top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | August 7, 2024


Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN


  1. Nandito ako ngayon sa Maynila, at katatapos ko lang mag-training ng caregiver. Naisipan kong sumangguni sa inyo, Maestro, para malinawan ako kung ano ba talaga ang nakatakda sa aking kapalaran?

  2. Nakikita n’yo ba na makakapag-abroad ako o hindi? Nawawalan na kasi ako ng pag-asang makaalis dahil ‘yung mga kasabayan kong mag-training ay nakaalis na. Ako na lang ang natira rito sa inuupahan naming bahay  dahil nagkaproblema ako sa medical.

  3. Kung hindi naman ako makakapag-abroad, tama ba ang iniisip kong umuwi na lang sa probinsiya namin? At tulungan na lang ang nanay ko sa negosyo naming isda sa bayan?


KASAGUTAN


  1. Mukhang mas tama ang ikalawang option na iyong pinamimilian. Clarita, umuwi ka na lang sa probinsiya n’yo, at tulungan ang iyong mga magulang na magtinda ng isda sa bayan. Sapagkat, kapansin-pansin na wala namang malinaw o malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na kahit amagin ka pa sa kahihintay ng iyong mga papeles sa agency na pinag-aaplyan mo, malabo ka pa ring makaalis patungong abroad, dahil nga wala namang malinaw na Guhit ng Paglalakbay sa kaliwa at kanan mong palad (arrow a). Sa halip, ang malinaw na gumuhit ay ang Business Line (Drawing A. at B. N-N arrow b.), na nangangahulugang mas mainam ngang umuwi ka na lang sa inyong probinsya, at ituloy ang negosyong pagtitinda ng mga isda at iba pang produktong nakukuha sa tubigan, pwede rin ang mga produktong matigas na bagay at nahuhukay sa ilalim ng lupa.

  3. Kung saan, ayon sa zodiac sign mong Pisces sa destiny number na 8, ito ang nagsasabing sa gawain o hanapbuhay na nabanggit, doon ka mas aasenso at tuluy-tuloy na uunlad hanggang sa yumaman.

  4. Dagdag dito, hindi ka sa pag-a-abroad uunlad at yayaman, dahil sa pagnenegosyo ka makakatagpo ng kaunlaran na pinatunayan ng lagda mong may 2 initial at apelyido lang. Kung saan, ang ganyang mga uri ng pirma, ang sila ngang mas madaling umuunlad at yumayaman sa pamamagitan ng pagnenegosyo at pangangalakal.

  

DAPAT GAWIN


  1. Minsan hindi naman masamang mag-give up o umayaw sa isang pangarap na alam na alam mo namang hindi mangyayari at hindi matutupad sa kasalukuyan dahil nga wala pa o hindi pa nakamarka ang pangarap mong ito sa guhit ng iyong palad.

  2. Habang ayon sa iyong mga datos, Clarita, tunay ngang hindi ka sa pangingibang-bansa susuwertehin, kundi sa pagnenegosyo. Kapag tinutukuan mo ang inyong negosyo, tiyak na aasenso at uunlad ang iyong kabuhayan na nakatakdang mangyari ngayong 2024, sa edad mong 31 pataas.

  3. Kung magsisimula ka na nga ngayon, darating at darating ang saktong panahon, lalago ang iyong kabuhayan hanggang sa tuluyan kang yumaman, (Drawing A. at B. H-H arrow c.) na unti-unti namang mangyayari at magaganap sa taong 2034 sa edad mong 41 pataas.



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | August 5, 2024


Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN


  1. May crush akong lalaki. Ang problema nga lang ay hindi naman niya ako nililigawan. Takot at mahiyain yata siya pagdating sa mga babae.

  2. Ano ba ang magandang paraan upang magkalapit ang loob namin? Kung ako lang ang masusunod, gusto ko na siyang maging boyfriend.

  3. Matutupad kaya ang pangarap kong ito? Darating din kaya ang time na liligawan niya ako, at siya rin kaya ang magiging first boyfriend ko?


KASAGUTAN


  1. Kapansin-pansin ang guhit na nanggaling sa Bundok ng Venus (Drawing A. at B. v-v arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Kung saan, ang Bundok ng Venus ang tinatawag na Bundok ng Emosyon (arrow a.).

  2. Ayon sa Modern Palmistry, ang anumang guhit na nagmula sa nasabing bundok na tumawid sa Life Line (L-L arrow b.) at Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow c.) sa kaliwa at kanang palad ay siya ring itinuturing na pakikipagrelasyon sa ka-opposite sex. Sa kaso mo, ang mga guhit na nabanggit ay ang mga lalaking magiging boyfriend mo.

  3. Ibig sabihin kung babae ka, ang bilang ng mga guhit na nagsimula sa Bundok ng Venus at tumawid sa Life Line at Head Line (arrow b. at c.) ay siya ring bilang ng magiging boyfriend o girlfriend mo. Sila ang mga guhit sa iyong kapalaran (arrow a.) ang itatalang makakarelasyon mo, pero hindi mo naman tuluyang mapapangasawa dahil ito ay maituturing na panandalian o pansamantalang romansa lamang.

  4. Bilangin mo ang nasabing mga guhit sa Bundok ng Venus (arrow a.), at iyan ang magiging sumatotal ng mga lalaking makakarelasyon mo.

  5. Malapit na ring maganap o mangyari ang unang pakikipag-boyfriend kung saan, agad-agad na tumawid ang Venus Line sa Life Line at Head Line (arrow b. at c.), sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay tanda na sa malapit na hinarap, isang lalaking medium built ang pangangatawan, tahimik at medyo mahiyain ang nakatakda mong maging first boyfriend, at ang inyong relasyon ay nakatakda ring umabot ng isang taon o ‘di kaya anim na buwan. 

  6. Ang pag-aanalisang magkaka-boyfriend ka na ay madaling kinumpirma ng lagda mo na kinakitaan ng korteng puso na nagpapahiwatig na sa ngayon, unconsciously at lihim lang na gusto mo nang magka-boyfriend. 


DAPAT GAWIN


Ayon sa iyong mga datos, Mara, tiyak ang magaganap, ngayong buwan ng Agosto hanggang Setyembre ngayong taon, walang duda, matutupad na ang malaon mong pangarap – magkaka-boyfriend ka na, at ang lalaking makakarelasyon mo ay walang iba, kundi ang lalaking crush na crush mo.




 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | August 3, 2024


Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN


  1. May boyfriend ako ngayon. Kaya lang, may asawa na pala siya. Mahal na mahal ko siya, at nang malaman ng mga magulang ko na may asawa na siya, tumutol sila kahit na ipinaliwanag ko naman sa kanila na matagal na siyang hiwalay sa kanyang asawa.

  2. Ano ang dapat kong gawin? Ano ba ang nakaguhit sa aking palad? Maestro, siya na ba ang nakatakda sa akin, kahit na tumutol ang aking mga magulang o may darating pang ibang lalaki?

  3. Ang problema, kahit may dumating pang ibang lalaki sa buhay ko, parang hindi ko na magugustuhan. Siya kasi talaga kumumpleto sa buhay ko. Mahal na mahal ko siya, at siya ang pangarap kong makasama habambuhay. Napakabait kasi niya at sobrang maaalalahanin.


KASAGUTAN


  1. Sa pag-ibig, hindi talaga maiiwasan na kung minsan ay mapagbiro ang tadhana, higit lalo sa panahong naiinlab tayo sa isang babae o lalaking may asawa na.

  2. Ang masakit pa rito, kadalasan alam mo nang mali ang ginagawa mo, dahil nga may asawa na ang babae o lalaking mahal mo, pero nariyan ka pa ring nagtitiis, kinakabahan, at pinahihintulutan mo pa rin ang iyong sarili na mahalin ang isang lalaki na hindi naman dapat.

  3. Samantala, napansin mo bang may island o bilog sa simulang bahagi ng iyong Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay tanda na sa simula pa lamang ng iyong pakikipagrelasyon, mapupuno na agad ito ng intriga at mga problema. Subalit kahit na ganu’n ang sitwasyon, nanatili namang tuwid, makapal at malinaw ang nasabing kaisa-isa Marriage Line (1-M arrow a.), kaya tiyak ang magaganap, tutol man ang mga magulang mo sa kasalukuyan n’yong relasyon ng boyfriend mong may asawa na pero hiwalay naman pala, at kahit sabihin pa ng iba na ikaw ay number two o kabit lang, sa bandang huli ang takdang kapalaran pa rin ang matutupad at huhusga, - kasal man kayo o hindi, kayo na nga ang magsasama habambuhay bilang isang illegal pero masaya pa rin naman, dahil tulad ng sinasabi mo, totoong hiwalay na talaga siya sa kanyang asawa, at maaari rin may iba ng pamilya ang legal wife niya.

  

DAPAT GAWIN


  1. Minsan, kahit sabihin mo pang matino, mabuti at pilit kang umiwas sa kaimoralan, hindi talaga maiiwasang dumaan sa iyong buhay ang isang damdaming kung tawagin ay balighong pagmamahal.  

  2. Ayon sa iyong mga datos, Jessa, sa umpisa lang naman magiging magulo ang inyong relasyon. Oo, maaaring sa una o sa ikalawang pagkakataon, hanggang sa unti-unti ay matatanggap na rin ng mga magulang ang sinapit mong kapalaran. Kahit na sabihin pa nila na ang napangasawa mo ay isang lalaking dati nang may kinakasama, hindi magbabago ang nakatakda - makakaranas ka pa rin ng isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.   



 
 
RECOMMENDED
bottom of page