top of page
Search

ni Justine Daguno - @Life and Style | August 24, 2021



ree

Personal man o sa social media, palagi tayong may makakasalamuhang kritiko o namumuna. Sila ‘yung tipong may gawin man o wala ang kanilang kapwa, palagi nila itong napapansin o nakikita. Lahat ay maaaring magbigay-kritisismo, pero hindi lahat ay valid.


Ayon sa pag-aaral, tulad ng kritisismo, natural din tayong defensive bilang tugon sa mga ito. Pero upang maiwasan ang walang kuwentang argumento o hindi pagkakaintindihan, narito ang ilang paraan upang mabigyang-tugon ito nang name-maintain ang respeto sa sarili:

1. MAKINIG MUNA BAGO MAGSALITA. Hindi lahat ng salita nang salita ay may laman ang sinasabi. Karamihan sa kanila, bukod sa gusto lang ng atensiyon ay kulang din sa pang-unawa sa iba’t ibang uri ng sitwasyon. Kapag may namuna sa atin, pakinggan muna kung paano niya ito sinabi at ‘wag agad tumugon. Isiping mabuti kung makabuluhan ba pumatol o mas better kung hayaan na lang ito sa kanyang opinyon o paniniwala.


2. MAGTANONG. Maraming pabida sa paligid o ‘yung mga ‘know-it-all’ na tao, upang maiwasan ang “toleration sa maling krisismo” ay magtanong tayo. Tanungin ang basehan nito sa ideyang nasabi o sa napuna. ‘Wag magpadala sa mga sinasabi nito, ang pagtatanong ay maaaring pandagdag-kaalaman o panghuli sa mga nagmamagaling lamang.


3. ‘WAG MAG-FOCUS SA ISANG OPINYON. Bawat isa ay may kani-kanyang antas ng talino na ibig sabihin, hindi lahat ay alam natin. Bukod sa puna na nasabi sa ‘yo ng isang tao, makabubuti kung hihingi rin ng ibang opinyon sa iba. Puwedeng sa kaibigan, pamilya, malapit na katrabaho o sinuman mas nakakakilala sa ‘yo.


4. MAG-REFLECT. Maaaring ang kapintasan sa atin ng ibang tao ay maaaring makatulong o makasira sa ating pagkatao. Sa bawat pagkakataong mapupuna tayo, bigyan ng oras ang sarili upang mag-reflect sa mga ito. ‘Wag agad itong paniwalaan at isisi sa sarili, tumingin sa mas malaking ideya at baguhin kung kinakailangan para sa ikabubuti ng sarili.

Madalas, ang kritisismo ay salita o kapintasan lamang na bahagi ng hindi perpektong pagkatao. Kung ang kritisismo ay mula sa social media, ‘wag na mag-aksaya ng panahon na patulan ito. Kung ito naman ay mula sa kakilala, maging mahinahon at ‘wag patol nang patol. Tandaan, ang kritisismo ay kritisismo, pero ang salita na hindi pinag-iisipan, madalas nagdudulot ng hindi pagkakaunawaan. Okie?

 
 

6 tips para sa healthy lifestyle kahit paiba-iba ang oras ng trabaho.


ni Justine Daguno - @Life and Style | August 10, 2021



ree

Walang pinipiling panahon ang trabaho, anumang oras ay kailangan itong tugunan dahil ito ang ating pinakakakitaan kaya nakaka-survive tayo sa araw-araw.


At dahil in demand na trabaho at maganda ang development ng business process outsourcing (BPO), marami ang tumatangkilik ang industriyang ‘to. Bukod sa malaki na ang suweldo at magandang benepisyo, marami pa itong oportunidad na bukas para sa lahat ng antas at estado. ‘Yun nga lang, madalas ito ay nightshift o kailangang magtrabaho sa mga oras na nakasanayan na ang pagtulog.


Pero worry more, narito ang ilan sa mga dapat gawin para mapanatiling healthy kahit nasa ang trabaho ay panggabi:

1. KUMAIN NG HIGH PROTEIN FOODS. Ang gulay, crackers, prutas at iba pang high protein na pagkain ay malaki ang naitutulong upang mapanatili tayong alerto, partikular sa mga oras na dapat natutulog o nagpapahinga na ang ating sistema.


2. KUMAIN NANG TAMA. Kumain nang tama — kumain nang naaayon sa oras. Ang pagkain ng tama o saktong oras sa loob ng isang linggo ay makatutulong upang ma-maintain ang body clock o magkaroon ng routine. Kapag naka-setup na sa isip ang mga dapat gawin, madaling masasanay o makasusunod ang katawan kaya mabago man ang oras ng tulog o pagiging aktibo, hindi ito magiging problema.


3. BAWASAN ANG PAG-INOM NG ALAK. Hindi magandang ideya ang pag-inom ng alak bago matulog, lalo na kung nightshift worker. Bagama’t dahil dito ay mabilis na inaantok o nakatutulog, isa sa mga “pangmatagalang epekto” nito ay ang pagkakaroon ng paputul-putol na tulog o ‘yung nagigising mula sa dalawa hanggang tatlong oras na pagkakatulog — nakainom man ng alak o hindi.


4. IWASAN ANG CAFFEINATED DRINKS. Bukod sa alak, bawasan ang pagkonsumo sa mga inuming may caffeine, tulad ng tsaa, cola o soda, at kape. Sa regular na pagkonsumo nito, mas nagiging alerto ang katawan pero hindi kontrolado. Ibig sabihin, maaaring maging energetic sa mga panahong dapat nagpapahinga, habang makararamdam naman ng panghihina sa mga pagkakataong dapat gising ang diwa.


5. ‘WAG MATULOG NANG GUTOM. Iwasang matulog nang walang laman ang tiyan. Kung wala sa mood o walang ganang kumain, sikaping magkonsumo man lang kahit isang baso ng gatas o anumang dairy products nang sa gayun ay mas maging maginhawa ang pakiramdam sa paggising.


6. HINDI DAPAT UMASA SA MEDICATION. Karamihan sa mga nightshift workers ay umaasa sa sleeping pills at iba pang sedatives para mag-adjust o madaling makatulog sa umaga, na siya namang hindi magandang ideya dahil ito ay mas makasisira sa ating sleep pattern. Tandaan na kailangan ng prescription o payo ng doktor bago mag-take anumang uri ng medikasyon.

Isa sa mga bagay na mahirap pero ‘required’ nating gawin ay ang ‘adjustments’ o pag-a-adjust — sa mga taong nakakasalamuha, sa pabagu-bagong panahon, sa environment o uri ng trabaho at maging ang lifestyle mismo. Pahalagahan ang trabaho, pero iprayoridad palagi ang sariling kapakanan. Okay?

 
 

ni Justine Daguno - @Life and Style | July 10, 2021



ree

Matibay na ngipin at mga buto ang benepisyong maidudulot ng tamang suplay ng calcium sa ating katawan. Ayon sa pag-aaral, 1,000 mg per day ang kinakailangan para sa mga adults habang 1,300 mg naman para sa mga edad 4 hanggang 18.


At upang makuha ang calcium requirement sa ating katawan, narito ang ilan sa mga source o pagkaing nagtataglay nito:

1. KESO. Ito ay nagtataglay ng malaking porsiyento ng calcium, kung saan mayroon itong 331 mg o 33% RDI per ouncesa 28 grams nito. Ang maganda pa nito, mas madaling naa-absorb ng katawan ang calcium mula sa dairy products kumpara sa ibang plant sources.


2. YOGURT. Isa pa ito sa mga ‘good source’ ng calcium. Ang one cup (245 grams) ng plain yogurt ay mayroong 30% RDI ng calcium. Bukod pa r’yan, ito rin ay nagtataglay ng phosphorus, potassium at Vitamins B2 at B12. Samantala, ang low-fat yogurt naman ay may mas mataas ang may calcium content, kung saan ito ay may 45% RDI sa isang cup (245 grams).


3. SARDINAS. Nagtataglay din ng calcium ang sardinas, partikular mga buto nito. Ang 3.75-ounce (92-gram) na lata ng sardinas ay may 35% of the RDI. Gayundin, ito ay nagtataglay ng high-quality protein at omega-3 fatty acids, na good naman sa puso, utak at kutis.


4. ALMONDS. Sa lahat ng uri ng nuts, ito ang may pinakanagtataglay ng calcium, kung saan sa isang ounce nito o 22 piraso, maaaring makakonsumo ng 8% ng RDI. Ang almonds ay nagtataglay din ng healthy fats, protein at 3 grams ng fiber kada ounce (28 grams). Good source rin ito ng magnesium, manganese at Vitamin E.


5. LEAFY GREENS. Ang madadahong gulay ay nagtataglay din ng calcium. Bukod pa r’yan, may minerals din ang mga ito kabilang ang collard greens, spinach at kale. Ang one cup (190 grams) ng collard greens ay may 266 mg — quarter amount ng calcium na kailangan ng ating katawan.


6. GATAS. Ito ang ‘da best at pinakamadaling mahanap na source ng calcium. Ang one cup (237 ml) ng cow’s milk ay nagtataglay ng 276-352 mg, depende na lamang kung ito ay whole o nonfat milk. Dagdag pa rito, good source rin ang gatas ng protein, Vitamin A at Vitamin D. Samantala, ang goat’s milk naman ay mayroong 327 mg per cup (237 ml).

Importante ang calcium sa katawan dahil malaking bahagi ng katawan ang nagagawa nitong maprotektahan mula sa mabilis na pagkasira. Bagama’t maraming food supplements, mas maganda pa rin ang epekto ng natural source nito. Gets mo?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page