top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | November 25, 2021



Nagpositibo sa COVID-19 si Lisa ng Blackpink ayon sa kanilang agency, ang YG Entertainment.


“Blackpink’s Lisa was diagnosed with COVID-19 this afternoon (November 24)," batay sa pahayag ng agency.


“We will continue to not hold back on providing full support with the health of our artists and related staff members as the top priority. If there are any changes in the future, we will once again notify you quickly,” dagdag pa ng ahensiya.


Samantala, negatibo naman ang iba pang Blackpink members na sina Rose, Jennie, at Jisoo.

 
 

ni Lolet Abania | September 10, 2021



Lahat ng limang miyembro ng Korean rock band na N. Flying ay nagpositibo sa test sa COVID-19. Ayon sa isang Soompi report, si Cha Hun ay nagpositibo sa test sa COVID-19 matapos na lahat ng kanyang bandmates ay una nang ma-infect.


Agad na nag-isyu ng statement ang FNC Entertainment, ang management ng N. Flying, kung saan si Cha Hun ay unang nagnegatibo sa coronavirus noong September 4.


Sumailalim naman agad ito sa self-quarantine dahil sa naging close contact at na-expose siya sa infected. Subalit, habang naka-self-quarantine, nakaramdam si Cha Hun ng kakaiba kaya nagdesisyon itong magpa-test uli. Doon na lumabas ang resulta na positibo siya sa COVID-19.


“We apologize for giving fans and many other people cause for concern. Our agency will diligently follow the instructions of health authorities and we will do our utmost to help our artists return in good health as quickly as possible,” ayon sa statement ng management ng grupo.


Ang tatlong miyembro na sina Lee Seung Hyub, Yoo Hew Seung, at Sea Dong Sung, ang unang nagpositibo sa test sa COVID-19. Makalipas ang isang araw, sumunod naman si Kim Jae Hyun na positive sa virus. Nitong Huwebes, si Cha Hun ang ikalimang miyembro ng grupo na na-infect sa naturang sakit. Patuloy naman ang pagdarasal ng mga fans ng N. Flying para sa kanilang paggaling.

 
 

ni Lolet Abania | January 25, 2021




Pumanaw na ang Korean actress na si Song Yu Jung sa napakabatang edad na 26. Ito ang kinumpirma ng isang source sa kanyang agency na Sublime Artist Agency, ayon sa report ng Soompi.


“Song Yu Jung passed away on January 23,” pahayag ng source ng agency sa Soompi. Subalit, wala pang binanggit ang agency ng Korean actress sa dahilan ng kanyang pagkamatay.


Noong 2019, pumirma ng contract ang aktres sa Sublime Artist Agency. Nagkaroon ng funeral procession para kay Song Yu Jung ngayong January 25, 1:30 p.m. KST. Nagsimula ang acting career ni Yu Jung noong 2013 sa MBC's "Golden Rainbow."


Lumabas din ang Korean actress sa mga palabas ng MBC na “Make Your Wish,” KBS2’s “School 2017,” at ang web drama na “Dear My Name.” Sumikat din si Yu Jung sa mga music videos ng iKON na “Goodbye Road”; Standing Egg na “Friend to Lover,” at NIve na “How Do I.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page