top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | October 25, 2021


ree

Masayang inanunsiyo ni Kris Aquino nitong Oktubre 24 na engaged na sila ni Mel Senen Sarmiento.


Ibinahagi ng aktres sa kaniyang Instagram account na lubos niyang inaabangan ang pagiging Sarmiento.


“As much as I am proud to be an Aquino, looking forward na kong maging Sarmiento,” pahayag ng TV host at actress na si Kris Aquino.


Pinasalamatan din nito ang pumanaw na kapatid na si dating Pangulong Benigno Aquino III dahil kung hindi sa kaniya ay hindi nila makikilala ang isa’t-isa.


“To my best friend and the man i said yes to spending the rest of my life with, thank you for as bimb said loving me for me, with no agenda, and for being just an overall good and patient man. It’s unreal how much more calm & peaceful i feel now that you’re here,” dagdag na pahayag ni Kris sa kaniyang Instagram post ukol sa kanilang anunsiyo ng engagement.


Si Sarmiento ay nagsilbi bilang kalihim ng Department of the Interior and Local Government sa ilalim ng termino ng pagkapangulo ng kanyang kapatid na si Noynoy Aquino. Bago nito, siya ny nagsilbi bilang congressman ng Western Samar mula 2010 hanggang 2015.


Taong 2005 naman nang ikinasal ang aktres sa basketbolistang si James Yap ngunit naghiwalay din noong 2010 at ipinawalang bisa ang kasal noong 2012.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 26, 2021


ree

Nailibing na si dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa Manila Memorial Park sa Parañaque City ngayong Sabado nang hapon.


Inilagak ang abo ni ex-P-Noy sa tabi ng puntod ng kanyang mga magulang na sina Benigno Aquino Jr. at dating Pangulong Corazon Aquino.


Bago ito ay binigyan ng arrival/military honors ang dating pangulo pagdating sa Memorial Park mula sa Church of Gesu ng Ateneo de Manila University kung saan idinaos ang funeral mass kung saan si Lingayen, Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang nagbigay ng Homily.


ree

Daan-daan ang nagluksa at nakiramay sa magkakapatid na Aquino na sina Kris Aquino, Victoria Elisa Aquino-Dee, Ballsy Aquino-Cruz, at Pinky Aquino-Abellada at karamihan sa mga ito ay nakasuot ng itim at dilaw na damit. May iba ring nagdala ng kulay dilaw na ribbon.


Samantala, nagsagawa rin ng water salute ang Bureau of Fire Protection para sa dating pangulo.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 21, 2021



ree

Sinagot na ni Kris Aquino ang isyung nakabuntis ang panganay niyang si Joshua at bakla ang bunsong si Bimby, ayon sa ‘25-minute tell-all video’ na ini-upload niya sa kanyang social media account ngayong hapon, Marso 21.


Aniya, “Nanay ako na binabalahura na ang mga anak.


Sinubukan ko to shut up para ‘wag na ‘tong humaba but shutting up caused me even more stress. In just one week, OA sa pagka-malicious ang pag-target sa panganay at sa bunso ko.


Inisip siguro kung mag-imbento tungkol sa panganay at tawaging bakla ‘yung bunso, titiklop na ‘yung nanay.”


Dagdag pa niya, “Hindi nila fault that they cannot count on their fathers. Hindi nila choice na ang nanay nila, ang apelyido ay Aquino, hindi nila kasalanan that the lies about my family will continue until history gets completely re-written.”


Patungkol iyon sa mga YouTuber na nagpapakalat ng malisyosong content para lamang pagkakitaan sila at sa kung sinuman ang nasa likod nu’n.


Iginiit din ni Kris sa mga Diehard Duterte Supporters (DDS) na walang dahilan para maging magkaaway sila sapagkat sigurado siyang hindi niya binanatan si Pangulong Rodrigo Duterte.


“I have no party affiliation, pero alam ko kung sino ang napatalsik at gustung-gusto kaming gantihan dahil kulang para sa kanila na ipinapatay na nila ang dad ko.


That is not President Duterte because alam ko, never ko s’yang binanatan. So, para po sa mga DDS, wala tayong reason na maging magkaaway.”


Paglilinaw pa niya, “President Duterte started his political rise during my mom’s administration. Legacy po ng nanay ko ang peaceful transition of power… Nagbuwis-buhay ang mom and dad ko for our country.”


Sa huli’y nag-iwan din siya ng mga katanungan sa publiko, “Sino ang nagtanggal ng freedom of speech sa Pilipinas?


Sino ang nagpakulong at nagpapatay kay Ninoy Aquino?”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page