top of page
Search

ni Justine Daguno - @Life and Style | December 26, 2020


ree


Kumusta naman ang Pasko ninyo?


Tunay na kay tulin ng araw, akalain mo’t ganu’n lang kabilis lumipas ang Pasko na matagal na panahong pinag-ipunan, pinagkaabalahan at pinaghandaan ng marami sa atin sa kabila ng pandemya na ating kasalukuyang nararanasan.


May ilan na pinaghandaan talaga ang okasyon, pero meron din namang sakto lang, ‘yung tipong tama na ang simpleng abutan ng regalo at kaunting salu-salo.


At ngayong lumipas na nga ang Pasko, ang tanong ay “ano na”?


Well, narito ang ilan sa mga bagay na dapat nating gawin ‘after Christmas’:

  1. MAGLIGPIT AGAD. Kung bongga ang naging Pasko ng inyong pamilya, for sure ay maraming dapat linisin o ligpitin kinabukasan. Kung meron mang mga nasira o nawala ay ayusin o palitan agad kung may extra budget naman. ‘Wag na paabutin sa New Year ang mga kalat, linisin na agad ang mga ito.

  2. MAG-UPDATE. Kung busy ang araw n’yo kahapon, kaya maraming nakalimutang batiin ng ‘Merry Christmas’, wala namang problema kung kinabukasan na ito gagawin. I-update rin ang mga kamag-anak, kaibigan o sinumang mahal ninyo sa buhay na nasa malayong lugar. Make sure na maka-kumusta man lang sila.

  3. ITABI NANG MAAYOS ANG HANDA. Paniguradong marami sa atin ang may natira o hindi nakaubos nang handa noong Noche Buena. Ngayong may time na, siguraduhing itatabi nang maayos ang mga natirang handa nang sa gayun ay hindi masira o masayang. Tandaan, bawat sentimo ngayon ay mahala kaya ‘wag tayong magsasayang.

  4. HUMINGA MUNA. Siyempre, pagkatapos ng Pasko, Bagong Taon naman ang ating sasalubungin at paghahandaan. Mahalagang huminga muna sandali bago muling sumabak sa mga dapat gawin. ‘Wag maging harsh sa sarili na magpakapagod dahil may ilang araw pa naman para gawin ito.

Sana ay nairaos natin nang maayos, walang problema at puno ng pag-asa ang Pasko. Magpatuloy sana ang pag-asa na ito hanggang sa pagharap natin sa susunod na taon, kung saan tayo babawi ng lakas at bagong pananaw. Hindi man naging madali, ‘wag natin kalimutang magpasalamat sa lahat ng biyaya na ating natanggap. Okay?

 
 

ni Justine Daguno - @Life and Style | December 24, 2020


ree


Hindi naging madali para sa bawat isa ang kasalukuyang taon, kung saan kaliwa’t kanang dumating ang mga hindi inaasahang pangyayari na talagang sumubok sa ating katatagan.


Panigurado, marami sa atin ang nakararanas ng not-so-merry emotions ngayong holiday season, na ayon sa mga eksperto ay hindi malabong mangyari.


Well, anu-ano nga ba ang mga paraan o “little ways” upang mapangalagaan ang sarili at hindi malugmok ngayong holiday season?


1. MAGKAROON NG MALASAKIT SA SARILI. Marami tayong puwedeng makausap tungkol sa ating problema. Mayroon tayong mga kaibigan, pamilya o sinumang mahal sa buhay ang puwedeng magmalasakit sa atin. Pero iba pa rin kapag ikaw mismo ang gumagawa nito sa iyong sarili. Magkaroon ng malasakit sa sarili, iwasan o ‘wag hayaang manatili sa anumang bagay na nakakapagpabigat ng iyong kalooban.


2. ‘WAG KALIMUTAN ANG “QUALITY SELF-CARE”. Bawat isa ay may kani-kanyang paraan ng pag-aalaga sa sarili. Marahil, ito ay pagbili ng mga bagay na kailangan o matagal nang gusto, pagpunta sa mga lugar kung saan meron tayong ‘peace of mind’ o ‘yung simpleng pagkain ng mga paborito mong pagkain. Ngayong Kapaskuhan, hindi kalabisan na bigyang-pansin ang sariling kapakanan.


3. BONDING TIME KASAMA ANG MGA MAHAL SA BUHAY. Iba’t ibang emosyon ang naranasan natin ngayong taon, may pagkakataong akala natin oks na, tapos hindi pa pala. Isa sa mga paraan upang maiwasan ito ay ang i-distract ang sarili sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ‘bonding moments’ kasama ang mga mahal sa buhay. Bukod sa pansamantalang malilibang at mapapasaya ang sarili, sobrang oks nito dahil paniguradong makapagpapasaya rin tayo ng iba.


4. HUWAG MASYADONG MAG-EXPECT. Isa sa mga dahilan kung bakit tayo mas nahihirapan sa krisis na ating nararanasan ay dahil masyado tayong nag-e-expect na malayo naman sa reyalidad. Walang masamang umasa sa mga bagay-bagay, pero lahat ay may limitasyon, siguraduhing ang expectations ay malapit ito sa katotohanan.


5. MAG-SET NG BOUNDARIES. Kung meron mang higit na nakakakilala sa atin, walang iba kundi tayo rin mismo. Makatutulong ang pagkakaroon ng boundaries upang makontrol ang expectations. Alamin kung hanggang saan lang dapat ang ibigay at gawin, ‘wag puwersahin ang mga bagay dahil hindi madaling i-handle ang mga disappointments sa buhay.


‘Ika nga, tayo ay humaharap sa ‘most trying’ year, kaya’t normal lang mapagod o magkaroon ng hindi magandang pakiramdam. Pero tandaan na ang Pasko at Bagong Taon ay hindi lamang basta okasyon na may maraming pagkain at happy-happy, sumisimbolo rin ito sa ‘pag-asa’ na sobrang kailangan ng bawat isa. Merry Christmas and Happy New Year, mga ka-BULGAR!

 
 

ni Justine Daguno - @Life and Style | December 20, 2020


ree


Kabuhayan ang isa sa mga pinakaapektado ng pandemya na nararanasan natin sa kasalukuyan. Sa dami ng nagsaradong negosyo, hindi mabilang na empleyado ang nawalan ng pagkakakitaan. Kaya ‘fresh grad’ man o beterano ay nag-aagawan sa bakanteng posisyon, maka-survive lamang.


At kung meron mang in-demand na trabaho ngayon na hindi rin gaanong nangangailangan ng experience o tamang skills lang ang required, paniguradong online job ‘yan.


Narito ang ilan sa mga online jobs na puwede ninyong subukan o apply-an:

  1. Data entry specialist. Ito ay typing job kung saan kailangang mag-input ng data sa system ng kumpanya o ng iyong kliyente. Ang uri ng impormasyon ay maaaring personal data o company reports. Bagama’t hindi kalakihan ang suweldo o ‘sakto lang’, kung masipag o magiging matiyaga sa paghahanap ng kliyente ay paniguradong malaki-laki ang kikitain mo.

  2. transcriptionist. Kung ikaw ‘yung tipong matalas ang pandinig, mabilis at accurate ang typing skills, good sa ‘yo ito. Sa trabahong ito, ikaw ay makikinig ng voice recording at isasalin ito bilang written documents. Kung nais mo itong subukan habang nag-a-apply ay i-practice na ang iyong typing at listening skills.

  3. Home based customer support. Kung kabilang ka naman sa mga may experience na sa business process outsourcing (BPO), madali o may advantage ka sa trabahong ito. Pero open o nagbibigay din sila ng chance sa mga wala pang experience o bago lamang sa ganitong industriya. Kung confident sa iyong English communication skills at tingin mo ay kayang-kaya mong magbigay ng solusyon sa katanungan, reklamo at concerns ng customers, try mo na ito.

  4. Online English teacher. In-demand din ngayon ang English tutor bilang online job. Bukod sa home based kaya safe sa COVID-19 at communication skills lamang ang puhunan ay malaki ang kita rito. Sa ibang pagkakataon, kailangan lamang aralin ang curriculum at lesson materials ng iyong kumpanya at sila na ang bahala na magbigay sa ‘yo ng kliyente.

  5. Virtual assistant. Isa pang oks na home based online job ang virtual assistant. Ang mga serbisyo nito ay may kinalaman sa emails, customer service support, blog management, social media management, at iba pang administrative tasks tulad ng pag-o-organize o pagse-set ng schedule at appointments ng mga kliyente. Karamihan sa mga employers nito ay hindi nagre-require ng college degree, pero dapat aprub ang iyong written at oral communication skills.

  6. Social media manager. Kung madalas o part ng iyong daily routine ang social media, puwedeng-puwede kang mag-apply sa trabahong ito. Bilang social media manager, ikaw ang in-charge sa social channels ng kumpanya o kliyente. Ito ‘yung tagagawa ng content at nagma-manage sa mga social media interactions kabilang na ang pagmo-monitor ng likes, comments at iba pa.

  7. Content writer. Kung mahilig naman sa pagsusulat at good din ang iyong research skills, puwede itong apply-an kahit wala pang experience dahil madali lamang itong matutunan, basta’t palagi in o hindi nahuhuli sa kung anuman ang trending. Ang main task nito ay mag-manage ng content para business o online platform ng kumpanya. Maaaring ito ay articles, e-books, scripts, product descriptions, at social media copies.

Ngayong pahirapan ang paghahanap ng trabaho, dapat maging flexible tayo sa kung ano ang in-demand o available. Kung nakikita ang mga nasabing online job bilang ‘opportunity’ ay sunggaban na dahil ‘ika nga ay minsan lang ito dumating. Tandaan na ang pagsabak sa trabaho ay wala naman sa ‘experience’ at educational attainment, kundi sa galing, diskarte at tiwala sa sarili. Good luck!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page