top of page
Search

ni Justine Daguno - @Life and Style | November 26, 2020


ree


Kaunting kembot na lang, Pasko na naman!


Ready or not ay tuloy na tuloy na talaga ang ‘most awaited’ season ng taon! Bagama’t kakaiba ang selebrasyon ngayong taon dahil sa epekto ng pandemya, sakuna at iba pang suliranin, wala namang masama kung pipiliin pa rin nating i-celebrate ito.


For sure, marami na ang na-e-excite sa bigayan ng mga regalo o exchange gift, pero ang tanong ay kung may naisip na ba kayo? Well, dahil waley pa namang 13th month pay at bonus, mas mabuting magplano na muna tayo, narito ang ilan sa mga holiday gift ideas ngayong 2020:

AESTHETIC DINNERWARE. Para sa mga friendship o kakilala ninyong ‘titas’ out there, paniguradong matutuwa silang makatanggap ng mga set of plates and bowls, kitchen tools, drink ware at iba pang aesthetic dinnerware na may magagandang kulay at design na pandagdag sa kanilang koleksiyon.

CUSTOMIZED ITEMS. Super oks din panregalo ang mga customized items like mugs, unan, ballpen, journal, calendar at iba pa. Bukod sa hindi hassle makahanap ng mga ganitong panregalo dahil sa mall o online ay kaliwa’t kanan na ito, for sure ay ‘feeling special’ din ang makakatanggap dahil personalized ang gift na kanyang matatanggap.

HOME PLANTS. Usung-uso ngayon ang mga ‘plantito’t plantitas’ kaya bongga ring Christmas gift ang home plants. Puwedeng mag-browse sa internet ng magagandang halaman. Pero siyempre, ‘wag kalimutan na bumili lamang sa mapagkakatiwalaang seller, puwede rin namang bumili sa mall, sa store mismo, o kahit sa mga kakilala para makakapagtanong ka na, sure ka pa sa legit ang pagbibilhan mo.

GIFT CERTIFICATES. Para sa mga walang time mag-isip o bumili at pumila-pila sa mall, at iba pang pamilihan, keri na sa inyo ang mga gift certificates. Bahala na ang pagbibigyan ninyo kung ano’ng items na bibilhin niya. Oks din ito para maiwasan ang pagbili ng mga produktong mali ang sizes, designs at iba pa.

SCENTED CANDLES. Good din na pang-Christmas gift ang scented candle. Super nakaka-relax ito, kaya for sure maraming matutuwa na makatanggap nito, lalo pa’t marami sa atin ang struggle o stress dahil sa dami ng mga pangyayaring hindi naman natin gusto. Puwedeng mamili ng scent na perfect sa ating mood, mula sa zesty fruit scents hanggang sa classic fragrances.

BAKED GOODS. Marami sa atin ang naka-discover ng skills o talents sa baking ngayong quarantine. Kung panregalo lamang din ang pag-uusapan, okay na ang mga baked goods na gawa mo mismo, bukod sa makakatipid ka na, ma-appreciate talaga nila ‘yan dahil obvious na ini-express mo na ang iyong ‘love and effort’.

Well, kahit walang Christmas party o bonggang ‘happy-happy’ dahil bawal pa, keri pa rin naman gawing espesyal ang okasyong ito. Pero tandaan na ang Pasko ay hindi lamang tungkol sa mga regalo, ang tunay na diwa nito ay masayang pakiramdam kasama ang pamilya, kaibigan at iba pang mahal sa buhay. Okie!

 
 

ni Justine Daguno - @Life and Style | November 21, 2020


ree


Bagama’t hindi katanggap-tanggap, ang “bullying” ay madalas hindi natatapos sa school, dahil ang masaklap ay hanggang sa corporate world ay nagpapatuloy pa rin ito.


Maaaring puwede natin itong madedma, pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagagawa natin ito. Ano nga ba ang mga dapat nating gawin upang ma-deal ang bullying na nangyayari sa opisina?

  1. INTINDIHIN NA ‘DI MO ITO KASALANAN. Madalas, kaya target sa ‘bullying’ ang tao ay dahil masyado niyang tinatanggap ang mga salitang ipinupukol sa kanya. Oo lang ito nang oo o ‘di kaya ay tinatawanan lang ang pang-aasar sa kanya, kaya inaakala ng iba na okay lang na gawin ‘yun hanggang sa umabot na ito sa malalang sitwasyon ng pambu-bully. Walang problema sa pakikipag-asaran pero dapat alamin ang iyong limitasyon.

  2. MAKIPAG-USAP SA HR. Isa sa mga purpose ng HR ay ang panatilihing may ‘harmonious relationship’ ang bawat empleyado sa kumpanya, kaya ‘wag matakot magsalita o makipag-usap sa inyong HR kapag sa tingin mo ay lumalala na ang nangyayaring ‘pambu-bully’ o hindi na komportable sa sitwasyon.

  3. MAGKAROON NG DISTANSIYA. Pinakamadaling paraan upang ma-solve ang bullying ay ilayo ang sarili sa source o sa mga taong nagpapasimula nito. Maaaring magpalipat sa ibang departamento o ibang posisyon. Ang ‘peace of mind’ ay hindi kusang ibinibigay ng ibang tao sa atin kundi tayo ang gagawa ng paraan upang magkaroon nito.

  4. HUMINGI NG TULONG SA MGA SUPPORT GROUPS. May mga problema na puwedeng ma-solve nang mag-isa, pero meron din namang kailangang i-share sa iba. Maraming support groups ngayon, mula man sa social media o personal counsel ang puwedeng lapitan o hingan ng tulong tungkol sa ganitong sitwasyon. ‘Wag basta harapin ang problema nang hindi pinag-iisipan, kung puwedeng humingi ng payo sa iba, walang masama kung gagawin ito.

  5. ALAMIN KUNG KAILANGAN NG LEGAL ACTION. Kung below the belt o may sexual harassment na nangyayari, ‘wag magdalawang-isip na humingi ng tulong sa mga eksperto sa batas. Lahat tayo ay may karapatan, ‘wag hayaan maging limitado dahil sa mga ‘bully’ na ito.

‘Ika nga, kapag hinayaan mo ang isang bagay na magpatuloy, walang mangyayaring anumang pagbabago, kahit pa hindi mo naman talaga ito gusto. Lahat ng bagay sa ating sarili ay may limitasyon, alamin kung hanggang saan lamang dapat puwedeng manghimasok ang ibang tao. Sa lahat ng pagkataon, ‘wag kalimutan na ang ‘bullying’ ay mali—biktima man o hindi ay ‘wag itong i-tolerate. Gets mo?

 
 

ni Justine Daguno - @Life and Style | November 19, 2020


ree


Natural sa tao ang pagiging emosyunal pero may mga sitwasyon na kailangan natin itong pigilan o makontrol—tulad kapag tayo ay nagagalit. Minsan, kailangan nating magpigil ng sarili upang matapos o hindi na lumala pa ang sitwasyon.


Well, sa madalas feeling ‘angry bird’ d’yan, maaaring subukan ang ilan sa ating mga simpleng tricks upang madaling makapagpalamig sa kasagsagan ng mainit na sitwasyon:

1. I-DISTRACT ANG SARILI. ‘Wag magpakalunod sa sitwasyon, kung ang mainit na pag-uusap ay parang wala namang sense, umalis sandali upang uminom ng tubig o gumawa ng anumang bagay na makapagdi-distract pansamantala sa sarili nang sa gayun ay magkaroon ng pagkakataon ang utak na kumalma sandali.


2. HUMINGA NANG MALALIM. Ito ang isa sa mga pinakaepektibong paraan upang makontrol ang galit na nararamdaman. Kapag galit ang tao, ang katawan ay nagiging tensiyunado, kaya naman ang paghinga nang malalim ay malaking tulong upang maging kalmado. Nangangailangan ng sapat na hangin ang utak nang sa gayun ay makadaloy nang maayos ang dugo na siyang resulta upang bumaba ang anger meter.


3. MAGLAKAD-LAKAD. Ang paglalakad-lakad ay oks na diskarte upang makontrol ang galit. Kapag tumataas ang nararamdamang tensiyon, epektib na pampakalma ang limang minutong walking. Gawin ito nang sa gayun ay magkaroon ng panahon upang makapag-isip-isip para masolusyunan kung meron mang problema.


4. MAG-STRETCHING. Nakakatulong ang pag-eehersisyo sa tao na mapababa ang antas o level ng galit at iba pang negatibong damdamin. Sikaping magkaroon ng sapat na ehersisyo o kahit stretching lamang. Ang ganitong aktibidad ay maaaring magamit sa pangmatagalang anger management.

Bagama’t normal ang ganitong damdamin, hindi nangangahulugang dapat na itong pinagbibigyan sa lahat ng pagkakataon. Tandaan na anumang emosyon ay valid—pero may mga pagkakataong kailangan natin ng self-control. Hangga’t maaari ay ‘wag masyadong pagpadala sa galit para iwas-hassle na, iwas-stress pa. Okie?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page