top of page
Search

ni Justine Daguno - @Life and Style | March 1, 2021



ree


Bukod sa mura at oks na pamalit sa meat, knows n’yo ba na maraming mabuting benepisyo sa katawan ang tofu o tokwa? Ito ay mula sa soybean curd, na natural na gluten-free at mababa ang taglay na calories. Isa pa, wala rin itong kolesterol at good source rin ng iron at calcium.


Narito ang ilan sa mga sakit na maaaring maiwasan sa tamang pagkonsumo ng tofu:

  1. CARDIOVASCULAR DISEASE. Bagama’t walang pag-aaral na nakapagpapataas ito ng ‘good’ cholesterol, ang isoflavines mula sa tofu ay nakatutulong upang mapababa ang lebel ng ‘bad’ cholesterol.

  2. TYPE 2 DIABETES. Ang pasyenteng mayroong Type 2 diabetes ay madalas ding nakararanas ng kidney disease, dahilan kung kaya’t ang katawan ay nagpo-produce ng mataas na amonut ng protein sa ihi. Ayon sa pag-aaral, nababawasan ang protina sa katawan kung ang kinukonsumo ay soy protein kumpara sa protina na mula sa karne.

  3. OSTEOPOROSIS. Ang soy isoflavones ay nakatutulong upang mabawasan ang bone loss o pagkasira ng mga buto, sapagkat pinatataas nito ang mineral density ng mga buto, lalo na pagkatapos ng menopausal period.

  4. SINTOMAS NG MENOPAUSE. Ayon sa mga research, ang pagkonsumo ng soy products ay oks na pang-relieve ng mga sintomas ng menopause tulad ng hot flashes.

  5. AGE-RELATED BRAIN DISEASES. Base sa mga pag-aaral, ang pagkonsumo ng tofu ay nakatutulong upang maiwasan ang mga insidente ng age-related mental disorders. Ang soy isoflavones ay may malaking mabuting nagagawa sa nonverbal memory, verbal fluency at iba pa.

Tayong mga Pinoy ay likas na madiskarte, kaya hangga’t may alternatibo ay walang problema tulad ng paggamit ng tokwa bilang pamalit sa karne. Kaya naman, oks malaman na ang pagkaing ito ay marami naman palang benepisyo. Imagine, nakatipid ka na, healthy ka pa. Gets mo?

 
 

Kilalanin: Iba’t ibang tao na makikilala sa online dating app

ni Justine Daguno - @Life and Style | February 17, 2021


ree


Truly na sobrang accessible at advance ng teknolohiya sa kasalukuyan, ‘yung tipong lahat ay puwede nating magawa sa isang ‘click lang’, tulad ng magpa-deliver ng food, online shopping, mag-book ng hotel o staycation at marami pang iba.


Pero, hindi lang ‘yan ang ino-offer ng ‘digital time’ dahil sa isang ‘swipe left o right’ mo lang ay puwede na ring magkaroon ng ‘forever’ gamit ang mga dating app.


True ba? Well, bago ka pa mag-try niyan, heto ang ilan sa mga tipo ng tao na nami-meet natin sa mga online dating app na ito:

  1. “NETWORKER”. Sa sobrang nice nila, magiging interesado ka talaga dahil marami silang kuwento at ideya. Pero ang hindi mo alam ay idinadaan ka lang sa bola hanggang sa mahulog ang loob mo at mapabili ng kanilang produkto. Be aware dahil sila ay posibleng mga scammer!

  2. BAGETS. Sila ‘yung tipo na naglalagay ng legal age kahit menor-de-edad talaga. Karamihan sa kanila ay kabataan na nag-e-explore sa mundo ng dating app. Bago mag-initiate ng conversation, prangkahin sila kung totoo ang kanilang edad at ‘wag basta bumase sa hitsura.

  3. OLDIE. Kung may mga bagets na nagkalat sa dating apps, meron ding mga oldies. Sila ‘yung ang edad ay malapit na mawala o wala na talaga sa kalendaryo. Nagbabakasali silang sa dating app na mahahanap ang para sa kanila.

  4. PERV. Karamihan sa kanila ay straight to the point kung sabihin ang kanilang intensiyon. Rekta kung willing ka ba sa SOP (sex on phone) at DTF (down to fuck). At kapag tumaggi ka, auto ‘unmatch’ na bigla. Ganu’n lang ka-simple!

  5. COMMITTED. Sila ‘yung tipo na in a relationship na pero tambay sa mga dating app. Karamihan sa kanila ay hindi makuntento sa isa, pero meron din namang may consent ng partner na maghanap ng kakaibang thrill sa dating app. Kaya kung naghahanap ng seryoso at hindi komplikado, i-swipe left siya.

  6. FUNNY. Kung meron man interesting makausap o makakilala sa dating app, sila ay ‘yung mga funny people. Walang sayang na reply dahil nakakatawa at talagang mag-e-enjoy sa usapan. Karamihan sa kanila ay natural na nakakatawa kaya nakaka-attract pero bago tuluyang mahulog ang loob, linawin ang lahat para hindi ma-friend-zoned dahil ‘yun ang hindi nakakatawa.

  7. SADBOI/SADGIRL. Sila ‘yung mga nagkukuwento kung paano sila naghiwalay o niloko ng kanilang ex. Karamihan sa kanila ay naghahanap lang ng malalabasan ng sama ng loob, kausap o distraction pero may iba naman na gagawin ka lang rebound. Awts gege!

  8. “THE ONE”. Hindi lahat ng pumupunta sa mga dating apps ay naghahanap lang ‘panandaliang saya’ o ‘kalandian’, may ilan din na seryoso at pangmatagalan ang hinahanap na maaaring ikaw din ‘yun mismo.

Ngayon na parte na ng pang-araw-araw na pamumuhay ang internet at social media, walang masama o hindi nakakahiya ang pagta-try ng online dating apps. Normal na bagay na lang ito para ngayon upang makakilala ng iba’t ibang personalidad ng tao.

Pero paalala, nagkalat ang mga predators kaya mag-ingat palagi at ‘wag basta magtiwala. Gets mo?

 
 

ni Justine Daguno - @Life and Style | February 8, 2021


ree


Malaking bagay para sa karamihan ang pagkakaroon ng magandang buhok. ‘Yung tipong maglalaan talaga ng budget para sa mamahaling shampoo at conditioner na magme-maintain dito. Pero dahil hindi maiiwasan ang pagkasira dahil sa iba’t ibang dahilan, kailangan natin ng ‘extra effort’. Narito ang ilan sa mga puwede nating gawin upang mapanatiling healthy at shiny ang ating ‘crowning glory’:

  1. MAGPA-TRIM. Kapag masyadong dry ang buhok, madali itong magkaroon ng split ends, kaya upang maibalik ang freshness nito, siguraduhing regular ang pagpapa-trim. Ang madalas na pagpapagupit ay nakatutulong, hindi lamang para mabawasan ang damaged hair kundi para mapaganda pa ang tubo nito.

  2. MAG-VITAMINS. Ang pagte-take ng vitamins ay hindi lamang para mapanatiling malusog ang katawan, gayundin para gumanda ang buhok. Ang Vitamin A, Vitamin C, biotin (o kung tawagin ay Vitamin H), at mineral iron ay malaking tulong para mas maging healthy ang buhok.

  3. IWASAN ANG MADALAS NA PAGHUHUGAS O PAGSA-SHAMPOO BUHOK. Oks lang maghugas o mag-shampoo para maalis ang mga dirt o pawis nito pero hindi ito dapat ginagawa nang madalas dahil ang buhok ay mayroong natural oil na nagme-maintain para maging malusog ang bawat hibla nito. Kapag madalas ang pagsa-shampoo, hindi lamang dumi ang naaalis nito kundi maging ang natural oil nito, dahilan upang maging dry ang buhok.

  4. IWASAN ANG HEAT STYLING. Bagama’t magandang tingnan, madaling nada-damage ang buhok dahil sa madalas na pagpa-plantsa, pagku-curl at iba pang heat styling. Ito ay dahil kapag madalas nae-expose sa heat ag buhok, madali itong rumurupok at nasisira.

  5. GUMAMIT NG ESSENTIAL OILS. Popular ang paggamit ng Moroccan argan oil dahil isa ito sa mga epektib na pang-remedy sa dry at damaged na buhok. Ito ay may natural na sangkap na nakatutulong upang mapanatiling healthy ang ating hair. Gayunman, marami pang essential oils tulad ng peppermint oil at lavender oil, na para naman sa hair loss at pagkasira.

Hangga’t maaari ay panatilihin nating malusog ang ating buhok dahil malaki ang epekto nito sa confidence ng tao. Tamang disiplina at tiyaga lang ay siguradong maa-achieve rin natin ang maganda at healthy na ‘crowning beauty’. Okie?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page