top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | September 5, 2025



Kris Aquino - IG

Photo: Kris Aquino - IG



Ang daming nabahala nang bigla na namang isinugod si Kris Aquino sa ospital dahil sa pagtaas ng kanyang blood pressure.


Agad kumalat ang death hoax o fake death news tungkol sa kanya na itinanggi ng malalapit niyang kaibigan.


Kinumpirma ng dating tabloid editor na si Dindo Balares na buhay at nakikipag-usap pa ang kaibigan niyang si Kris matapos ang insidente. 


Nagulantang kasi ang marami matapos kumalat ang tsismis na pumanaw na raw si Kris.

Sa Facebook (FB) post ni Kuya Dindo, ikinuwento niya ang kabang naramdaman nang makatanggap ng tawag mula sa press at isang kamag-anak na nagtatanong kung totoo raw ba ang balitang sumakabilang-buhay na si Kris.


Ayon kay Balares, “Si Kris Aquino raw, dead na. Paanong ‘di nenerbiyusin, ilang araw kaming ‘di nagkontakan ni Krisy after ng successful surgical procedure sa kanyang blood clots.”


Agad daw siyang nagtanong sa isang caretaker ni Kris at nakahinga nang maluwag nang marinig na natutulog lamang ito. Kinagabihan, nagkausap din daw sila ni Kris mismo sa messaging app kung saan nilinaw ng TV host-actress na buhay na buhay siya, kahit pa dumaan sa panibagong health scare.


Kuwento ni Kris sa kanya, “Noong umabot ng 172/112 ang BP (blood pressure) ko, I told Alvin to call St. Luke’s for an ambulance.”


Ipinakita rin niya ang resulta mula sa kanyang BP monitor at inaming bumaba rin ang kanyang white blood cell count.


Sa kabila nito, pinanatili ni Kris ang pagiging matatag at nagbigay pa ng lakas ng loob sa kanyang kaibigang si Balares.


“I don’t want you to worry, Kuya Dindo. Kaya pa,” dagdag niya.

Positibo ring ibinalita ni Kris na, “They checked if I had more blood clots. The good news—the blood clot that required the surgery, thank you for the prayers, has shrunk significantly.”


Dahil dito, kahit may pangamba, nagpatuloy pa rin sa masayang pag-uusap ang dalawa. Para kay Dindo Balares, kahanga-hanga ang tapang at positivity ni Kris Aquino sa kabila ng kanyang pinagdaraanan.



Mag-ama, first time nagsama sa event…

BARON, INILANTAD NA IN PUBLIC ANG ANAK NILA NI NADIA



AGAW-PANSIN si Baron Geisler at ang anak niya kay Nadia Montenegro na si Maria Sophia Asistio sa ginanap na Preview Ball. Unang beses kasing nagkasama sa public event ang mag-ama.


Wika ng aktor, “For me this is not only celebrating our artists but also a family time.”

Excited namang pahayag ni Sophia, “I feel very blessed to have this opportunity with him and this is also my first red carpet and it is with him so it is very special.” 

Pabonggahan ang mga celebrities na um-attend sa event. Mga sopistikadong kasuotan na may kani-kanyang symbolic styles ang nag-stand-out nu’ng gabing iyon.


Nangunguna si Anne Curtis na very confident sa kanyang beauty. Ibinahagi niya ang sikreto kung paano mapanatiling glowing and youthful ang sarili kahit na siya ay 40 years old na.


Aniya, “Being happy in life.”


Ang former Miss Universe na si Pia Wurtzbach-Jauncey ay nakaka-inspire rin ang outfit na inspired by the delicate wings of a mariposa, embodying sophistication.

Isa pang Miss Universe Philippines alumna na si Michelle Dee ay agaw-pansin sa kasuotang barong kung saan pinatunayan niya na ang Filipino classic dress ay puwedeng gawing modern at eco-conscious.


Sina Francine Diaz at Seth Fedelin naman ay sabay na dumating kung saan ang suot nila ay all-black na ensemble, highlight ng kanilang youthful elegance.


Hindi naman nagpakabog ang grand winners ng PBB Celebrity Collab Edition na sina Brent Manalo at Mika Salamanca habang rumarampa sa kanilang timeless sophistication as a duo, exuding chemistry and poise.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Oct. 22, 2024



Photo: Kris Aquino - IG


Positibo ang pananaw ni Kris Aquino sa kanyang kalagayan ngayon dahil idineklara ng kanyang mga doktor na cancer-free siya. 


Ang kanyang autoimmune disease na lang ang tinututukan ng mga doktor, dahil may panganib pa rin ito sa kanyang kalusugan. Maaaring tamaan siya ng aneurysm at pneumonia, kaya’t lahat ng pag-iingat ay ginagawa ni Kris ngayon upang malabanan ang kanyang mga health issues. 


Buo ang loob ni Kris at patuloy na lalaban dahil magbabalik-telebisyon siya ngayong taon. Kakaiba raw ang konsepto ng show na gagawin ni Kris. Makakasama niya sa kanyang journey ang kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby at ang mga doktor na tumutulong sa kanyang paggaling. 


Maging ang ilang kaibigan na kasama niya sa bawat yugto ng kanyang buhay ay magkakaroon ng partisipasyon sa kanyang show, ganoon din ang BF niyang si Doc Michael Padlan. 


Kaugnay nito, nilinaw ni Kris na kung sakaling gumaling siya sa kanyang sakit at magpapakasal, isang simple at hindi garden wedding ang gusto niya, at kasama siyempre ang mga mahal niya sa buhay.



PAHINGA raw muna sa pulitika si Herbert Bautista, ayon sa isang taong malapit sa dating Quezon City mayor. Ito ang sagot sa tanong ng marami kung bakit kahit sa partylist ay hindi tumakbo si Bistek. 


Kung tutuusin, asset si HB ng anumang partylist na kanyang sasamahan. Kilala na siya sa buong Pilipinas at malawak ang kanyang karanasan bilang public servant, base na rin sa kanyang track record. 


Nagsimula siya bilang konsehal ng Kyusi, naging vice-mayor ng ilang termino, at kalaunan ay nahalal bilang mayor ng Quezon City. 


Marami ang nanghihinayang kay Bistek dahil hindi siya nakalusot bilang senador noong 2022 elections. Deserve naman niya ang higher position kung tutuusin. 


Hindi na pagdududahan ang kanyang talino at kakayahan sa pamamalakad sa anumang posisyon na kanyang mapapanalunan. 


Ang isang malaking weakness lang ni Herbert ay ang sobra niyang pagtitiwala sa mga taong nangako sa kanya ng suporta, pero lihim pala siyang inilaglag at siniraan. 


Pero hindi madaling sumuko si Bistek, alam niya na darating ang tamang panahon para sa kanya. Babawi at babangon siyang muli. 


Sabi nga, “You cannot put a good man down.” Babalik at babalik siya sa political arena. 

Sa ngayon, ine-enjoy muna niya ang stress-free life.


Criza Taa, pang-camera lang…

HARVEY, MAY NON-SHOWBIZ GF NA


BINATANG-BINATA na si Harvey Bautista, ang bunsong anak ni Herbert Bautista kay Tates Gana.


Isa si Harvey sa mga bida ng pelikulang Friendly Fire (FF) na idinirek ni Mikhail Red. Ito ay produced ng Black Cat Productions at palabas sa Oct. 23.


Kasama ni Harvey sa movie sina Loisa Andalio, Coleen Garcia Crawford, Yves Flores, Bob Jbeili at John Lucas.


Ang laki ng iginaling ni Harvey sa pag-arte, sineseryoso niya ang bawat role na kanyang ginagampanan, mapa-telebisyon man o pelikula. 


He’s a heartthrob in the making, at konting pagdyi-gym lang ang kanyang kailangan upang gumanda ang built ng kanyang katawan.


Kung ang ama niyang si Bistek ay nakilala bilang komedyante, si Harvey ay mukhang lilinya sa seryosong pagganap. Unti-unti na rin niyang naaalis ang pagiging tahimik at mahiyain. Sanay na siyang humarap sa kanyang mga fans. 


Well, balitang may non-showbiz girl ngayon na nagsisilbing inspirasyon ni Harvey kaya pang-camera lang ang love team nila ni Criza Taa. 


Mabigyan lang ng magagandang projects, tiyak na magle-level-up pa ang pagiging aktor ni Harvey. Markado ang kanyang naging role sa FF na showing na bukas, Oct. 23, at tiyak na marami sa kabataang GenZ ang makaka-relate sa pelikula.

 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 5, 2024



Showbiz News

Excited nang umuwi ng Pilipinas si Kris Aquino at mukhang uwing-uwi na talaga siya. Sa latest video niya, binanggit niya ito at mukhang looking forward na siya tungkol dito.


Nagbigay ng birthday video greeting si Kris sa friend ng hairstylist niyang si Kimora Bernabe, at mukhang okay naman ang health niya ngayon dahil nagawa pa niyang magbiro.


Ipinost ni Kimora ang video sa kanyang Instagram (IG) account.


Sey ni Kris sa friend ni Kimora, ihanap siya ng bracelet na kakasya sa kanyang maliit na wrist.


“Ate Kimora said you gave a really good price para sa kanyang earrings. Okey, ako ang naghahanap ng bracelet. Pero as you can see, super teeny-tiny, so give me a good price when we go home,” mensahe ni Kris sa celebrator.


Na-excite naman ang mga fans ni Kris na finally ay makakauwi na ng bansa ang kanilang idolo pagkatapos ng mahabang panahon.


Matatandaang inanunsiyo ni Kris sa panayam niya kay Ogie Diaz noong nakaraang June na balak na niyang umuwi ng 'Pinas by the end of September.



NAPANOOD na nga ang transformation ng karakter ni Coco Martin na si Tanggol sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ).


Sa episode 401 ng serye, makikitang iba na ang pananamit ni Tanggol para sa panimula ng kanyang bagong buhay bilang business partner ni Divina (Rosanna Roces).


Pang-mayaman na ang kanyang pormahan sa serye, taliwas sa kanyang itim na leather jacket na lagi niyang suot noon. Maging ang kanyang mga kasama sa grupo ay nagbago rin ng pananamit.


Pero kahit rich na si Tanggol, hindi pa rin mawawala sa serye ang maaaksiyong eksena ni Coco Martin. Marami pa raw action scenes at mga pasabog na mapapanood sa programa, kaya abangan.



KITANG-KITA ang saya ni Janine Gutierrez habang rumarampa sa red carpet sa Venice Film Festival in Italy, as seen in her Instagram (IG) post.


Ito ang first red carpet walk ni Janine sa nasabing international filmfest, at ayon sa aktres, ay dream come true ito for her.


“Today was a dream come true!!!!! #VeniceFilmFestival #Venezia81 @labiennale @phantosmiafilm,” ang caption ni Janine.


Dumalo ang aktres sa Venice Film Festival para sa world premiere ng pelikula niyang Phantosmia (under the Out of Competition section), helmed by Lav Diaz.

Last week pa dumating si Janine sa Venice, Italy, at since then ay panay din ang pagbabahagi niya ng kanyang mga ganap doon.


Sa isang IG Story niya, ibinahagi niya ang kanyang pagdalo sa photocall para sa movie kasama sina Lav at iba pang cast na sina Ronnie Lazaro, Hazel Orencio, Dong Abay, Paul Jake Paule, at Paul Soriano.


Sa isa niyang post, ikinuwento niyang wala raw talaga siya sa original cast ng Phantosmia, pero nagkaroon daw ng last-minute changes sa story.


“I wasn’t really supposed to be in Phantosmia, but there were some last-minute changes to the story and Ate Hazel just asked if I was free to shoot the coming week. I had wrapped another film with them a month before,” kuwento niya.


Mabuti na lamang daw at libre siya kaya heto na nga siya ngayon.

“Thank God I was free, and of course, anything for Lavteam. And now we’re here together @therealronnielazaro, what a dream. Celebrating the entire cast and team! And TYL (thank you, Lord) for great coincidences and timing :) :),” sey ni Janine Gutierrez.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page