top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | Nov. 25, 2024




Biniro ng mga fans na utangan sina Kathryn Bernardo at Alden Richards dahil umabot na sa P1.06B ang box-office gross ng Hello, Love, Again (HLA) as of November 23. 

Worldwide gross ito na paniguradong madaragdagan pa dahil showing pa ang movie dito at sa ibang bansa. 


Nagkakabiruan pa ang mga fans na paabutin nila ng P2B ang box-office gross ng HLA, pero wala raw pressure. Basta manood lang sila uli at ipo-promote sa mga hindi pa nakakapanood na manood na. Para raw makasama sa moviegoers na sumuporta sa isang local film na highest-grossing Filipino film of all time. “Road to P2B” ang inilalaban ng fans ngayon.


“The Billion Peso Tandem” ang tawag ngayon kina Kathryn at Alden na nasa Canada to grace the screening of HLA sa ilang parte ng bansa. May pa-Meet-and-Greet sila, may presscon at ibig sabihin, dagdag na kita para sa HLA.



Super happy sa kanyang Facebook (FB) post si Bryan Dy, ang executive producer ng Uninvited and the man behind Mentorque Productions, producer of the said movie together with Project 8 Projects.


Caption ni Bryan, “#MMFF50 Float Number 3! Wish granted! Galing talaga ni Sir Rico!”

Ikinatuwa ng mga fans ang balitang ito, hindi na raw sila maghihintay nang matagal para makita ang cast ng Uninvited na pinangungunahan nina Aga Muhlach, Nadine Lustre at Vilma Santos.


Samantala, may pa-throwback post din si Bryan kung paano nabuo ang Uninvited at maganda siyang basahin, “When THE Vilma Santos-Recto stumbled into her dream project. I am very honored to have the opportunity to form the dream team.”


Ang dream project ni Vilma na tinukoy ni Bryan ay ang Uninvited at ang dream team na tinukoy ay pinangunahan ni Dan Villegas na director ng nasabing pelikula na entry sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF).


Kasama rin sa dream team ang producer na si Tonette Jadaone, writer na si Dodo Dayao, ang director of photography na si Pao Orendain at ang iba pang kasama sa team. Present din sila sa grand launch at kasama sa pinalakpakan at siguradong papalakpakan sa awards night. 


Naalala naming binanggit ni Direk Dan na may napanood siyang Mexican news na crime na nangyari sa Mexico na tungkol sa paghahanap ng isang ina sa killers ng kanyang anak. Heto na nga ‘yun, Uninvited, na ang unang pinansin ay ang pagkakaroon ng big cast.


Naikuwento naman ni Bryan na nakaka-ilang meeting na sila para sa nasabing project, hanggang isang araw, nagdesisyon siyang gawin na ang pelikula. With the perfect cast and perfect team, mapapanood na simula sa December 25 ang pelikulang hinuhulaan na magiging top grosser.


May post naman ang Mentorque sa FB pa rin na binanggit ni Bryan na expensive ang kanilang movie, “SERVING YOU EXPENSIVE PRODUCTION REALNESS. This is the film that proves our country’s filmmakers and actors are high-caliber talents who always come prepared! From the creators of the award-winning Mallari, Mentorque CEO Bryan Dy takes Philippine cinema to the next level – one you definitely shouldn’t miss!”



HINDI umepal si Maymay Entrata sa premiere night ng Idol: The April Boy Regino Story. Nakita lang siya nang pumasok sa ballroom ng Great Eastern Hotel at kinailangang lapitan para makausap. Hindi rin siya nagpa-interview at mga basic question lang ang sinagot.


Maymay was there to support her friend John Arcenas na gumaganap sa role ni April Boy sa biopic nito sa direction ni Efren Reyes, Jr.. Hindi rin namin narinig na in-acknowledge at wala kaming nakita na photo nila ni John. Kung meron man, baka after the premiere night na sila nagpakuha ng larawan.


Sa Instagram (IG) post ni John ng isang eksena sa Idol, nag-comment si Maymay ng, “Wohoooo! Congratulations, Dangskiiii!” na ipinagpasalamat ni John.


Napanood ni Maymay ang movie and for sure, hindi siya na-disappoint kay John. Kuhang-kuha nito ang maging si April Boy, lalo na sa parteng kantahan dahil singer din ito at sariling boses ang ginamit sa mga kantang Umiiyak Ang Puso, ‘Di Ko Kayang Tanggapin at iba pang songs sa movie.


Showing in cinemas nationwide simula sa November 27 ang Idol: The April Boy Regino Story na kapag pinanood, malalaman natin ang pinagdaanan ng singer noong may sakit na siya.

 
 

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Nov. 14, 2024





Mga Ka-BULGARians, umulan ng feels sa last mall show ng KathDen tandem sa Market, Market para sa Hello, Love, Again (HLA). Parang hindi lang promo event ang naganap kundi tipong love story na mismo sa harap ng mga fans – dahil sa grabeng kilig na dala ni Alden Richards para kay Kathryn Bernardo!


Bago pa man nagsimula ang show, umariba na ang emosyonal na vibes sa crowd. Ipinalabas kasi sa LED screen ang journey ng KathDen, at hindi lang mga fans ang napaiyak – sina Kathryn at Alden, emote rin sa mga behind-the-scenes ng kanilang pelikula. Abot-langit ang hiyawan sa mall, halos magiba ang venue sa excitement ng crowd.


Ang highlight ng gabi? Si Alden, na hindi lang sa mga fans nagbigay-kilig kundi pati sa pamilya ni Kath! Imagine, mga ateng, bumaba siya sa stage para lang lapitan at magbigay-galang sa pamilya ni Kathryn – sina Tito Teddy, Tita Min, at pati mga kapatid at pamangkin ni Kath. Umapaw ang good vibes sa pamilya Bernardo, at siyempre, nakita ng lahat kung gaano kaseryoso si Tisoy sa kanyang leading lady. At dahil last hurrah na nga ng kanilang promo, todo ang alalay ni Tisoy kay Kathryn. Simple lang ang outfit ni Kath na naka-denim jumper over a white shirt, pero nu’ng nainitan siya, ibinaba niya ang itaas na parte ng jumper hanggang bewang. Aware si Alden, kaya agad niya itong itinataas at may ibinulong pa kay Kath na ikinakilig ng mga fans. Ano kaya ‘yun, mga beks? 



Kung sweetness ito sa harap ng maraming tao, paano pa kaya behind the scenes?

Pero eto talaga ang malupit, mga ka-BULGARians, sinamahan pa ni Alden si Kathryn hanggang parking lot at inihatid ito sa sasakyan kasama ang pamilya nito. Hindi nagpahuli sa pagpapaalam, para talagang perfect gentleman! 


At hindi lang ito ang paandar ni Alden, ha! Kung matatandaan n’yo, present din si Tisoy sa halos lahat ng recent milestones ni Kath – from her birthday bash in El Nido (kung saan umarkila pa siya ng plane!) hanggang sa intimate celebration sa studio ni Kath. Kasama pa siya sa house blessing at sa iba pang mga events ng Bernardo family. Seryosohan na ba ‘to?


Teka, ang KathDen fans at netizens, umaasa na ba sa “pag-amin”?

Eto na ang tanong – ngayong tapos na ang promo ng HLA, oras na nga ba para aminin na nina Kath at Alden ang tunay na status ng kanilang relasyon? Sa dami ng chika, tanging si Tisoy na lang ang natitirang leading man na mukhang bet na bet ng pamilya Bernardo para kay Kathryn. 


May mga rumors pa nga na sinagot na raw ni Kath si Alden, kaya raw nagbabu na ang ibang manliligaw ni Kathryn. True kaya ito?


Mukhang ang KathDen fans ay hindi na makapaghintay sa kanilang love story. Kung sa shooting at promo pa lang, hello, kilig overload na!


Kaya abangan natin ang susunod na chapter – aamin na kaya si Kath sa wakas?




 
 

ni Nitz Miralles @Bida | Nov. 14, 2024





Bago ang opening ng Hello, Love, Again (HLA), ang sabi, sa 500 cinemas nationwide ito mapapanood. Sa opening kahapon, sa 600 cinemas na ito showing at baka madagdagan pa ang cinemas sa mga darating na araw.


May 900 cinemas lang daw sa buong Pilipinas at kung tama na showing ang HLA sa 600 cinemas, ibig sabihin, sa 300 cinemas na lang hindi showing ang movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. 


First time sa local cinema history na may ganito karaming cinemas ang paglalabasan ng isang pelikula. Ngayon nga lang ito nangyari, kaya nakakatuwa.


In fairness kay Kathryn, sanay na ito na showing ang movie niya sa maraming cinemas. Ang Hello, Love Goodbye (HLG) nila ni Alden, showing sa 465 cinemas, pero hindi sa opening day. 


Ang movie nila ni Daniel Padilla na The Hows Of Us (THOU), showing sa 435 cinemas sa six days na showing ito. Ang HLA, ang unang balita, showing sa 450 cinemas, naging 500 at ngayon ay 600 cinemas na.


Speaking of Kathryn, ini-spoiler nito ang sariling pelikula na may kissing scene sila ni Alden. Nakunan at na-post ang TikTok (TT) video sa premiere night ng HLA nang lumapit siya sa amang si Teddy Bernardo after ng kissing scene nila ni Alden.


Speaking of Kathryn, ini-spoiler nito ang sariling pelikula na may kissing scene sila ni Alden. Nakunan at na-post ang TikTok (TT) video sa premiere night ng HLA nang lumapit siya sa amang si Teddy Bernardo after ng kissing scene nila ni Alden.

Nakunan ang paglapit ni Kathryn sa ama at ang sinabi nitong, “Papa! Ikaw ang naiisip ko habang nagki-kiss ako. Sabi ko, ‘Kumusta kaya ang Papa ko?’” 


Malutong na halakhak ang sagot ng ama ni Kathryn, patunay na hindi ito nagalit. Nasa tabi ng dad ni Kathryn ang mom niya na nakangiti lang at hindi rin nagalit.

Ang inaabangan ngayon ay kung magkano ang opening gross ng HLA movie.


Sinabihan siyang ‘di pa raw asawa ni Carlos, GF pa lang… CHLOE, NAGPATUTSADANG NAKARMA SI AI AI NA HINIWALAYAN NG MISTER





Reaction nga ba ni Chloe San Jose sa nangyari sa marriage nina Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan ang Facebook (FB) post nito na, “Back to you manang, not to make fun of your situation but what you do to others will come right back at you 10x- it’s just the universe’s law.”


Ang tinukoy ni Chloe na bumalik kay Ai Ai ay ang naging payo nito sa kanya na, “Hindi ka pa asawa girl, girlfriend ka pa lang.”


Obvious na hindi nagustuhan ni Chloe ang payo ni Ai Ai, lalo na nang maging open ito na Team Nanay siya. Ang ibig sabihin, kampi siya sa nanay ni Carlos Yulo at hindi kina Chloe at Carlos. 


Ang sabi ng mga netizens na kampi kay Chloe, nakakita siya ng bala na igaganti kay Ai Ai.

Pero, may mga hindi natuwa sa post na ‘yun ni Chloe, totoo naman daw na hindi pa siya asawa ni Carlos at hangga’t hindi pa sila kasal, marami pa ang puwedeng mangyari. Sa inis ng ibang mga netizens na hindi naman fans ni Ai Ai, tinawag siyang palengkera.


May mga kampi kay Chloe San Jose at agree sila sa sinabi nito patungkol kay Ai Ai delas Alas, nakisawsaw daw kasi ang komedyana kina Chloe at Carlos na in fairness, hindi lang naman si Ai Ai, ang dami kayang sumakay sa isyu.



MARAMI ang natuwa sa Facebook (FB) post ni Roderick Paulate na “Mga Batang Riles (MBR), soon on GMA Network,” at may photo pa na kasama niya ang cast ng bagong action series sa Kapuso Network.


Sa tanong namin kung balik-GMA na siya, “Yes! Balik GMA-7 uli. Pang-3rd teleserye ko na sa GMA-7,” ang sagot ni Dick.


Nag-follow-up question kami kung ano ang kanyang role at pangalan ng kanyang karakter? 


“Ako si Pol. Matagal nang taga-Riles. May anak na dalawa, ganu’n muna, Hahaha!” sagot nito.


Sa January 2025 ang premiere ng MBR na isa sa mga bida ay si Miguel Tanfelix. Ito ang papalit sa Pulang Araw (PA) kapag nagtapos na ang historical drama series. Extended ang PA, kaya may enough time ang MBR na magpondo ng taping.


Napapanood pa rin si Dick sa Da Pers Family (DPF) sa TV5 kasama sina Aga Muhlach, Charlene Muhlach at mga anak nila na sina Andres at Atasha.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page