top of page
Search

ni Justine Daguno - @Life and Style | January 18, 2021


ree


Isa sa mga bagay na hindi natin mapipigilan sa buhay ay ang pagtanda. Tulad ng panahon, mabilis itong nangyayari na halos hindi natin namamalayan.


Pero kahit pa natural itong bahagi ng ating sistema o hindi maiiwasan, meron naman tayong puwedeng gawin para mapabagal o hindi agad ito maramdaman.


Anu-ano nga ba ang mga dapat gawin?

PANATILIHING MALUSOG ANG PAG-IISIP. Ang average brain ay lumiliit ng humigit-kumulang limang porsiyento bawat dekada pagtuntong ng edad na 40, pero maaari itong maiwasan sa pamamagitan ng aerobic exercises. Kapag nag-e-ehersisyo tayo, nagpo-produce ang utak ng kemikal na tinatawag na brain-derived neurotrophic factor (BDNF), na nakatutulong upang maiwasan ang pagkapurol ng utak o pagiging malilimutin na karaniwang sakit ng matatanda. Kapag malusog ang pag-iisip, nagiging healthy at looking young din ang ating katawan. Ang ilan sa mga eherisyo na puwedeng gawin ay pagba-bike, walking, pagtakbo sa treadmill at iba pa.

MAGKONSUMO NG ANTI-AGING FOOD. Knows n’yo ba na may mga tinatawag na ‘anti-aging food’? Tulad ng mushrooms na isa sa mga potential anti-aging food dahil ito ay mayaman sa antioxidants na sikreto para “magmukha tayong mas bata” kaysa sa tunay nating edad. Gayundin, ang mga uri ng berry, tulad ng blueberries na nakatutulong para malabanan ang banta ng Alzheimer’s disease.

IWASAN ANG ‘NEGATIVITY’. ‘Ika nga, dapat ‘happy thoughts’ lang ang ating pinagkakaabalahan. Totoo na may malaking epekto ang mentalidad ng tao sa physical appearance nito. Ang mga dark thoughts o negative attitude ay literal na nagdudulot ng stress, na isa sa mga nakapagti-trigger kaya naha-haggard o nawawala ang freshness ng tao. Hangga’t maaari ay iwasan ang mga puwedeng dahilan ng stress — ideya, bagay o tao man ‘yan.

MAG-TAKE NG VITAMINS. Bukod sa balanced diet, pag-inom ng maraming tubig at pagkakaroon ng sapat na tulog, ang pagte-take ng vitamins ay malaking tulong din para maiwasan ang mabilis na pagtanda. Ilan sa mga bitamina na kailangan ng katawan ay Vitamins C at E, gayundin ang antioxidants. Hindi lamang “looking young” ang maidudulot nito kundi malakas na immune system.

BAWASAN ANG CARBS AT SUGAR. Muli, mahalagang bantayan ang mga kinokonsumo, lalo na kapag nagkakaedad na. Ang sobrang pagkonsumo ng carbs at asukal ay hindi maganda sa kalusugan, lalo na sa pagtanda. Isa ang mga ito sa mga dahilan ng iba’t ibang sakit. Gayundin, ang mga ito ay may malaking epekto sa ating mood. Hindi masamang magkonsumo ng mga ito pero dapat balanse o sapat lamang.

Aminin man natin o hindi, marami sa atin ang hindi tanggap o hindi pa ready sa tuluyang pagtanda dahil nalilimitahan nito ang mga bagay na gusto natin gawin. Well, oks lang naman madagdagan ang edad, gawin na lamang itong makabuluhan nang sa gayun ay masulit natin ito nang husto. Gets mo?

 
 

ni Justine Daguno - @Life and Style | January 11, 2021


ree


2021 na!


Tila sa isang iglap, natapos na nga ang 2020 — ang taong tunay na nagbigay sa atin ng halo-halong emosyon. Pero sa kabila ng bilis ng panahon, paniguradong lahat tayo ay hindi makakalimot sa katatapos lamang na taon.


Sunud-sunod ang mga pagsubok, pero dahil likas tayong matatag ay nalampasan natin ito na may pag-asa. ‘Ika nga, move forward na tayo, sa pagtatapos ng taon, may pagkakataon tayong magsimula. Kaya naman, narito ang ilan sa mga bagay na dapat nating i-look forward ngayong 2021:

  1. MAKABISITA SA MGA KAMAG-ANAK. Dahil sa kasalukuyang pandemya, maraming na-cancel na reunion na madalas mangyari tuwing holiday season. Kani-kanyang handa o salo-salo muna dahil iniiwasan ang malakihang pagtitipon. Kaya naman, kaunting tiis muna, once na matapos na ang pandemya ay puwede na ulit tayo mag-get-together ng ating kamag-anak.

  2. MAKAKAIN SA PABORITONG RESTORAN. Kahit pa marunong o may alam tayo sa pagluluto, marami sa atin ang nakaka-miss sa mga pagkain mula sa paboritong restoran. Sa ngayon, magluto na lang muna ng sariling version, umasa tayong sa mga susunod na pagkakataon ay ‘yung mismong favorite menu mula sa favorite resto mo na ‘yan kakainin.

  3. MANOOD NG SINE. Kahit puwede naman tayong manood ng mga movies sa kani-kanyang gadget, iba pa rin kapag nasa sinehan. Sa ngayon ay alternatibo pa lamang para makapanood ng mga bagong pelikula, asahan natin sa mga susunod na pagkakataon ay nasa mismong sinehan at nagba-bonding na tayo kasama ang ating mga mahal sa buhay.

  4. UM-ATTEND NG CONCERT. Sino ba naman ang hindi nae-excite maka-attend ng concert na hindi thru virtual, ‘di ba? Siyempre, iba talaga ang feels kapag personal nating nakikita ang ating favorite artist. Sakaling mapaluwag na ang quarantines, marahil ay mapayagan na rin ang mga concerts at isa ito sa mga dapat nating abangan.

  5. MAG-OUT OF TOWN. Sa tagal ng lockdown, paniguradong marami sa atin ang excited na talagang makapamasyal. Well, kailangan natin ‘yun dahil hindi biro ang stress na ating naranasan sa tagal ng panahon na nasa bahay lang. Pero sa ngayon na bawal pa talagang lumabas kung hindi kailangan, sumunod muna tayo at paghandaan o pagplanuhan na lang muna ang out of town trip para kapag oks na talaga ay lalarga na lang.


Ilan lamang ‘yan sa mga dapat nating i-look forward ngayong 2021. Well, hindi lang naman ito basta pagkakataon na makapaglamyerda kundi ‘pag-asa’ rin na bagama’t may pandemya ay hindi rito natatapos ang lahat. Sa lalong madaling panahon ay magbabalik din sa ‘tunay na normal’ ang lahat.

 
 

ni Justine Daguno - @Life and Style | December 31, 2020


ree


May New Year’s resolution ka na ba? O, may balak ka pa bang gumawa?


Totoong sinubok tayong lahat ng kasalukuyang taon kung saan halos kada buwan ay may hindi magandang pangyayari — pandemya, sakuna, pagkawala ng miyembro ng pamilya o mahal sa buhay at iba pang problema.


Pero sa kabila nito, marami pa rin sa atin ang umasa o naniniwalang makababawi tayo sa susunod na taon. Kaya naman, para ‘makabawi’, anu-ano nga ba ang mga puwede nating gawing “New Year’s resolution” sa 2021?

  1. SIMULAN ANG PAG-IIPON. Napatunayan natin sa kasalukuyang krisis ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ipon o ‘yung mayroong extra money bukod pa sa suweldo na hinihintay mo kada cutoff ninyo. Sobrang importante na meron tayong perang naitatabi dahil sa ayaw at gusto natin ay dumarating talaga ang mga pagkakataon na kailangang-kailangan natin ng pera.

  2. LUMAYO SA MGA TOXIC NA TAO. ‘Wag sayangin ang oras sa mga taong wala namang ibang ambag sa buhay mo kundi stress. Kaibigan man sa personal o sa social media, katrabaho, miyembro ng pamilya man o kamag-anak, kung sama ng loob lang ang kayang ibigay sa ‘yo, aba’y iwasan o lubayan na ang mga ‘yan.

  3. MAG-FOCUS SA MGA BLESSINGS. Maliit o malaki man ang natanggap na biyaya ay ‘wag itong kalimutang i-appreciate o pasalamatan. Mas oks na maging thankful kaysa pala-reklamo dahil ‘ika nga nila, ang mga taong appreciative ay mas pinagpapala pa.

  4. ‘WAG MAKIPAG-TSISMISAN. Oks lang makipag-socialize o makipagkuwentuhan pero kapag nasa punto na kayo na pati buhay ng may buhay ay pinakikialaman o pinanghihimasukan ay mali na ‘yun. Imbes na makipag-tsismisan sa susunod na taon, bakit hindi na lang mag-focus sa sariling buhay kung paano ito mas mai-improve o mas mapapabuti pa?

  5. BAWASAN ANG BISYO. Hangga’t maaari ay bawasan ang paninigarilyo, pag-inom ng alak at iba pang bagay na nagdudulot lamang ng panandaliang saya at pagkatapos ay malaking problema na. Kung makakayanang iwasan ay ‘yun ang gawin pero kung hindi magiging madali ay bawasan na lang muna kahit paunti-unti.

Kasabay ng pagpapalit ng taon, lahat tayo ay mag-move forward na. ‘Ika nga, ‘wag hayaang maiwan sa mga bagay na wala namang magandang naidudulot sa atin. ‘Wag lang sana taon ang magbago kundi maging ang ating pananaw na makatutulong upang mas maging better tayo ngayon at sa mga susunod na pagkakataon. Manigong Bagong Taon, mga ka-BULGAR!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page