top of page
Search

ni Ka Ambo @Bistado | June 17, 2024



Bistado ni Ka Ambo

Gumagrabe na ang sitwasyon sa daigdig.


Imbes na maampat, ipinapuwesto na ang mga launcher ng missiles.


 ----$$$--


NAGPRAKTIS na ang Russia at iminaniobra na sa Cuba ang pang-atakeng submarine kontra sa US.


Nauna rito, ipinorma naman ng US ang sopistikadong launcher ng missile sa Ilocos kontra China.


 ----$$$--


SA aktuwal, ibinabala mismo ni PBBM sa mga Pinoy na may posibilidad na sorpresang magkaroon ng digmaan.


Iyan mismo ang ating naunang babala sa espasyong ito — gumigire na ang World War 3.


-----$$$--


SA pinakahuling balita, pinaralisa na ng US at European Union ang Moscow Exchange kung saan ibinabawal na ang transaksyon ng dolyar sa naturang Russia.


Nagbanta si Russian strongman Vladimir Putin na reresbak sila kontra US at EU.


-----$$$--


MALINAW na malinaw na hindi lang military ang nagmamaniobra, bagkus ay aktuwal nang idinamay ang ekonomiya.

Kumbaga sa boxing, sinikmuraan ni Joe Biden si Putin.


Makahirit kaya ng sorpresang left hook si Putin?


----$$$--


SA Pilipinas, pinagdedebatehan pa rin ang POGO.


Mismo ang China ang nagsabi na ipagbawal sa Pilipinas dapat ang POGO dahil bawal ito sa kanilang bansa.


----$$$--


KUNG sa China ay bawal ang POGO, bakit kinukunsinte sa Pilipinas?

Kailangan kasi ang campaign fund.


Entiendes?


----$$$--


DATI-RATI sa katindihan ng jueteng sa buong bansa partikular sa Central Luzon, ang intel fund ay nagmumula sa mga jueteng lord.


Ngayon kaya, saan humuhugot ng intel fund ang mga otoridad?

-----$$$--


SA ibang bansa, ang intel fund ay nagmumula sa illegal drug trafficking.


Isang dahilan ‘yan kung bakit hindi ito nasasawata.


----$$$--


NAIINTRIGA si FL Liza sa kontrobersiyal na “tagay” ni Senate President Chiz.


Nag-fiesta tuloy ang mga tsismoso’t tsismosa.


-----$$$--


NAPAKAHABA ng pamamalagi ni ex-FL Meldy sa Malacanang, pero bakit walang “Kodak” na tumatagay siya.


Kwidaw!!!


-----$$$--


WALA namang masama sa tagay, pinasasama lang ito ng impresyon at interpretasyon ng mga anti-Marcos.


Kumbaga, kay Tanggol — sala-sa-init, sala-sa-lamig.


Ang sitwasyon ang nagpapahamak pero hindi ang mismong personalidad.


 -----$$$---


TAPOS na ang El Niño, entrada naman ang La Niña.


Simot ang calamity fund sa mga buwaya.



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


 
 

ni Ka Ambo @Bistado |April 21, 2024




BINOMBA na ng Israel ang nuclear program complex ng Iran.

Nagkakaisa ang mga eksperto na nasa bingit na ng World War 3 ang daigdig.

Nanangkupooo!



NILINAW naman ng Iran na walang gaanong pinsala at hindi sila reresbak.

Sa ngayon!



MARAMI ang hindi nakakaunawa ng sitwasyon.

Dapat ay matuto ang lahat ng “pagbabasa” sa likod ng mga balita.

Karaniwan sa ating mga nababasa ay “pakunwari” lamang at peke ang mensahe.



ANG higit na 300 missiles at drone na pinakawalan ng Iran kontra sa Israel — ay inabiso muna upang hindi gaanong makapinsala.

Inaakala ng lahat na epektibo ang pagkontra ng Israel sa atake ng Iran.



DAPAT nating maunawaan na sinaklolohan ang Israel ng U.S., Britain, Jordan at France sa pagkontra sa atake.

Paano kung hindi sila dinepensahan ng ibang bansa?

Paano kung isinikreto o hindi inabiso ng Iran ang pag-atake?



DAPAT din nating maunawaan na higit sa 300 units ng missile at drone ang pinakawalan ng Iran.

Paano kung ginawang higit sa 1,000 units ang pinakawalan?



SAMANTALA, walang abiso ang Israel sa pag-atake sa nuclear city ng Isfahan sa Iran.

Hindi rin idinaan sa airspace ng karatig bansa ang atake ng drone.

Inamin mismo ng Iran na isang “infiltrator” ang umatake sa kumpas ng Israel.



Ang isyu rito ay ang tapang at kakayahan ng Iran na magpakawala ng bomba mula sa sarili nilang teritoryo patungo sa aktuwal na teritoryo ng Israel.

Ibig sabihin, may kapasidad ang Iran na atakehin nang direkta ang Tel-aviv at Jerusalem.



MALINAW din na may kakayahan ang Israel na umatake nang sorpresa “gamit ang mga infiltrator” mula mismo sa loob ng teritoryo ng Iran.

Parehong may “lihim” na mensahe ang Iran at Israel sa isa’t isa.



PINIGIL na ng Iran ang mga UN inspector sa mga pasilidad sa nuclear program.

Posibleng lihim na silang gumagawa ng nuclear bomb — nang wala nang makakapigil.

 


ANG nuclear bomb na ito — ang nais mapigil ng Israel at U.S.

Pero, dahil wala nang inspector at patuloy ang banta ng Israel — posibleng ituloy ang paggawa ng nuclear bomb.



LAHAT ng bansa ay sinisikap na pigilin ang posibleng ikatlong digmaang pandaigdig.

Hindi inaabiso ang pagpapasabog ng nuclear bomb.



Kung sino ang unang magpasabog, siya ang iiskor at may potensyal na magwagi.

Iyan ay walang nakakaalam at nakakatakot.



SA maniwala kayo o hindi, lihim na naghahanda ang malalaking bansa sa potensyal ng isang giyera-mundial.

Pero, ang maliliit o mahihirap na bansa gaya ng Pilipinas, makikitsika lang at mag-aantay ng “kapalaran”.



 
 

ni Ka Ambo @Bistado | April 20, 2024




HALOS P10 bilyong halaga ng shabu ang nasabat sa Batangas.


Iniyabang ito ni PBBM dahil nakumpiska ang halos 2 toneladang droga nang walang napatay.



LIHIM na nasa isang military base ng Pilipinas ang tomahawk missile launcher ng U.S.


Depensa at pang-atake ito sakaling magkaroon ng giyera.



MALINAW ang lihim na preparasyon ito sa namumuro nang ikatlong digmaang pandaigdig.


No choice ang Pinoy kundi makipakner kay Uncle Sam.



PERO ayon kay Sen. Imee, imbes na giyera ang paghandaan, asikasuhin muna ang mga problema sa loob ng gobyerno.


Ito ay ang mataas na presyo ng bilihin at korupsiyon.



IPINAUBAYA na ni PBBM ang pangangasiwa sa agrikultura sa mga eksperto.


Sinimulan na rin ang pagtugis sa mga mandarambong sa pamahalaan.



SINAMPOLAN na sa anti-corruption campaign ni PBBM sa pagsibak kay ex-BFAR chief Demosthenes R. Escoto.


Iniutos ng Office of the Ombudsman ang pagsibak dahil sa pagkakasangkot sa pag-award ng P2 billion contract para sa Vessel Monitoring System (VMS) Project noong 2018.



APRUBADO ni Ombudsman Samuel R. Martires ang desisyon kaugnay sa kasong grave misconduct.


Nag-ugat ang administrative case sa desisyon ng Bids and Awards Committee (BAC) ng BFAR.



MAY kaugnayan ang kaso sa kontrata sa SRT Marine Systems Solutions Ltd. (SRT) na nakabase sa United Kingdom.


Ang SRT-UK ang magsusuplay ng teknolohiya at mga kagamitan (tulad ng VMS transmitters) ng Marine Environment Monitoring System Project.



ANG proyekto ay inisyal na popondohan ng P1.6 bilyon sa pamamagitan ng pag-utang sa pamahalaan ng France.


Dapat ay mula sa French o may ka-joint venture na isang French company ang sinumang bidder.



NAUNA nang nakuha ng SRT-France ang kontrata noong 2017 subalit hindi naman ito kinilala ng France dahil British naman pala ang may-ari ng kumpanya.


Natuklasan din na isang buwan pa lang na naitatayo ang SRT-France at wala itong mga pasilidad sa France kung kaya kumalas na lamang sa loan agreement ang French government.



NAUNANG sumikat si Escoto sa isyu ng kakapusan ng suplay ng galunggong.


Umasenso na, hindi GG, bagkus ay haytek na ang isyu.


He, he, he.



INAMIN na ni FL Liza na bad shot na si VP Sara sa kanya.


Huh, huwag kayong magsasabunutan.



TILA ito na ang simula ng pagwawakas ng isang political tandem.


Marami ang maiipit sa lihim na hidwaan.


Asahan natin ang tipong Iran at Israel na palitan ng “putak”.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page