top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 3, 2024



Showbiz News

    

Dumagsa ang celebrities na nag-file ng Certificate of Candidacy (COC) sa mga Comelec centers nationwide simula nu’ng Lunes.


Ilan sa kanila ay sina Cong. Arjo Atayde, Councilor Alfred Vargas, It’s Showtime (IS) host na si Benigno “Ion” Dungo Perez na asawa ni Vice Ganda, social media personalities Rosmar Tan-Pamulaklakin at ang Pares Queen at FPJ’s Batang Quiapo (BQ) star na si Diwata. At pati na rin ang mga aktor na sina Marco Gumabao at Enzo Pineda, join din. 


Tatakbo bilang councilor sa kanilang distrito sina Enzo, Ion at Rosmar. 


Ion is eyeing for councillor sa Concepcion, Tarlac sa ilalim ng partido ng Nationalist People’s Coalition under Tarlac Gov. Susan Yap.


Si Enzo naman, sa ika-limang distrito sa Kyusi balak manilbihan bilang konsehal. 

Pangalawang term naman ang isini-seek ni Alfred bilang konsehal din sa 5th District ng Kyusi. So, puwedeng magkasama sa isang council sina Enzo at Alfred.


Habang si Rosmar naman ay sa distrito sa Maynila piniling magserbisyo-publiko. This is her second attempt na pumasok sa pulitika, sabi nga ng sikat na kanta sa TikTok ngayon, ‘Maybe This Time’ ay manalo na si Rosmar. 


Pahayag ni Rosmar sa isang interbyu, “Nagkataon lang na ngayon nakumbinse nila ako dahil sabi, mas marami raw akong matutulungan kapag nakaposisyon. ‘Yun ang nagpaoo sa ‘kin.”


Una siyang tumakbo bilang konsehala sa fourth district ng Manila noong 2022, pero nasa 20th na posisyon siya bumagsak. 


Among them, si Rosmar ang nakausap namin recently and asked about her political plans since left and right ang ginagawa niyang pagtulong sa ating mga kababayan.

Kuwento niya sa amin, “Ano po, nu’ng unang beses na tumakbo po ako bilang konsehal, ‘di po ako nakapagkampanya noon kahit isang beses.


“Kasi, sabihin na natin na parang pinilit lang talaga ako noon. Kaso parang ako ‘yung nakikita nila, napupusuan nila, na simula po kasi nu’ng 10 years old ako, tumutulong na po ako sa mga tao.


“As in, dumating na ang panahon na said na said na ang pera ko (sa katutulong) at P20,000 thousand na lang ang natira nu’ng pandemic, parang ako na ‘yung naubusan. Kaya naisip po nila na saktung-sakto na pumasok ako sa pulitika. Pero tumutulong po talaga ako na hindi dahil gusto kong tumakbo or what.


“So, pinilit-pilit po nila ako noon. Eh, buntis po ako, hindi ako nakapagkampanya. Pero, muntik na po akong lumusot nu’n that time.”


At heto nga, nakumbinse na rin finally si Rosmar na sumubok ulit na tumakbo. Sana naman, huwag kalimutan si Rosmar Tan ng mga taga-Tondo na pinakain niya ng lechon nitong nakaraang mga buwan.


Sumikat dahil sa Pares Overload… 

DIWATA, TUMAKBONG PARTYLIST REP. PARA SA MGA TINDERO


Diwata Pares Overload - PTV

Kung lechon ang ipinakain ni Rosmar Tan-Pamulaklakin, magpapasiklab kaya si Diwata ng kanyang “pares” sa pagtakbo sa 2025 election bilang member ng Vendors Partylist para sa Kongreso? 


Isa si Diwata sa mga nagsumite ng kanyang COC kasama ang iba pang members ng kanilang partido na binubuo ng street at wet market vendors.


Ang tunay na pangalan ni Diwata ay Deo Balbuena at tatakbo siya bilang 4th nominee ng Vendors Partylist. Sa pagkakaalam namin, this is not the first time na nagbuo si Diwata ng kanyang partylist. 


Just in case na manalo ang Vendors Partylist ni Diwata, may nagsabi na baka magkaroon na ng “unli pares” sa Kongreso.


Sey ni Diwata sa isang interbyu, “Ay, bakit hindi? Kung gusto nila, mag-a-unli rice tayo at free softdrinks pa.”


Anyway, ang mga kasama pa ni Diwata sa Vendors Partylist ay sina Malu Lipana and Lorenz Pesigan na nag-file ng kanilang COC kahapon.


Inihayag din ni Diwata sa interbyu ang kanyang intensiyon sa pagtakbo, “Magtatayo (tayo) ng kooperatiba, kung saan hindi mahihirapan lumapit ang maninindang Pilipino.

‘Yung mga walang puwesto, tutulungan naming makakuha na abot sa kanilang makakaya.”

In case na manalo nga si Diwata, sana ay matupad ito.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 2, 2024



Showbiz News

    

Binatikos si Dr. Willie Ong pagkatapos magpahayag ng kanyang pagtakbong muli sa susunod na halalan. 


Unang sumubok sa pulitika si Doc Willie nu’ng naging running mate siya as vice-president ni former Manila Mayor Isko Moreno last presidential elections. 


This time, tatakbo raw si Doc Willie sa pagka-senador sa kabila ng pagsasapubliko ng kanyang karamdaman. 


May mga nag-react sa announcement niya na sasali siya sa senatorial race next election. Pagkatapos makakuha ng simpatya dahil sa pinagdaanang sakit, tila nawalan naman ng gana ang ibang mga netizens kay Doc Willie sa kanyang intensiyon na subukang pasukin muli ang pulitika.


Pinalagan ng mga netizens ang pagtakbo niya this coming election, hindi dahil sa health issues niya, kundi ang matapang na statement niyang lahat ng politicians ay corrupt. 


And then now, join din daw siya sa bandwagon. 


Sey ng isang netizen, “Doc Willie Ong: madumi ang pulitika. 


“Also Doc Willie: “Tatakbo po ako sa Senado.” Dazurv (deserve) ang sakit sa trew (true) lungs.”

Sey pa ng ibang mga netizens:


“I understand his frustration to help and provide the medical needs of many Filipinos, however, he is also fighting for his life, dapat lang na i-priority n’ya ang sarili n’ya or else, madadali buhay n’ya if sumawsaw ulit s’ya sa PH politics.”


“Ayaw pa mag-rest? Why? Bakit may mga tao na gustung-gusto ma-stress?”

Pero marami pa rin ang nagdepensa kay Doc Willie.


“People talaga, walang manners online! Matapang kasi naka-anonymous. No one deserves to be terminally ill, gaano ka kasama to even think about this?”


“His heart and love for the Filipino is pure kaya gustung-gusto niyang mapagsilbihan lalo ang mahihirap. Sobrang foul ng deserve ang magkasakit!”


“Nobody deserves that kind of disease but I think kailangan na n’ya ikalma ang sarili n’ya at umiwas na sa stress.”

Agree.



NAKA-ISANG taon na ang adbokasiya ni King of Talk Boy Abunda na ine-encourage ang lahat na gumawa ng mabuti kahit isa lang sa araw-araw. 


Naka-post sa Facebook (FB) ang reel ng pagse-celebrate ni Kuya Boy ng unang taon ng kanyang “Just One, Isa Lang” movement kahapon.


Caption sa FB reel ng ‘Just One, Isa Lang,’ “One year ago, we started a movement to change the world, one good deed at a time. 


“Thank you for joining us in making a difference every day with ‘Just One, Isa Lang’. Together, we’ve seen how one small act of kindness can create a ripple of positivity.

“Let’s keep it going – one good thing a day, every day!”


Makikita sa video ang malalaking artista na umanib sa movement ni Kuya Boy. Kasama sa reel ang video ng mga artistang nag-share ng kanilang simple act of kindness gaya nina Anne Curtis, Alden Richards, Buboy Villar at ang It’s Showtime host na si Amy Perez.


Sey ng voice over ni Kuya Boy sa ending ng FB reel niya, “One year ago we started something simple but powerful, ‘Just One’ Isa Lang.’ One good thing a day and make this world a better place.


“Over the past year small acts have made a big difference. Join us in continuing  to make this world a better place.”

Congratulations, Tito Boy Abunda!




 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 1, 2024



Showbiz News

    

Naaliw kami sa interbyu ni Pops Fernandez sa ex-hubby niya na si Concert King Martin Nievera for her YouTube (YT) channel.


Part of the interview ay tinanong ni Pops si Martin kung ano ang top three concerts na nagawa niya sa loob ng apat na dekada niya sa music industry.


Unang sinabi ni Martin ay ang katatapos lang na 42nd anniversary concert niya sa

Araneta Coliseum, ang The King 4Ever.


Esplika ni Martin, The King 4Ever because it was a show by my friends na may tiwala sa

‘kin.


“Ahh, ‘yung unang-unang concert ko sa Folk Arts Theater must have to be another one. 

“And third, siguro ‘yung first na ginamit ko ang Philharmonic Orchestra. It was called Live at the CCP with the PPO, with the MRN Live!’’


Ikinuwento naman ni Martin kung saang show siya naging pinakaemosyonal sa dinami-dami ng kanyang performances. 


“I want to say sa San Carlos, Cebu, bago (lang) naghiwalay ang magulang ko. That was emotional and for some reason, the Cebuanos knew it.


“Wala kaming social media, walang balita. But somehow, they felt I was feeling. They sang the whole song Say That You Love Me with candles. Wala pang cellphones at that time,” lahad ni Martin.


Napaisip naman kami kung na-upset kaya si Pops sa sagot ni Martin, baka kasi ang iniisip niya ay unang concert na ginawa ni Martin after their separation.

For sure, kasama ‘yan. Kaya lang, top three lang ang hiningi ni Pops kay Martin kaya hindi ‘yun nakasama. Baka naman nasa pang-apat, ‘di kaya?


Tinanong din ni Pops kung sino ang gustong maka-duet pa ni Martin bukod sa kanya.

“Walang BS (bullsh*t) ‘to,” diin ni Martin.


“The easiest, the most automatic ka-duet is really you. And to do back-to-back shows with you? It’s the easiest. People don’t know how easy it is for us to perform together.”

Sey pa ni Martin, “My dream duet, oh, I would love to sing a duet with Michael Bublé.”

Singit ni Pops, possible na mangyari, since magkaibigan naman daw sina Michael at Martin.


Kumanta na raw sila ni Michael once and jammed in one of Martin’s shows on stage. At bukod kay Michael, gusto ring maka-duet ni Martin on stage si Celine Dion. 

“Uh, I would love to sing with Celine Dion. And if my dad is still alive, I would love to sing with him again, Robin (Martin and Pops  eldest son), my dad and our grandson Flynn. Can you imagine?” bulalas ni Martin.


Na-amaze naman si Pops when Martin revealed to her kung saan ang dream concert venue ni Concert King. 


“With an orchestra led by David Foster at the Colosseum in Rome (Italy),” excited na sabi ni Martin.  


Nagustuhan din ni Pops ang pangarap na concert ni Martin.

“Ooooh! I love that. First of all, I love Italy. I love Rome. And that would be perfect,” sey ni Pops.


Dugtong pa ni Concert Queen, “Well, words are powerful. You’ll never know.”

May tanong si Pops kay Martin na siya mismo ay alam na niya ang isasagot ng kanyang ex-hubby. At ito ay kung kailan planong mag-retire ni Martin sa pagkanta.

“Never,” diin ni Martin. 


Pahayag niya, “Until I lose my voice. Until you (the public) lose interest in my voice, there’s no more songs to sing or audience to sing to. No song to sing about, no reason. No occasion to sing for. I’ll keep singing. There’s no ending to this.”


Towards the end ng interbyu, pinasalamatan ni Martin si Pops for always being there for him, pero ibinuking ni Pops na nag-aaway pa rin sila ni Martin until now.

Pagri-reveal ni Pops, “I try to, when we’re not fighting. Hahaha!”


In fairness, bagay na bagay talagang panoorin sina Pops and Martin on stage at sa mga ganitong tsikahan, kaya ‘di nakakapagtaka na ang dami pa ring nagwi-wish na magkabalikan sila in real life.


At pati ang girlfriend ni Martin ngayon na si Anj Del Rosario ay iwini-wish ng mga fans na ipaubaya na nito ang Concert King kay Pops.


Sey ng isang fan, “Congrats, Martin, The Concert King. Sana magpaubaya na lang si Anj Del Rosario para magkabalikan na sina Pops at Martin.


“Sana, mag-miracle na you’ll get back together (heart emoji).”

So, there.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page