top of page
Search

ni Mabel G. Vieron | April 22, 2023




Sa patuloy na pag-atake ng Russia sa Ukraine, napagplanuhan ng South Korea na magsuplay ng mga armas sa Ukraine.


Kaugnay nito, agad namang nagbabala ang Russia sa South Korea.


Matatandaang nagbigay ng non-lethal at humanitarian assistance ang South Korea subalit hindi pa nakapagbibigay ng anumang military aide.


Ani South Korea President Yoon Suk Yeol, bukas umano silang magbigay ng mga armas sa Ukraine.


Samantala, ayon kay Russia President Dmitry Peskov, ang pagbibigay ng military support sa Ukraine ay nangangahulugan ng indirect involvement sa away nila ng Ukraine.


Dagdag pa ni President Peskov, ‘pag ipinagpatuloy ng South Korea ang balak, magsusuplay din ito ng mga armas sa North Korea.


 
 

ni J. Repol | April 16, 2023




Kinumpirma ng North Korea na muli itong naglunsad ng panibagong Solid-Fueled Hwasong-18 Intercontinental Ballistic Missile o ICBM.


Mismong si North Korean leader, Kim Jong Un ang nanguna sa missile test.


Bagaman nagdulot ito ng pagkabahala sa iba pang mga kalapit na bansa, sinabi ng North Korea na ang missile ay walang malakihang impact sa mga katabing bansa, katulad ng South Korea, Japan, at iba pa.


Ang Solid-fueled ICBM ay mga state-of-the-art missiles na mas mabilis at mas magaan ang paglipad kumpara sa mga liquid-fueled missile.


 
 

ni Loraine Fuasan (OJT) | March 28, 2023




Sinubukan ng North Korea ang mga armas at ballistic missile sa karagatan ng east coast noong Lunes, ayon sa South Korean military.


Ito na ang pinakahuling serye ng weapons test ng North Korea kabilang ang pagpapakawala nila ng ilang cruise missiles noong nakaraang Miyerkules.


Ito umano ay paghahanda sa anumang nuclear attacks.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page