top of page
Search

ni Ka Ambo @Bistado | September 6, 2023



NASA Indonesia na si P-BBM.

Magtagumpay sana ang kanyang biyahe.


---$$$---


BAGO tumulak sa ASEAN Summit, nilagdaan muna ng Pangulo ang executive order sa price cap ng bigas.

Isang malaking isyu.


Kumbaga, napuno na ang salop!


---$$$---


PARA sa ilan, isang suntok sa buwan ang pagpigil sa presyo ng bigas.

Pero, malinaw ang mensahe: Isang kongkretong hakbang ito laban sa cartel at hoarders ng bigas.


---$$$---


HINDI simpleng babala ang Executive Order 39, bagkus ay isang matalas na armas ito kontra sa mga sindikato ng bigas.

Hindi nagbibiro si P-BBM.


---$$$---


KINUMPIRMA ni Trade Assistant Secretary Agaton Uvero na hindi dapat lumobo ang presyo ng bigas dahil sa liberalisasyon sa pag-angkat ng bigas.

Malinaw na malinaw, ang kamay ng mga sindikato.


---$$$---


NILINAW na ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) na nagiging steady na ang supply ng bigas dahil sa inaasahang surplus pa ng lokal na rice production at rice importation.

Meaning, peke ang mataas na presyo ng bigas.


---$$$---


SA katunayan, ang total supply ng bigas sa bansa ay “more than enough” para sa current demand o kasalukuyang pangangailangan sa konsumo na 7.76 MMT.


Ito ay magkakaroon pa ng ending stock na 2.39 MMT na sasapat hanggang sa susunod pang 64 na araw.


---$$$---


Sa EO 39 ay iniulat ng DA at DTI na may nagaganap na “widespread practice of alleged illegal price manipulation, such as hoarding by opportunistic traders and collusion among industry cartels in light of the lean season…”



Kaya agad ikinatuwa ang pag-apruba ni P-BBM sa EO 39 na nagtakda ng price ceilings sa bigas.


---$$$---


MATIGAS ang disposisyon ni P-BBM kaugnay ng West Philippine Sea.


Hindi siya papayag na mabawasan kahit isang pulgada ang teritoryo ng Pilipinas.


---$$$---


UMAABUSO na ang China dahil sa pambobomba ng tubig sa mga mangingisdang Pinoy.

At pinakahuli, ang paglalabas ng 10-dash line map.


---$$$---


POSIBLENG maglabas din ng 11-dash line map ang China sa mga susunod na panahon.

Pero, matikas ang paninindigan ni P-BBM.


Ipaglalaban ng Pangulo ang soberanya ng bansa sa ASEAN leaders.


---$$$---


NANININDIGAN ni Pangulong Marcos, Jr. na dapat umiral ang international law particular ang United Nations Conventions on the Law of the Sea.


Malinaw na sakop ng Pilipinas ang West Philippine Sea at 'yan ang dapat maganap.


---$$$---


DAPAT maunawaan ng China na hindi dapat nila hinahamon ang soberanya ng Pilipinas.

Aantayin pa ba nilang mapuno ang salop?

Masarap pa rin namnamin ang sikat ng araw!


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | September 1, 2023


BER month na.

May pamahiin: Umaangat daw ang buhay pagpasok ng Setyembre.

Huh, ‘di nga?

---$$$---


HINDI makarekober ang ekonomiya, kasi’y sangkatutak pa rin ang mandarambong sa pamahalaan.


Kapag naresolba ang corruption mula sa lahat ng antas, hindi na kailangan pang mangutang nang mangutang ang Pilipinas.


---$$$---


NAKATOKA sa pagbabantay sa pandarambong ang Commission on Audit (COA).

Pero, paano kung makipagkutsaba sila sa mga kawatan?


---$$$---


MAY nagma-marites na may tropa ng “Super Friends” sa loob ng COA.

Sila ang hinihinalang utak ng mga kabulastugan.


---$$$---


HULAAN ninyo in “one-minute”, sino si Superman sa loob ng COA?

Sino si Super Cat?

Sino si Super Boy?

Sino si Batman at Robin?


---$$$---


ISA sa ‘Super Friends’ ay kilalang tirador ng mga kontrata sa gobyerno gamit ang iba’t ibang construction companies na dating dyowa na isang promdi.


---$$$---


NAKAKAKILABOT ang tsismis dahil higit bilyon-pisong government contracts ang naimamaniobra ng Super Friends.

Ano ang modus?


Siyempre simple lang, ang maluwag na auditing system.


---$$$---


NAPAPASOK nila ang nasyonal o local mang kontrata.

Talagang bigtaym.

---$$$---


ALAM kaya ni P-BBM ang lihim na diskarteng ito ng mga kawatan sa kanyang administrasyon.

Nagpipiyesta ang mga “’marites”.


---$$$---


NASILAYAN ang Super Blue Moon kahapon.

Hindi na ito magbabalik hanggang taong 2037.


---$$$---


NAKASABAY nito ang Mercury Retrograde.

Ito ang pag-aatras na pagbaliktad ng ikot ng merkuryo.

Meaning, isang rebooth o reset ang mararanasan.


---$$$---


KUMBAGA, sa kompyuter o electronic gadgets, kailangang mai-rebooth upang mag-back-to-zero ang program o operation.


Hindi lang ang mabubuti ang mabubura, bagkus ay maging ang mga negatibong karga tulad ng virus.

---$$$---


BAHAGI ng kasaysayan ang “rebooth o reset”.


Ito ay naganap sa panahon ng Malaking Baha sa panahon ni Noe sa Bibliya.


Naganap din ito nang bumagsak ang dambuhalang asteroid sa earth na ikinalipol ng mga dinosaurs.

---$$$---


PINAKAHULI, sa ating panahon, maituturing na rebooth o epekto ng Mercury retrograde ang COVID pandemic.

Malaking pagbabago ang mararanasan sa dekadang ito.


---$$$---


HINDI ang negatibong epekto lamang ang dapat pagtuunan ng pansin sa panahon ng reset o rebooth, bagkus ay maging ang positibong epekto nito sa kasaysayan.


Matapos ang dekadang ito, mahirap paniwalaan ang mga inobasyon, imbensyon at pag-unlad ng siyensya ang maranasan.


Matitikman pa ng ating henerasyon ang isang modernong panahon.


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | August 29, 2023


HINDI mapigil ang mataas na presyo ng petrolyo.

Kasunod nito ay mataas na singil sa pasahe.


---$$$---


MAGING ang bigas at iba pang produkto ay diretso sa pagtaas ng presyo.

Hindi ito mapipigil.


Ito ay sanhi ng “batas” ng supply and demand.


---$$$---


NARE-REPEAL ba o nababago ng Kongreso ang batas ng suplay at demand?

Ang tanging puwedeng gawin at paramihin ang suplay at paliitin ang demand.

Ganu’n lang kasimple.


---$$$---


BER month na this week.

Pero, ramdam na ramdam ang hirap ng buhay.


---$$$---


TECHNICAL recession ang tawag ng mga eksperto sa “side effect” ng COVID pandemic.

Wala nang COVID, pero sarado pa rin ang maraming negosyo.


---$$$---


KABILANG sa nabangkarote ang mga private schools.

Nag-exodus tungo sa public school ang mga estudyante.


---$$$---


TINUTUTULAN ng mga pribadong eskwelahan ang No Permit, No Exam Prohibition Act dahil mababangkarote ang mga naka-survive na eskwelahan.


Kung hindi maniningil nang maayos ang mga iskul, saan kukuha ng pantustos ang pribadong eskwelahan.


Paano na ang mga due date sa utilities tulad ng kuryente at tubig, at maging telephone at internet?


---$$$---


SA biglang tingin, mukhang maganda naman ang layon dahil makakapag-exam ang mga estudyante kahit hindi pa bayad sa matrikula.

Pero, hindi nila makukuha ang kanilang school credentials hangga’t walang full payment sa matrikula.


---$$$---


MALINAW na pansamantala lamang ang lunas dahil utang pa rin ito na sisingilin ng mga paaralan.


Baon pa rin sa utang ang mga magulang.

Hindi iyan ang tunay na solusyon sa krisis.


---$$$---


PAANO makakasuweldo nang kinsenas ang mga guro at school personnel kung hindi magbabayad sa due date ang mga estudyante?


Sakop ba ng batas na itengga ang suweldo ng mga guro dahil sa pagbabawal sa “no permit, no exam policy”?


---$$$---


UMAAPELA ang private schools na makipagdayalogo muna ang mga mambabatas sa kanilang grupo.


Ito ay para maiayos ang batas at mismo ang problema.


---$$$---


SA demokrasya, dapat ay hinihingi ang panig at tinig ng sektor na apektado ng panukalang batas.

Mahirap bang gawin ito?

Iyan ay isang tradisyonal na proseso sa Kongreso.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page