top of page
Search
  • BULGAR
  • Jul 29, 2024

ni Ali San Miguel @Entertainment News | July 29, 2024



Sports News
Photo: Lady Gaga at Michael Polansky - IG

Engaged na ang Mother Monster na si Lady Gaga. Sa TikTok, ibinahagi ng Prime Minister ng France na si Gabriel Attal ang isang video kung saan pinasalamatan niya si Lady Gaga para sa pagtatanghal nito sa opening ceremony ng 2024 Olympics sa Paris.


Sa video, maririnig ang global hitmaker na ipinakikilala sa Prime Minister ang kanyang longtime boyfriend na si Michael Polansky bilang kanyang fiancé. Unang ibinunyag ni Lady Gaga ang kanyang relasyon kay Michael noong Pebrero 2020, matapos silang makita na magkasama sa Super Bowl 2020.


Noong Hulyo, nagbigay ng pahiwatig si Lady Gaga ng kanyang pagbabalik sa music scene matapos mag-share ng selfie sa isang recording studio. Matatandaang noong 2020 pa ang huling full-length album ni Lady Gaga na "Chromatica", na naglalaman ng collaborative single kasama si Ariana Grande, ang "Rain on Me."


Sa ngayon, ang pinakahihintay ng mga fans ay pagganap ni Lady Gaga bilang Harley Quinn sa pelikulang "Joker: Folie à Deux", kung saan si Todd Phillips ang direktor.

 
 

ni Eli San Miguel @Entertainment News | June 7, 2024



File photo


Itinanggi ng “Bad Romance” hitmaker na si Lady Gaga ang mga tsismis na siya’y buntis.


Sa TikTok, nagbahagi ng isang video ang singer na may text na, “Not pregnant.” Sa comments section, makikita namang ipinagtanggol si Gaga ng American pop star na si Taylor Swift.


“Can we all agree that it's invasive [and] irresponsible to comment on a woman’s body. Gaga doesn’t owe anyone an explanation [and] neither does any woman,” komento ni Taylor.


Nagbigay-pugay naman si Gaga sa kanta ni Taylor na "Down Bad" sa kanyang 10-seconds TikTok post nang gamitin niya ang lyrics na "just down bad cryin’ at the gym" sa caption.


Kilala sina Gaga at Taylor bilang pinakamalalaking pangalan sa industriya ng musika, kaya naman talagang pinag-usapan ang pagpapakita nila ng suporta sa isa't isa.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 22, 2021



Ibinulgar ng American pop star na si Lady Gaga na biktima siya ng karahasan matapos gahasain at mabuntis ng isang producer noong 19-anyos siya.


Sa isang episode ng Apple TV+ docuseries nina Prince Harry at Oprah Winfrey na "The Me You Can't See,” sinabi ni Lady Gaga na sumailalim siya sa medical treatment dahil sa kanyang pinagdaanan.


Pahayag ni Lady Gaga, “I was 19 years old, and I was working in the business, and a producer said to me, ‘Take your clothes off.’ And I said no. I left, and they told me they were going to burn all of my music.


“They didn’t stop asking me, and then I just froze and I just… I don’t even remember.”


Aniya pa, "I realized that it was the same pain that I felt when the person who raped me dropped me off pregnant on a corner by my parents' house because I was vomiting and sick 'cause I'd been being abused."


Pahayag pa ni Lady Gaga, "I've had so many MRIs and scans. They don't find nothing, but your body remembers. I couldn't feel anything. I disassociated.


"It's like your brain goes offline. You don't know why no one else is panicking, but you are in an ultra state of paranoia."


Ayon kay Lady Gaga, base sa diagnosis, nakaranas siya ng post-traumatic stress disorder at fibromyalgia, disorder na may kaugnay sa musculoskeletal pain.


Umabot umano ng 2 at kalahating taon bago nakontrol ni Lady Gaga ang kanyang mental health dahil sa naranasang pang-aabuso.


Saad pa ng pop star, "I don't tell this story for my own self-service. I've been through it and people need help.”


Samantala, wala umanong balak si Lady Gaga na isiwalat at pangalanan sa publiko ang naturang producer.


Aniya pa, "I do not ever want to face that person again."


 
 
RECOMMENDED
bottom of page