top of page
Search

ni Justine Daguno - @Life and Style | March 10, 2021



ree


Literal na ‘masarap sa pakiramdam’ kapag regular nating nailalabas ang lahat ng toxins natin sa katawan — in short, regular ang pag-‘ebs’. Marami sa atin ang kasama na sa pang-araw-araw na gawain ang pagpunta sa C.R. para maglabas ng ‘sama ng loob’, masuwerte sila dahil healthy ‘yun. Pero para sa ilan na kahit ano’ng dami ng kain ay tila hirap pa rin pagdating sa ganyang routine, narito ang ilang tips para sa inyo:

  1. FIBRE ANG SAGOT. Ang fiber ay matatagpuan sa prutas, gulay, nuts, seeds at grains. Ang wholegrain bread, pasta at cereals ay mayaman din sa fiber. Kapag mataas ang konsumo natin sa mga nasabing pagkain, mas madaling nakakapag-function ang digestive system kaya’t hindi nahihirapan o nagiging maganda ang paglabas ng dumi.

  2. UMINOM NG MARAMING TUBIG. Kapag constipated, nagiging matigas ang poops. Kaya’t makabubuti na palaging uminom ng tubig — sikaping makainom ng walo hanggang 12 baso ng tubig araw-araw. Malaki ang naitutulong ng sapat na tubig sa katawan para maiwasan ang constipation o hirap sa pagdumi.

  3. MAGLAKAD-LAKAD. Ang kakulangan sa ehersisyo ay isa sa mga dahilan kung bakit hirap sa pagdumi ang tao. Kailangang regular na naigagalaw-galaw ang katawan nang sa gayun ay maiwasan ang constipation. Hindi kailangan ng heavy workout o pangmalakasang activities dahil ang simpleng paglakad-lakad ay maaaring maikonsidera bilang ehersisyo.

  4. PAKIRAMDAMAN ANG KATAWAN. Madalas, kapag nakararamdam ng ‘pagtawag ng kalikasan’ ay iniiwasan ito lalo na kapag nasa labas o hindi komportable sa lugar, gayundin kapag maraming ginagawa. Ito ay maling gawain sapagkat nakapagti-trigger ito ng constipation. Kung nakaramdam na nadudumi, ‘wag magdalawang-isip, gumawa ng paraan mailabas ito at hindi maipagpaliban.

  5. RELAKS LANG. ‘Ika nga, kapag ang isang bagay ay pinipilit, masakit. ‘Wag pilitin ang katawan sa pagdumi, dapat relax lang. ‘Wag masyadong ma-pressure dahil once na ipinilit ito, imbes na makabuti, almoranas o iba pang sakit lang ang mapapala mo.

Normal sa sistema ng tao ang pagbabawas, sa totoo lang ay mas regular, mas healthy. Tandaan na sa tamang lifestyle at sapat na pagkain ay magagawa natin ito nang natural. Gets mo?

 
 

ni Justine Daguno - @Life and Style | March 8, 2021



ree


Summer na ulit! Meaning, marami na naman ang kani-kanyang diskarte para maging ‘feeling fresh’ ngayong tag-init. At isa sa mga paborito natin d’yan ay ang pag-inom ng malalamig na inumin, kaya for sure ay milktea pa more na naman, mga beshy!


Pero knows n’yo ba na ang isa sa mga best seller flavor ng milktea na winter melon o kundol sa Tagalog ay napakarami palang health benefits? Truly, narito ang ilan sa magandang naidudulot nito sa atin:


PAMPALINAW NG PANINGIN. Ang winter melon ay nagtataglay ng mataas na lebel ng Vitamin B2 o riboflavin, bitamina na kailangan para mapanatili ang malinaw na paningin. Kung mapananatili ang sapat na Vitamin B2 sa ating sistema, maiiwasan ang iba’t ibang eye disorders.


PAMPALAKAS NG RESISTENSIYA. Kilala rin ang winter melon bilang ‘immune system booster’, kung saan sa kada serving nito ay sigurado na ang required na konsumo ng Vitamin C sa ating katawan. Bukod pa riyan, nakatutulong din ito para maiwasan ang mga free radicals. Gayundin, nagtataglay ito ng zinc, na isa pang bitamina na pampalakas ng resistensiya.


OKS SA DIGESTION. Ang winter melon ay isa sa mga good source ng dietary fiber. Importante ang fiber para mapaganda ang digestion at maiwasan ang mga gastrointestinal issues, tulad ng constipation, bloating, cramping, hemorrhoids, at iba pang sakit sa tiyan.


NATURAL NA PANG-DETOX. Sa traditional medicine, ang winter melon ay ginagamit bilang diuretic, kung saan nakatutulong para-detoxify ang katawan. Sa pag-ihi, natural na nailalabas ng katawan ang mga toxins, fats, asin, at iba pang unnecessary liquids. Lahat ng gulay na goods para sa detoxification ay nakatutulong para makapag-perform nang maayos ang atay at kidney.


PAMPABAWAS NG TIMBANG. Isa pa sa magandang nagagawa ng winter melon ay pampapayat. Bukod sa mataas ang fiber, napakababa rin ng calories nito. Sa pagkonsumo nito, madaling makararamdam ng pagkabusog kaya’t maiiwasan ang mga between-meal at overeating na isa sa mga dahilan kung bakit madaling nadaragdagan ang timbang.

Hindi lang masarap na flavor sa refreshing na inumin ang winter melon, kundi marami rin pala itong mabuting nagagawa sa ating katawan. Kaya naman next time na mag-o-order ng milktea, alam n'yo na?

 
 

Mani, pampababa ng timbang, panlaban sa heart attack at stroke!


ni Justine Daguno - @Life and Style | March 03, 2021



ree


Isa sa mga paboritong kutkutin nating mga Pinoy ay ang nuts o mani. Bukod sa pang-masa at mura lamang ay madali rin itong mahanap. Pero knows n’yo ba na oks din itong isama sa ating diyeta? Truly, dahil ang nuts ay nagtataglay ng iba’t ibang nutrients na good sa ating health, tulad ng mga sumusunod:


1. GOOD SOURCE NG ANTIOXIDANTS. Ang mani o nuts ay sagana sa antioxidants, partikular ang polyphenols, na siyang nakatutulong para maiwasan ang cell damage at iba pang skin diseases. Ayon pa sa mga pag-aaral, mas malaki ang kapasidad ng walnuts bilang panlaban sa free radicals kumpara sa isda na kilala rin bilang source ng nasabing nutrients.

2. PAMPABABA NG TIMBANG. Bagama’t itinuturing na ‘high-calorie food’ ang mani, oks pa rin ito para sa mga nagpapapayat. Ayon sa pag-aaral, ang tamang konsumo ng nuts, partikular ang almonds bilang pamalit sa rice o anumang carbs ay nakatutulong para ma-maintain ang tamang hubog o ‘fit’ ng katawan.


3. NAKAPAGPAPABABA NG CHOLESTEROL LEVEL AT TRIGLYCERIDES. Isa pa sa magandang nagagawa ng nuts ay nakatutulong ito para makontrol at mapanatiling mababa ang lebel ng cholesterol at triglyceride. Malaki ang nagagawa ng pistachios para mapababa ang lebel ng triglycerides ng mga obese at diabetic. Samantala, ang almonds at hazelnuts naman ay nakatutulong para mapataas ang lebel ng “good” HDL cholesterol habang pinabababa nito ang “bad” LDL cholesterol.

4. PANTANGGAL NG PAMAMAGA. Ang nuts o mani ay isa ring anti-inflammatory properties. Sa regular na pagkonsumo nito, nabibigyan ang ating katawan ng anti-inflammatory agents na siyang tutugon kapag may injury ang katawan. Sa ilang pag-aaral, ang pistachios, Brazil nuts, walnuts at almonds ay nakatutulong upang labanan ang inflammation para sa mga taong may diabetes at kidney disease.


5. PANLABAN SA HEART ATTACK AT STROKE. Truly na ‘good for the heart’ din ang mani. Nakatutulong ito upang malabanan ang iba’t ibang sakit sa puso, gayundin ang risk sa stroke sapagkat malaki ang nagagawa nito upang makontrol ang cholesterol levels ng ating katawan.

Likas sa ating mga Pinoy ang mahilig kumain, hindi lang ng regular meal kundi ‘yung pagpapak ng kung anu-ano habang nag-iisip, nag-aral, nanonood ng movies, etc. Well, wala namang masama r’yan, basta moderate at good ang kinokonsumo, hindi lang para sa trip kundi para rin sa health mo. Okie?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page