top of page
Search

ni Justine Daguno - @Life and Style | May 31, 2021



ree

Habang tumatagal, mas tumataas pa ang bilang ng mga tao na nahuhumaling sa teknolohiya, partikular ang kabataan. Marahil, isa na rin sa mga epekto ng pandemya kung saan pinagbabawalan silang lumabas kung hindi importante ang gagawin, kung kaya’t umaasa na lang sa mga ganap gamit ang social media. Pero lahat ng sobra ay hindi maganda, ang madalas na paggamit ng teknolohiya ay maaaring magkaroon ng masamang epekto sa pisikal na aspeto, maging sa lifestyle ng mga ito.


Kaya naman, narito ang ilan sa mga dapat gawin upang matulungan ang kabataan na makontrol ang paggamit ng social media o gadget:


1. MAGING HALIMBAWA. Bago pagsabihan ang mga bata na ‘wag ma-adik sa gadget, siguraduhin munang kontrolado rin ang sarili pagdating sa bagay na ‘to. ‘Ika nga, lahat ng ginagawa ng matanda ay tama sa mata ng bata, kaya maging mabuting halimbawa.

2. BAGUHIN ANG SISTEMA. Kung kinakailangang baguhin ang nakasanayan ay gawin ito. ‘Wag iasa ang lahat ng galaw sa gadget, mas maraming kapaki-pakinabang na bagay o gawain bukod sa paglaan ng buong oras sa social media. Hikayatin silang magbasa ng libro, maglaro ng board games, mag-aral magluto at marami pang iba.


3. ‘WAG ITONG GAWIN ACCESSIBLE. Kailangang magkaroon ng disiplina ang mga kabataan sa paggamit ng teknolohiya. ‘Wag silang i-spoil, maglaan ng tamang panahon kung kailan lamang maaaring gumamit nito. Ipaintindi na hindi sa lahat ng oras ay gadget lamang ang kanilang hawak.


4. TULUNGAN SILANG MAG-EXPLORE. Sa totoo lang, marami talaga tayong puwedeng ma-discover sa pamamagitan ng ‘internet’, pero hindi lamang ito ang bagay na puwedeng pagkunan ng mga bagong ideya. Bagama’t mas accessible nga naman, mas exciting pa rin kapag nag-explore sa ibang bagay. Sikaping magkaroon ng ‘quality time’ kasama sila nang sa gayun ay mas magabayan pa.

Totoo namang malaking bagay ang gadget, lalo pa’t limitado lamang ang mga puwedeng pagkaabalahan sa panahon ngayon pero dapat matutunan ng mga bata na hindi lamang ito ang mga bagay na kanilang magagawa. ‘Wag natin hayaan na tuluyan nila itong gawing mundo dahil may mas makabuluhang buhay pa sa labas ng social media. Gets mo?

 
 

ni Justine Daguno - @Life and Style | May 06, 2021


ree

Bagama’t isa ang pagko-commute sa mga bagay na ‘basic’ na bahagi ng pang-araw-araw na gawain ng marami sa atin, naging napakahirap nito dahil sa pandemya na kasalukuyan nating nararanasan. Malaki ang ipinagbago ng paraan ng pagko-commute — nabago ang lahat mula sa ruta hanggang sa sistema. Kaya naman, narito ang ilan sa mga tips para iwas-aberya at ‘easy’ pa rin itong magawa:

1. MAGING PAMILYAR SA LUGAR. Huwag pumunta sa lugar na wala man lang ideya. Limitado ang oras ng biyahe dahil sa pandemya kaya kung bago palang sa lugar na pupuntahan, makabubuti kung magba-background check muna. Alamin sa apps, internet o magtanung-tanong sa mga kakilala ng mga terminals, landmarks at iba pang makatutulong para mas maging pamilyar sa lugar.


2. DAPAT MAY EXTRA MONEY. Travel man o simpleng transaksiyon lang ang dahilan ng pagko-commute, dapat palaging may ekstrang pera. Maraming puwedeng mangyari sa araw-araw na transportasyon tulad ng masisiraan ang sasakyan, cutting-trip at ang masaklap ay maligaw kaya siguraduhing may extra money, bukod pa sa budget na pamasahe.


3. MAGLAAN NG ALLOWANCE SA BIYAHE. Muli, maraming puwedeng mangyari habang nasa biyahe at isa sa mga hindi inaasahan ay ang lagay o daloy ng mga sasakyan. Siguraduhing maglalaan ng allowance sa oras ng appointment o lakad. Puwedeng itantiya kung gaano kalayo ang lugar nang sa gayun ay malalaman kung ilang oras ang ilalaan sa biyahe.


4. SIGURADUHING KOMPORTABLE SA KASUOTAN. Malaking karagdagan sa ‘hassle’ ng pagko-commute kapag hindi komportable ang suot na sapatos o damit. Bago umalis ng bahay, siguraduhing makagagalaw nang maayos sa kasuotan.


5. MAG-OBSERVE SA PALIGID. Isang malaking ‘battle field’ ang kalsada kung saan iba’t ibang problema at personalidad ang maaari nating makasalamuha kaya mahalaga na marunong makiramdam at maging observant sa paligid. Oks lang matulog pero tandaan na ang sasakyan ay hindi kuwarto o personal space, kaya siguraduhin na ikaw pa rin ay alerto.

Mahirap maka-survive kapag kulang sa diskarte. Hindi puwede na palaging walang alam sa mga bagay-bagay dahil kung hindi papalpak ang gawain, malamang ay maisahan naman ng mga mapagsamantala. Kaya bago lumabas, bukod sa may suot na facemask, face shield at may dalang alcohol, ‘wag din kalimutan ang presence of mind. Okie?

 
 

ni Justine Daguno - @Life and Style | May 03, 2021


ree

Init na init ka na ba ngayong summer? True naman na ang init, naligo man o hindi ay parang kulang pa rin, ‘kalokah! Pero worry no more dahil hindi naman kailangang magtiis, ‘wag magtiis dahil narito ang ilan sa mga puwedeng gawin para maging feeling fresh in an instant tayo, mga besh!


1. MAGLAKAD-LAKAD. Kung iisipin, ‘exercise’ ang paglalakad at truly na nakakapagpapawis. Pero hindi lang naman ito pampa-‘sweat’, kundi oks din na pang-refresh, hindi man ng katawan kundi ng isipan. Yes, nakatutulong ang paglalakad nang sa gayun ay nakadadaloy nang maayos ang dugo sa utak, dahilan kaya nakapag-function ito nang maayos.

2. UMINOM NANG MARAMING TUBIG. Kumbaga, basic na lang ‘to pero sobrang laki ng epektong maidudulot sa atin. Ang pag-inom ng sapat na dami ng tubig ay nakatutulong para maging hydrated ang katawan na siya namang paraan upang bumaba ang temperatura nito o nare-refresh pa rin sa kabila ng napakainit na panahon.


3. GUMAMIT NG LEMON ESSENTIAL OIL. Oks at refreshing din ang paggamit ng lemon essential oil dahil ang paglanghap nito ay nakapagpapakalma. Bumababa ang temperatura ng katawan kapag relaxed o hindi ito stressed. Kapag galing sa initan o mainit na talakayan, oks na gumamit ng lemon essential oil, pero puwede ring subukan ang eucalyptus at rosemary oil na halos may kaparehong magandang benepisyo.


4. KUMAIN NG MASUSTANSIYA. Ang pagkain ng masustansiya ay malaking bagay din para manatiling fresh ngayong napakainit talaga ng panahon. Pero dapat maging maingat sa mga pagkaing kinokonsumo. Ugaliing kumain ng mga gulay, prutas, nuts at iba pang masustansiyang pagkain.


5. MAGKAROON NG SAPAT NA TULOG. Isa ang pagkakaroon ng sapat na tulog upang maging presko ang tao. Sikaping magkaroon ng sapat na tulog nang sa gayun ay kondisyon ang katawan at isipan upang hindi gaanong maramdaman ang mainit na panahon.

Tuwing summer, sanay tayong mag-outing at magpaka-presko sa dagat o swimming pool pero dahil pandemic, wala munang ibang bakasyon at mananahimik muna ang lahat sa bahay. Well, ito ang dahilan kaya nga may mga simpleng paraan para manatiling fresh, hindi lang ang ‘body’, kundi pati ang ‘mind’, ‘di ba? Ganern!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page