawan ni McGregor ay sinama niya si Goatee sa beach at sinubukan niya itong turuan ng surfing.


Simula noon ay nagsama na si McGregor ng mga kambing upang mag-surfing. Gumawa rin siya ng YouTube videos at 2 children’s book kaya naman binansagan siyang “Goatfather”.


Natutuwa si McGregor na nakakapagbigay siya ng saya sa mga tao sa pamamagitan ng kanyang mga kambing at surfing. Para sa isang first-time surfer na si Rebekah Abern, nakakapagpakalma umano na makita kung paano magbalanse ang kambing na si Chupacabra sa surfboard. Minsan ay nagugulat pa rin si McGregor sa kakayahan ng kanyang mga kambing. Si Pismo, isa sa kanyang alagang kambing, ay nakikita niya umano na patuloy pa ring nagsu-surfing kahit nahulog na ang kanyang owner sa alon na may taas na 2 metro.


Ayon kay McGregor, naniniwala siya na balang araw ay makakaya na ng mga kambing na mag-surf sa loob ng isang barrel-wave. Ang barrel-wave ay ang pinakamahirap na hamon para sa mga surfer.


Aba, dinaig pa tayo ng mga kambing! Patunay ito na kung kaya ng mga hayop ay isipin natin na kaya rin natin. Wala namang imposible kung talagang gusto nating gawin ang isang bagay basta tayo'y determinadong matuto.


Sa mga gustong matuto mag-surfing d’yan, gawin nating inspirasyon si Goatee dahil kung kaya niya ay kaya mo rin!


 
 

ni Mabel G. Vieron @Gulat Ka 'No?! | September 15, 2023


ree

Ang mga kuneho ay isa sa pinakatanyag na alagang hayop dahil sa kanilang napaka-cute na hitsura. Pero, tiyak na mas hahanga kayo sa aking ibabahaging kuwento, dahil siya lang naman ay pinarangalan ng Guinness World Record bilang “Longest fur on a rabbit”.


Ang aking tinutukoy ay walang iba kundi ang English Angora Rabbit na si Franchesca na pagmamay-ari ni Betty Chu ng Morgan Hill, California. Malamang sa malamang ay ‘di kayo maniwala, dahil ang balahibo ni Franchesca ay may haba ng 36.5 cm (14.37 in).


Grabe, hindi ba?


Tayo ngang mga tao ay naiirita na ‘pag ang ating mga buhok ay mahaba na.


Imagine, kinaya ni Franchesca ang ganu’ng kahabang buhok na halos ‘di na makita ang kanyang mukha? Yes, mga ka-BULGAR, kinaya niya ito dahil sa tulong ng kanyang furmom.


Gayunman, malungkot na ibinahagi ni Betty na pumanaw na umano ang kanyang pinakamamahal na alagang kuneho, ngunit nag-iwan naman daw ito ng malaking epekto sa buong mundo.


Ayon kay Betty, kung anu-anong contest na rin ang kanilang sinalihan at karamihan du’n ay napagtagumpayan ni Franchesca. Grabeng pagmamahal ang ipinadama ni Betty sa kanyang alaga, biruin mo ‘yun hinahaluan niya lagi ang pagkain nito ng tinapay, prutas at gulay, ‘wag ka, mayroon din umano itong sariling schedule sa pagkain.


Nakatanggap umano ng email mula sa Guinness World Records si Betty na inaanyayahan siyang i-apply ang kanyang alagang kuneho para sa record na may minimum length requirement na siyam na pulgada. Matapos nu’n ay inimbitahan ni Betty ang kanyang veterinarian na si Dr. Pete Keesling, at dalawang top rabbit breeders na sina Kathi Groves at Jeannie McDevitt, bilang mga saksi upang sukatin ang haba ng fur ni Franchesca.


Laking tuwa ni Betty nang masungkit ni Franchesca ang titulong may pinakamahabang fur sa buong mundo. At ngayon ay nalulungkot si Betty sa tuwing naalala niya ang kanyang mahal na alaga na si Franchesca. Hindi matutumbasan ng kahit na anong bagay ang ating mga alaga, lalo na kung napamahal at itinuring na natin sila bilang miyembro ng ating pamilya.


 
 

ni Mabel G. Vieron @Gulat Ka 'No?! | September 13, 2023


ree

Kilalanin natin ang tatlong lalaki na kinilala ng Guinness World Record bilang “World’s Strongest Beards” na kayang bumuhat ng tao at humila ng kotse at tren.


Maaaring hindi kapani-paniwala para sa iba ang ganitong kwento, dahil biruin mo ba naman kasi hindi nila kinakailangan gumamit ng kamay o magpatulong sa ibang tao.


Noong taong 2012, si Kapil Gehlot, 24-anyos, ay humila ng kotse na may bigat na 2,205 kg (4,861.193 lbs). Ang kanyang hindi kapani-paniwalang tagumpay ay pinanood ng taumbayan sa Jodhpur, Rajasthan, India. Makikita sa isang video clip na ibinahagi ng Guinness, gumamit lang sila ng isang metal plate na mayroong mga bolts at inilagay sa balbas ni Gehlot at matapos nu’n ay buong lakas niya itong hinila na may haba ng 68 meters.


Bago ‘yun, noong taong 2001, si Ismael Rivas Falcon ay nagpakitang gilas din sa paghila ng pinakamabigat na tren sa isang set ng El Show de los Récords sa Madrid. Maniwala man kayo o hindi, kinayang hilain ni Falcon ang isang tren na may bigat na 2,753.1kg (6,069 lb) at may layong 10 meters, para mas maging challenging, pinuno pa ito ng mga pasahero. May isang lalaki rin na kaya namang bumuhat ng tao gamit din ang balbas.


Ang tinutukoy naman natin ngayon ay walang iba kundi si Antanas Kontrimas. Kinaya niya lang namang bumuhat ng isang tao na may timbang na 63.80 kg (140 lb 10 oz).


Nagawa pang magpapiktyur ni Kontrimas habang nakalambitin ang isang babae mula sa mga strap na nakalagay sa kanyang balbas habang nakataas ang kanyang mga braso.

Grabe, di ba?!! 'Ika nga nila, balbas lang sakalam.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page