top of page
Search

ni Ka Ambo @Bistado | July 1, 2023


IDINEKLARA ng Korte Suprema na illegal o labag sa Konstitusyon ang batas na nagpapaliban sa Barangay at SK Elections.


Pero, pinayagan nilang ituloy ang halalan sa Oktubre.


Kumbaga, napuwersa lang.


---$$$---


IMBES na 3-year term, magiging two-year term ang mga magwawagi sa eleksyon.


Kumbaga, isang taong “babawi” sa gastos at isang taong “magpa-fund-raising” bago ang kasunod na halalan.


Ha! Ha! Ha!


---$$$---


BISTADONG-BISTADO ang kahinaan ng kukote ng mayorya ng mga mambabatas — senador at kongresista.


Hindi nila alam ang “esensiya” ng mga probisyon sa Konstitusyon.


---$$$---


ANG pagwawagi sa alinmang eleksyon ay hindi kasingkahulugan ng “husay, talino o katapatan”.


Ang panalo sa eleksyon ay nakapundasyon sa “laki ng campaign fund” na tinatawag na “dirty money”.


---$$$---


ALAM ng mga botante na dinambong lang ng mga incumbent ang campaign fund at ang ilan naman ay mga ilegalista — gambling lord, drug lord, ismagler.


Dahil sa dami ng kuwarta, kaya nagwawagi.


---$$$---


MABIBILANG lang sa daliri ang tunay na matapat at malinis na elected official.


Pero, ang ilan d’yan — ay gamit lang ang popularidad pero bistadong “walang utak”.

‘Yan ang mismong demokrasya.



---$$$---


SA demokrasya, ang nakararami o mayorya ang masusunod.


Hindi nangangahulugan na kapag nagdesisyon ang mayorya -- ay iyon ang tama.

Mas madalas ay iyon ang mali.


---$$$---


BUMOBOTO at nag-oopinyon ang tao batay sa “impresyon”.


Ang impresyon ay apektado ng media — mainstream at social media.


‘Yan ang malaking problema.


---$$$---


BISTADO rin ang kahinaan ni Russian boss Vladimir Putin.


Malinaw na nagdududa sa kanyang liderato ang mismong mga kanang-kamay ng mga heneral.


---$$$---


MAY pakiramdam tayo na biglang maglalaho sa poder si Putin.


Makikinabang dito ang China, Europe at U.S.


---$$$---


IBINEBENTA sa ilang Kadiwa Center ang bigas na may presyong P25 kada kilo.


Iyan ay batay sa “balita”.



---$$$---


BABABA rin ang presyo ng elektrisidad at petrolyo.


Lumiit kasi ang demand.


‘Yan na mismo ang batas.


Hindi po naire-repeal ‘yan.


---$$$---


MAGSASAMA sa iisang network ang “Eat Bulaga” at “It’s Showtime”.


Makakalaban nila ang “old Eat Bulaga Dabarkads”.


---$$$---


SA totoo lang, puwedeng mag-crossover o magsanib ng puwersa ang “It’s Showtime” at “Eat Bulaga” ni Jalosjos.


Makakarekober ang GMA-7 at ABS-CBN.


Paano at magkano?


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | June 25, 2023


NO survivor sa sumabog na submersible capsule na nagtangkang silipin ang lumubog na Titanic.


Isang halimbawa ito ng kahinaan ng mga “nagpapakilalang eksperto”.


---$$$---


MARAMING pagkakataon na ang mismong eksperto ay nawawalan ng sintido-kumon o praktikalidad.



Sila kasi ay de-libro.


Paano kung “lipas na ang libro”?


---$$$---


SA totoo lang, ang pormal na educational system na naimbento, may 2,000 taon na ang nakararaan sa Europe ay nalipasan na nang panahon.



Hindi na ‘yan epektibo dahil mabilis nang nagbabago ang panahon at modernisasyon.


---$$$---


INAAKALA ng mga guro o nagpapakilalang eksperto — sila ang may hawak ng lihim na karunungan.


Mali.


---$$$---


WALA sa loob ng eskuwelahan ang “karunungan o talino” o lihim na kaalaman, bagkus iyan ay nakatanim sa kaibuturan ng “kalikasan” kasama d'yan ang indibidwal.


Ang nasa loob ng eskuwelahan ay ang sistema kung paano magsuri, mag-analisa at magsaliksik.


---$$$---


MAGING ang “sistema” ay nalilipasan ng panahon -- dahil sa modernisasyon.


Pero ang sistema ng edukasyon ay tipong nagyayabang na “hawak nila ang karunungan.”


Isang kamangmangan ‘yan.


---$$$---


HANGGANG ngayon, ang mga eskuwelahan ay nakakulong sa isang silid na “may apat na dingding”.


Mali.


---$$$---


ANG “karunungan” ay hindi dapat sinasaliksik sa loob ng “silid”, bagkus ito ay dapat sinusuri sa labas ng bakuran ng eskuwelahan.


Sa totoo lang, ang COVID pandemic ay nakatulong upang maranasan ng mga tao — na puwede nang hindi magpunta sa eskuwelahan.


---$$$---


PERO, nalihis na naman ang mga kolokoy, dahil imbes sa gitna ng kalikasan, ang “karunungan” ay sinaliksik naman sa “loob ng bahay”.


Mula sa classroom, inilipat ito sa “bedroom”. Ha! Ha! Ha!


---$$$---


OKEY na sana na alisin sa loob ng gusali ang pagsasaliksik sa karunungan, pero lalong palpak, kapag sinaliksik ang karunungan sa loob ng “bahay”.


Dapat ay hayaan ang mga estudyante na mag-aral at magsaliksik — sa loob ng gumagalaw na lipunan at mismo sa gitna ng kalikasan nang walang bubong at dingding.


Maunawaaan sana ito nang lahat.


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | June 23, 2023


NAWAWALA ang submersible ship na nagtangkang balikan sa ilalim ng dagat ang lumubog na Titanic.


Ang problema, 5 bilyonaryo ang sakay ng “kapsula” sa ilalim ng dagat.


---$$$---


EXPERIMENTAL lamang ang naturang kapsula na hindi naman submarine pero nagtangkang sumailalim sa higit tatlong kilometro na lalim ng karagatan.


Pagiging ambisyoso at kawalan ng “sintido-kumon” ang nagpahamak sa kanila.


---$$$---


LAGANAP na naman ang kriminalidad.


Hindi ba puwedeng maitalaga si ex-PNP Chief Guillermo Eleazar bilang anti-crime czar?


Nagtatanong lang naman.


---$$$---


TANGING si Heneral Guillermo lang ang may sapat na kakayahan at karanasan na sugpuin ang kriminalidad.


Karaniwang mga parak din ang kriminal.


---$$$---


MARAMI ang nagdarahop.


Kakambal ito ng kriminalidad.


---$$$---


WALANG silbi ang mga pulis dahil nagkalat na naman ang mga kriminal.


Laganap ang droga at nakawan.


---$$$---


LAGING naalala ang panahon ni Digong.


Aktuwal na naglaho ang kriminalidad.


Nakalaboso, napatay at nakasuhan ang mga kriminal kasama ang mga aktibo at retiradong parak.


---$$$---


HINDI na naman nasasaklolohan ang maliliit na negosyante.


Inutil ang DTI at iba pang financial institusyon ng gobyerno.


Nagpipiyesta ang mga bumbay.


---$$$---


BAKIT hindi umaasiste ng todo ang gobyerno sa maliliit na negosyante?


Puro talumpati lang at displey-displey.


---$$$---


NAKUMPIRMA ang kapalpakan ng mga airlines. Ganu’n lang, wala rin.


Pasori-sori lang. Ngek!


---$$$---


TUMITINDI ang trapik.


Inaantay na maging todo-grabe, bago umaksyon ang mga lintek.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page