ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 7, 2024

Madamdamin ang post ni Elijah Canlas sa kanyang Instagram (IG) Story kahapon. Inalala niya ang kanyang yumaong kapatid na si JM na fan pala ng American-Filipino singer na si Olivia Rodrigo.
Isa si Elijah sa libu-libo nating kababayan na nanood ng concert ni Olivia sa Philippine Arena sa Bulacan noong Sabado.
Ishinare ni Elijah sa kanyang IG Story ang picture kung saan hawak-hawak niya ang ID picture ni JM habang nasa backdrop nito ang Philippine Arena.
Mensahe ni Elijah sa kanyang IG, “He literally had his own corner of Olivia merch at home, he even made me watch the Disney shows she starred in. That’s also why I know most of her songs. He would sing and play them a lot in the car.”
Ipinangako rin daw ni Elijah na manonood sila ni JM ng concert ni Olivia balang-araw, na hindi na nga niya naibigay sa pumanaw na utol.
Sinabi rin ni Elijah na nami-miss pa rin niya si JM.
“Kahit mag-isa lang ako kanina at may konting buhos ng luha, ramdam kitang sumasabay sa bawat kanta, nakangiting tumatalon, at tunay na maligaya,” mensahe ni Elijah kay JM.
Dagdag pa ni Elijah, “Hope you had fun!”
Seventeen lang si JM nang siya ay mawala noong Agosto, 2023.
Samantala, ang iba pang nanood na celebrities sa concert ni Olivia ay sina Marian Rivera, Dingdong Dantes kasama ang anak na si Zia, Andrea Brillantes at Sharlene San Pedro.
MATAGUMPAY na ipinalabas ang latest masterpiece ni Cannes Best Director Brillante Mendoza na Motherland sa ongoing Busan International Film Festival (BIFF) sa South Korea na nagsimula noong Oktubre 4 hanggang 11.
Ayon sa isang film reviewer, epektibo ang ginawa ni Direk Brillante sa Motherland sa pagko-combine ng action at drama.
“Nakatuon si Brillante Mendoza sa kuwento ng kaligtasan ng isa sa mga miyembro ng pangkat ng pag-atake, si Dao-ayen, at sa pamamagitan n’ya, mahigpit n’yang sinusundan ang operasyon, mula sa simula nito sa punong tanggapan ng SAF hanggang sa lugar ng operasyon.
“Ang misyon sa una ay isang tagumpay, ngunit sa lalong madaling panahon, ang mga puwersa ng pulisya ay natagpuan ang kanilang sarili na napapalibutan at nasa isang desperadong pakikipaglaban para sa kanilang buhay.
“Sa kanyang trademark, parang dokumentaryo na istilo, ipinakita ni Mendoza ang isang pelikulang puno ng tensiyon at paghihirap, kasama ang pakikipaglaban at ang desperasyon na inihahatid nito sa karamihan ng tagal nito.
“Ang pagtatapos, sa kabilang banda, ay ibinabalik ang buong bagay sa kalidad, na may banayad na komento tungkol sa pamumuno, at kung paano ang mga desisyon ng mga nakatataas ay maaaring paminsan-minsan ay magkaroon ng mapangwasak na epekto sa mga tumatanggap nito,” lahad ng film reviewer.
Namumukod-tangi raw ang pagganap ng bida sa Motherland na si Rocco Nacino.
Dinig din namin sa ibang mga nakapanood na during private screening sa bahay ni Direk Brillante na napakahusay daw talaga ni Rocco sa Motherland.
Kaya ngayon pa lang, atat na rin kaming mapanood ang Motherland ni Direk Brillante.







