top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Numero | Sep. 23, 2024



Dear Maestro,


Tawagin n’yo na lang ako sa pangalang Rhen. May magandang trabaho naman ako ngayon. Sa katunayan, isa akong bookkeeper sa isang lending company at matagal na rin ako rito. Maganda rin ang pagpapasuweldo nila sa akin, kaya naman malapit ko ba nang mabayaran ‘yung house and lot at second hand na sasakyan na kinuha ko.


Mabait ang amo ko at ako lang ang nakakaalam ng mga transaksiyon namin. Ang problema lang, nakakahiya man aminin, pero wala pa rin akong nagiging nobya hanggang ngayon. 33-anyos na ako, pero heto pa rin ako at nag-iisa. Hindi naman ako bakla o silahis dahil may mga nililigawan naman ako, pero hindi ko alam kung malas ba ako kaya hindi nila ako nagugustuhan.


Kaya ngayon, parang nararamdaman kong malapit na akong tumandang binata at ayokong mangyari sa akin ‘yun. Pinag-aasawa na rin ako sa amin dahil marami na rin akong naitulong sa pamilya ko. 


Ang birthday ko ay April 29, 1991. Maestro, makakapag-asawa pa ba ako? Gayundin, sinu-sino ang mga babaeng ka-compatible ko? At kung makapag-aasawa ako, kailan ito magaganap?

Umaasa,

Rhen ng Sta. Clara, Santa Maria, Bulacan


Dear Rhen, 


Talagang matatagalan kang makapag-asawa o baka nga hindi ka na makapag-asawa. Ito ay dahil weak o mahina ang numerong 29 (ang 29 ay 2+9=11/ 1+1=2) na iyong birth date. 


Pero mabuti na lang, bukod sa weak number na 29 o 2, ikaw ay nagtagtaglay ng destiny number na 3 (4+29+1986=2019/ 20+15=38/ 3+8=11/ 1+1=2) kung saan, bihira sa mga taong may destiny number na 3 ang hindi nakakapag-asawa dahil ang numerong 3 ay may ruling planet na Jupiter, kaya sa kabila ng kalungkutan at kabiguan sa pag-ibig, sa bandang huli ay habambuhay pa rin silang lumiligaya. 


Ito ay nagsasabi ring kung hindi ka kikilos at gagawa ng paraan para makapag-asawa, tulad ng nasabi na, habang nanatiling mahina ang iyong loob at takot sa mga babae, palaki pa nang palaki ang tendency o porsiyento na baka nga hindi ka makapag-asawa.


Ngunit sa kabila naman nito, sa sandaling pinairal mo ang strong number mong 8 na kumakatawan sa will power, basta’t ginusto mo ay tiyak na mananaig, matutupad at magkakatotoo, wala na ring ibang dahilan upang hindi ka makapag-asawa at magkaroon ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.  


Gayunman, upang mawala ang pagiging torpe, mahiyain mo at nang makapag-asawa ka na rin, dapat palagi kang magsuot ng strong color, tulad ng pula para sa zodiac sign mong Taurus at destiny number mong 3, at puwede rin sa iyo ang itim at dilaw. 


Pagkatapos nito, ligawan mo rin ang mga ka-compatible mo o makipagkaibigan ka sa mga babaeng isinilang sa zodiac sign na Scorpio, Virgo, Capricorn, Libra at kapwa mo Taurus, higit lalo silang may mga birth date na 6, 15, 24, 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 8, 17, 26, 9, 18 at 27.


Sa ganyang paraan, sa susunod na taong 2025, sa edad mong 34 pataas, makakapag-asawa ka na at habambuhay na magiging maligaya, hatid ng babaeng isinilang sa zodiac sign na Capricorn.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Numero | Sep. 21, 2024



Dear Maestro,


May asawa akong babaero. Sa katunayan, tatlong beses ko na siyang nahuhuli kasama ang kanyang kerida. Kinompronta ko siya nu’ng nahuli ko siya sa pangalawang pagkakataon, umamin at nangako siya na hindi na muli niya iyon uulitin. Pero wala pang dalawang buwan ang nakalipas, nahuli ko na naman sila ng babae niya. 


Sa ngayon, balak ko na siyang hiwalayan. Kung makikipaghiwalay ako sa kanya, may ikalawang pag-aasawa pa kayang mangyayari sa aking kapalaran? Kung oo ang sagot, sa ikalawang pag-asawa ba ako mas magiging maligaya? 

Ang birthday ko ay April 29, 1987.

Umaasa,

Florabelle ng Malanday, Valenzuela City


Dear Florabelle,   


Kung ang mister mo ay hindi naman isinilang sa zodiac sign na Virgo, Capricorn, Scorpio at Taurus, tama ka maaari nga kayong magkahiwalay, dahil hindi mo siya katugma o ka-compatible.


Subalit kung Virgo, Capricorn, Scorpio at Taurus ang kanyang zodiac sign, kahit sabihin pang babaero siya, tiyak ang magaganap – hinding-hindi kayo magkakahiwalay kailanman.Gayunman, kung sakaling mag-aasawa kang muli, isaalang-alang mo ang nasabing mga zodiac sign sa itaas, upang sa habambuhay ka nang lumigaya, higit lalo kung ang birth date ng lalaking mapapangasawa mo ay 5, 14, 23, 7, 16, at 25 – sa piling ng nasabing mga lalaki, tulad ng nasabi na, may pangako ng isang maligaya at panghabambuhay ng pagpapamilya.


Habang ang iyong Love Calendar, kahit na nambabae at paulit-ulit ka pang lokohin ng iyong asawa, as long as tugma at compatible kayo sa Astrology at Numerology, na sinabayan pa ng nag-iisa mong malinaw, makapal at magandang Marriage Line sa kaliwa at kanan mong palad, na pang-araw-araw nating tinatalakay sa ating mga artikulo tungkol sa guhit ng palad,  tiyak ang magaganap – mananatiling buo ang inyong pamilya, upang minsan pa, kahit pa na gumagawa ng kalokohan ang iyong asawa, hindi pa rin mahahadlangan ang nakatakda, dahil sa bandang huli, habambuhay pa rin kayong magsasama.



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Numero | Sep. 19, 2024



Dear Maestro,


Magsa-sampung taon na kaming kasal ng mister ko sa December 10. Mula nang kami’y nagsama, pangarap na naming magkaroon ng sariling bahay at lupa. Ngunit hindi ito matutupad kung ang maliit na suweldo lang naming mag-asawa ang aming aasahan. Sa ngayon, pareho kaming factory worker sa isang pabrika.


Kaya naman gusto ko sanang humingi ng masuwerteng numero para matupad na ang pangarap namin na magkaroon ng maliit na bahay at sarili talaga namin ang lupa. 

Matutupad ba ang pangarap namin? May 16, 1985 ang birthday ko habang August 31, 1978 naman ang mister ko. At sana mabigyan n’yo rin kami ng mapalad na numero dahil paminsan-minsan ay tumataya rin kami sa lotto.


Umaasa,Aileen ng Real, Cardona, Rizal

Dear Aileen,


Ayon sa sa birth date mong 16 o 7 (ang 16 ay 1+6=7) at destiny number na 8 (5+16+1985=2006/ 20+06=26/ 2+6=8), habang 31 o 4 (ang 31 ay 3+1=4) naman ang birth date ng mister mo na may destiny number na 1 (8+31+1978=2017/ 20+17=37/ 3+7=10/ 1+0=1), ay nagsasabing mapalad kayong mag-asawa sa mga numerong may sumatotal na 1, 4 at 7, tulad ng 1, 10, 19, 28, 37, 13, 22, 31, 40, 16, 25, 34 at iba pang kauri nito, lalo na sa tuwing sasapit ang buwan ng Mayo at Oktubre. Bukod sa numerong may sumatotal na 1, 4 at 7, maaari dingsubukan ang 1, 14, 20, 23, 28 at 35, ganundin ang 7, 19, 25, 28, 37 at 44.


Dagdag pa rito, upang mas madaling mahigop ang suwerte at magandang kapalaran, kailangan n’yo ding palaging gamitin ang masuwerte n’yong kulay na berde at pula upang mas madali n’yong maakit ang buwenas na may kaugnayan sa salapi at materyal na bagay.


Upang masigurado ang malaking panalo sa anumang sasalihang pa-raffle o number games, maghanap kayo ng lotto outlet na kasukob ng opisina o kasama sa compound ng isang telecommunication o publication company, maaari ring isang lotto outlet na katabi ng isang computer café dahil ang mga nasabing lotto outlet ang magpapatama sa inyo ng jackpot.


Ayon sa Decadens ng Kapalaran, sa sandaling sinunod n’yo ang mga simpleng rekomendasyon sa itaas, tiyak ang magaganap sa susunod na taong 2025, sa edad mong 40 pataas, malaking halaga ng salapi ang inyong maibubulsa, sapat na ito upang makabili kayo ng house and lot o lupa hanggang sa tuluyan n’yo na ring masimulang ipagawa ang inyong dream house.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page