top of page
Search

Arestado ang isa pang netizen na nag-alok at nag-post sa social media ng milyun-milyong pisong pabuya sa makapapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang nasabing suspek ay isang babae mula sa Cordova, Cebu, na dinakip ng mga awtoridad dahil sa pag-post na magbibigay umano siya ng P75 milyon sa sinumang makapapatay sa Pangulo.

Depensa naman ng babae, na-hack ang kanyang account at hindi siya ang nag-post nito.

Nahaharap ang babae sa reklamong inciting to sedition.

 
 

Dinampot ng mga awtoridad ang isang salesman sa Agusan del Norte dahil sa kanyang post sa social media laban kina Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Bong Go.

Itinuturing ng pulisya na libelous ang ibinahaging mga komento sa Facebook ni Reynaldo Orcullo, 41, residente ng Bgy. Triangulo, bayan ng Nasipit.

Sa kanyang post, sinabi ni Orcullo na nais palutangin ni Sen. Go na isa siyang bayani sa pamamagitan ng scripted na kahilingan kay Pangulong Duterte.

Tinawag din ni Orcullo na baliw ang Pangulo. “ALAM NA PATTERN, MOSALIDA SI GO KONUHAY SIYA MOHANGYO SA BUANG NGA PANGULO, DIGONG GAGO. BUANG SI DIGONG," ayon umano sa post ni Orcullo.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012 ang suspek.

"I remind our social media users to think thrice before posting on any social media platform. Be responsible netizens. We do enjoy the blessings of democracy but never go beyond from what you think is right without minding you violate the provisions of the law," paalala ni Brig. Gen. Joselito Esquivel, Jr., Caraga regional police chief.

 
 
  • Maeng Santos​
  • May 13, 2020

Isang Grab driver na umano’y nagsa-sideline sa pagbenta ng ilegal na droga at dalawang niyang kasama ang arestado sa buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon City, Miyerkules ng madaling-araw.

Kinilala ni Malabon Police Chief P/Col. Jesse Tamayao ang mga naarestong suspek na sina Jayson Untalan, 42, Grab driver ng 10th Avenue, Caloocan; Jon Jon Palad, 47, at Mary Jane Natividad, 38, kapwa ng Bgy. 4, Caloocan City.

Ayon kay Col. Tamayao, alas-2:00 ng madaling-araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Johnny Baltan ng buy-bust operation kontra sa mga suspek sa kahabaan ng P. Aquino St., Bgy. Tonsuya matapos ang isang linggong surveillance operation.

Agad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek na sakay ng Toyota Yaris car na may plakang (ABQ 3465) matapos bentahan ng shabu na nagkakahalaga sa P2,000 ang isang undercover police.

Narekober sa mga suspek ang pitong transparent plastic sachets na naglalaman ng nasa 35 gramo ng shabu at tinatayang nasa P238,000.99, ang halaga, dalawang cellphone at marked money.

Ani Col. Tamayao, dahil hindi mga residente ng Malabon City ang tatlo ay hindi kasama ang mga pangalan ng mga ito sa kanilang drug watchlist.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page