top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | February 11, 2022


Inanunsiyo ni Son Yejin, na kilala bilang Yoon Seri sa Crash Landing on You, na ikakasal na sila ni Hyun Bin sa kanyang Instagram post nitong Miyerkules.


“I found someone to spend the rest of my life with. Yes… it’s him. Boy meets girl, recognizes each other in the crowd, promises to build a future together, I couldn’t imagine,” ani Yejin.


“It happened so naturally… But, isn’t that destiny? Just being with him, I feel warm and protected. Please help us celebrate the beginning of our future,” dagdag pa ni Yejin.


Pinasalamatan din ni Yejin ang kanyang mga fans dahil umano sa “unconditional love for a long time” na pinararamdam ng mga ito sa kanya.


“I have received unconditional love and for a long time now, I thought, there’s no way to repay it. Please know that I’m infinitely grateful and I also wish you all happiness!”


Kinumpirma rin ni Hyun Bin na ikakasal na siya kay Yejin sa inilabas nitong official statement sa kanyang entertainment agency na Vast Entertainment nito ring Miyerkules.


“I am writing this to inform you about the most important decision of my life to fans who have been kind to me in many ways and have given me great care and love.”


“I made an important decision to get married, and I’m going to carefully step into the second phase of my life,” ayon pa kay Hyun Bin.


“I think you’ll cheer for our first steps with the warm and affectionate young gaze you’ve sent us so far. Then I hope everyone stays healthy and happy until the day we meet and greet,” dagdag pa ng aktor.


Matatandaang kinumpirma nina Hyun Bin at Son Yejin ang kanilang relasyon noong January 2021.


Bago pa bumida sa rom-com K-drama na Crash Landing On You, nagkasama na rin ang dalawa sa 2018 film na The Negotiation.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 6, 2022



Patok ngayon ang Korean zombie series na “All of Us Are Dead” kung saan isa sa mga cast nito ay isang Pilipina.


Kasabay ng pagsikat nito ay dumami rin ang followers ng mga cast nito sa social media.


Batay sa ulat nitong Huwebes, sinabing matindi ang pagka-hook ng mga Pinoy sa series, na tungkol sa mga estudyanteng naipit sa kanilang school matapos kumalat ang isang zombie virus kung saan kailangang makatakas ng mga ito mula sa mga zombie.


Kabilang sa series na ito ang Pinay na si Noreen Joyce Guevarra na gumanap bilang isang international student sa Korea at nagpa-part time sa movie productions.


Si Noreen Joyce ay napabilang na rin sa maraming Korean dramas, at nakatrabaho ang iba’t ibang Korean stars.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 8, 2021



Malaki umano ang epekto ng pagpasok sa bansa ng mga strawberry na inangkat mula sa Korea sa mga strawberry farmers sa Benguet.


Batay sa ulat, nasa malalaking pamilihan na sa Cebu ang mga imported strawberry, na dating kostumer ng mga strawberry farmer sa Benguet.


“Ngayon lang kami naka-recieve ng report na mayroon nang strawberry from Korea and we found out na ngayong taon lang din yung application nila, ngayon lang din naaprubahan. Kaya ngayon lang din nakarating yung strawberry from Korea," ayon kay Agot Balanoy, presidente ng Benguet Farmers Cooperative.


Dahil dito ay nangangamba ang mga farmer mula Benguet dahil sa kanila nanggagaling ang malaking bulto ng strawberry sa merkado.


Samantala, kaunti raw talaga ang produksyon ngayon ng strawberry dahil sa epekto ng nagdaang kalamidad.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page