- BULGAR
- Mar 14, 2021
ni Lolet Abania | March 14, 2021

Pinangunahan ni Pope Francis ang isang Banal na Misa bilang selebrasyon ng ika-500 taong anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas ngayong Linggo sa St. Peter’s Basilica sa Rome.
Labis ang pasasalamat nina Pope Francis at Cardinal Luis Antonio Tagle, kung saan nagsimula ang misa ng alas-5:00 ng hapon, oras sa Pilipinas habang alas-10:00 ng umaga sa Rome sa pagdiriwang na ito.
Kabilang sa dumalo sa Banal na Misa ang ilang kinatawan ng Filipino Church gaya nina Cardinal Tagle na naitalagang prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples at Cardinal Angelo De Donatis, ang pope's vicar for Rome na limitado lamang ang pinayagang makasama ng Santo Papa sa basilica dahil sa COVID-19 restrictions.
Sa ibinigay niyang Homily, hinikayat ng 84-year-old pontiff ang mga Pinoy na mas lalo pang pagtibayin ang kanilang pananampalataya sa Diyos. “We see it in your eyes, on your faces, in your songs and in your prayers.
I want to thank you for the joy you bring to the whole world and to our Christian communities,” ani Pope Francis sa pamamagitan ng translator.
Tiniyak naman ni Cardinal Tagle na patuloy ang pananalig ng mga Filipino Christians sa Panginoon na nagsisilbing sandata sa pagharap sa kahirapan sa buhay, sa economic inequality, political upheavals at tuwing may mga kalamidad gaya ng bagyo, lindol, pagputok ng bulkan, maging sa pandemya ng COVID-19.




