top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 10, 2024



Showbiz News

Photo: Willie Revillame / Wil To Win


Tatakbong independent candidate si Willie Revillame bilang senador sa 2025 elections. Diretsahang inamin ni Willie na walang nag-alok sa kanya na mapasama sa mga existing political parties. 


Marami ang nag-akala na sasanib si Willie sa mga kandidato sa pagka-senador ng partido ni former President Rodrigo Duterte (PRRD). Ang alam ng publiko, close siya kay dating P-Duterte.


“Hindi naman. Ipinatawag niya ako, gusto n’ya akong tumakbong senador before. Hindi pa ako handa. So, ‘yun lang,” pahayag ni Willie sa interbyu sa kanya sa isang talk show sa TV5 four hours after mag-file ng Certificate of Candidacy (COC) ng TV host.


Nagsabi pala si Willie na tatakbo siyang senador kina Vice-President Sara Duterte at Sen. Bong Go, hoping na makakarating kay former President Duterte, wala raw kasi siyang access para makausap nang diretso ang dating pangulo.


Sabi ni Willie sa mga hosts, “Alam mo, I’ll tell you this. Maano ako, maayos akong tao. Marespeto ako. Kinausap ko lahat. The Vice-President, Sen. Bong Go, Sen. Raffy Tulfo, Erwin Tulfo, Sen. Tito Sotto.


“Even Honey Rose Mercado from Malacañang giving kortesiya na eto ang balak ko, na baka tumakbo ako. Ano ba sa tingin n’yo?


“I’m asking for advices. So, okey naman silang lahat. Positive.


“And the most important thing is MVP. Kasi I’m a part of TV5. Tapos sinabi n’ya, ‘Sige, mag-usap kayo ni Jane (Basas, president and CEO of Media Quest na nagmamay-ari ng TV5), ni Ma’am Jane, saka ni Ma’am Sienna (Olaso, Cignal’s VP for channels and content).


“Pag-usapan natin. Then, let’s meet kung ano ang plano.”


Mananatili pa rin daw si Willie sa kanyang programa sa TV hanggang February 10. After that, bawal na dahil simula na ng campaign ng mga tatakbo.


Kapag nanalo at naging senador si Willie, three days daw siyang magtatrabaho sa Senate and the rest of the week ay sa kanyang programa sa TV5.


Samantala, tinanong ng isa sa mga hosts si Willie kung ‘di ba siya magbabasa ng bills kapag wala siya sa Senado.


“Alam mo ‘yang bills na ‘yan, ang dami nang batas na ginawa, eh. Nabago ba ang buhay ng mahihirap?” patanong na sagot ni Willie.


Follow-up naman ni Gretchen Ho, na bukod-tanging kilala namin sa tatlong hosts ng programa, trabaho ng senador ay ang gumawa at pag-aralan ang batas.

“Para saan? Para sa bansa? Eh, ang dami nang nagawa. Eh, ano ba ang trabaho natin? Hindi ba gumawa ng mabuti sa kapwa?


“Kaya ka nga public servant, eh. Kaya gagawa ka ng batas para sa mahihirap, kasi ang dami nang batas. Ilan na ba ang nagawang batas from the start ng mga senador, may nagagawa ba? Ano bang batas ‘yan?


“Ang pinakagusto kong batas, marami naman sigurong magagawa, pero eto para sa seniors. Kasi, malaking bagay ‘yan,” diin ni Willie.


Ibinulgar pa ni Willie na hindi siya inalok ni PRRD na sumali sa list ng senatoriables sa partido nito na PDP-Laban.


“Hindi naman nila ako in-offer-an, eh. Walang nag-offer sa ‘kin. So, si Manong Chavit

(Singson), isang independent (candidate).


“I’ve talked to Ben Tulfo, independent s’ya. Sabi ko, ang kasama ko rito, eh, ‘yung nagmamahal sa programa ko. ‘Yung programa ko it’s about 17 million followers sa Facebook (FB). 7.9 million sa YouTube (YT).


“Siguro naman ay sapat-sapat na ‘yun na tutulong sa ‘kin. Eh, para sa kanila naman ‘tong gagawin ko, eh. Hindi naman para sa ‘kin.


“Alam mo masaya na ako sa buhay ko, eh. I’m so blessed. Mas mabe-blessed siguro ako kapag itong blessing na meron ako, isine-share ko na lang.


“Okey na ako, kuntento na ako on what I have. Ang hinahangad ko lang ay makita ang lahat kong kababayan na masaya,” lahad ni Willie.


Sa kabila nito, posible rin daw na mag-withdraw ng kanyang kandidatura bilang senador si Willie.


“Kasi nararamdaman ko, eh (kung ayaw na niyang ituloy). Parang ‘di ko talaga kaya ‘to. Marami, eh. ‘Yung health ko. Kaya pa ba ng katawan ko?


“Kasi, nagso-show pa ako everyday. So, depende. Hindi lang naman ‘yung pursigido ka, eh. Tingnan mo rin kung kaya ng katawan mo. Kasi kapag nagkampanya ka for senatorial, buong Pilipinas ‘to.


“Actually, kaya ko lang din ginawa ‘to, sinubukan ko na lang din. Titingnan ko rin, nasa mga tao naman ‘to kung gusto nila ako. Eh, kung wala ka sa rating, bakit pa ako, ‘di ba? Ibig sabihin, hindi nila ako gusto dito sa posisyon na ‘to. Baka doon lang ako sa show gusto,” esplika pa ni Willie Revillame.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 9, 2024



Photo: Atty. Mark Tolentino

    

Nagpupuyos sa galit ang mga netizens sa pagputok ng balitang nag-file ng Certificate of Candidacy (COC) for senator si Apollo C. Quiboloy kahapon.  


Ang legal counsel ni Quiboloy na si Atty. Mark Tolentino ang nag-file ng COC ng leader ng KOJC (Kingdom of Jesus Christ) group on his behalf last Tuesday, October 8.  

Ang rason daw ni Quiboloy sa pagtakbo, according to SMNI's X (dating Twitter) account,


“With the vision of bringing faith and service to the forefront of governance, Pastor Apollo stands with his powerful message: ‘Para sa Diyos at sa Pilipinas Kong Mahal’”  

Inulan ng batikos si Quiboloy sa kanyang tangka na tumakbong senador sa 2025 elections.  


Sey ng mga netizens:


“Only in the Philippines. Whahaha! Wanted na nga, tatakbo pa. ‘Pag heto, nanalo talaga, ewan ko lang. Hahaha!”  

“Ibang klase talaga. Only in the Philippines!!!”  

“Kapal talaga ng mukha mo (angry emoji).”  

“Ginagawang joke na talaga ang election dito sa Pilipinas.”  

Iba naman ang reaksiyon ng ilang netizens sa pag-file ng COC ni Quiboloy.  

“Appointed Son of God ka na nga, magse-senador ka pa? (clown emoji).”  

“Ayaw mo n’yan? Anak ng Diyos, Senador ng bayan? (laughing emoji).”  

Dismayado naman ang mga netizens sa Comelec sa pagtanggap sa COC ni Quiboloy.  


“What is this, an out for those accused of crime? If COMELEC doesn’t do anything about all of these gross manipulations of our system of government, then Congress must enact a law that will forbid, once and for all, those accused of crime from seeking the safety net of elective posts.”  


“I do not like Quiboloy, but Comelec cannot do anything at this point. Unless the person is convicted, they’re allowed to run for office.”  


“Kapag ito nanalo, ewan ko na lang. Hay, nako!”  


“Let him run para mabawasan yaman n’ya. Even if he wins, he can’t take his seat because senators don’t have immunity. He can still be extradited to the US. Tingnan natin kung gaano karaming Pilipino ang maloloko pa n’ya.”  


Pero may nagsasabi rin na mga netizens na hindi pa naman daw sentensiyado si Quiboloy, kaya may karapatan pa ring tumakbo sa halalan.  

At malay natin, kahit dagsa ang mga bashers ni Quiboloy, tinatawanan lang niya ang mga ito.  

As of now, hindi pa makumpirma kung kasama si Quiboloy sa partido ni ex-President Duterte sa listahan ng mga senador na tatakbo next year.


PARAMI na nang parami ang mga followers ng multi-awarded actress na si Hilda Koronel sa Instagram. 


Ibig sabihin nito, ang dami pa rin talagang fans ni Hilda kahit matagal nang ‘di gumagawa ng pelikula. And now, kilala na rin siya ng batang henerasyon.


Nakakaaliw ang mga naka-post sa Instagram ni Hilda. Karamihan dito ay video clips ng mga classic films niya at pati old and recent photos niya.


Ayon sa Instagram bio ni Hilda, “Hi everybody! I’m here on Instagram, happy to hear from friends and fans all over the world.”


May mga pa-trivia caption din si Hilda sa mga ipino-post niya na pictures at film clips gaya ng iconic scenes niya with another great actress na si Monalisa sa Insiang.

Comment-post ni Hilda, “Our hard plantsa scene, tuhog, in the slums, while a band was playing in the next street lol it was a hard scene but we did it.. I love Mona Lisa.. so beautiful and such a great actress..”


Pati sa ending ng Insiang ay may revelation si Hilda, “It was not the original ending for the movie. We were asked to change it.. it worked though..” 


Ang nakakatuwa pa kay Hilda sa IG, sinasagot ang comment ng kanyang mga fans/followers.


Mahigit 20K na ang mga followers ni Hilda sa IG in a very short time na nag-start siyang mag-join dito.


At may 71 people na pina-follow si Hilda sa IG gaya ng leading man niya na si Christopher de Leon, at sina Bea Alonzo na nakasama niya sa huling pelikula na ginawa niya na The Mistress bago pumunta ng Amerika, Gina Alajar,  Maricel Soriano, Dawn Zulueta at marami pang iba.


And speaking of Dawn, ang tagal na rin niyang tumigil sa pag-arte. It would be nice siguro na magkasama sa isang project sina Hilda at Dawn.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 8, 2024



Showbiz News

    

Nagpakita ng suporta si King of Talk Boy Abunda para sa kanyang nag-iisang kapatid na si Congresswoman Maria Fe Abunda sa lone district ng Eastern Samar sa ginanap na get-together ng mga kababayan nila sa nabanggit na probinsiya.


Tatakbong muli for her second term ang kanyang “Mana Fe” bilang representative ng Eastern Samar sa darating na halalan.


Ikinuwento ni Kuya Boy ang naging journey niya sa buhay - sa hirap at tagumpay pagpunta niya ng Maynila mula Borongan, Samar.


Naikuwento ni Kuya Boy ang naging hagdan niya sa tagumpay sa kanyang mga kababayan upang ma-inspired at maging kabilang sila sa pangarap nila for a better Eastern Samar.


Part ng speech ni Kuya Boy ang panahon na hirap ang mga gaya niya na member ng LGBTQ community na pumronta sa harap ng kamera sa telebisyon. At kahit nakalusot na raw siya, mariing sinabi ni Kuya Boy na ‘di pa rin daw tanggap nang buo ang mga members ng LGBTQIA+.


“Hindi pa, malayo pa. We are being patronised but we don’t have equal rights na ‘yan ang isinisigaw namin,” pahayag ni Kuya Boy. 


May mga institusyon pa rin daw na nagdi-discriminate sa mga gays.

“But let's move forward. Let's continue the struggle because you and I know that time will come. Pero we have to move,” pang-eengganyo ni Kuya Boy.


Hanggang sa naalaala niya nu’ng nagkasagutan sila ni Manny Pacquiao.


“Naalaala n’yo nu’ng inaway ko si Manny Pacquiao? Magkaibigan na kami ngayon. Pero ‘yun.

“I mean, bakit ko sinagot si Manny Pacquiao?


“Eh, tawagin ba naman tayong mas masahol pa tayo sa hayop. I mean, that was one of the moments in my life, ‘wag naman, ‘wag naman.


“But of course, Manny and I have spoken to each other. We have resolved all the issues and I hope that we have become better people,” paliwanag pa ni Kuya Boy.


Binanggit din ni Kuya Boy ang paulit-ulit na itinatanong sa kanya - ang pagpasok sa pulitika, pero sadyang wala raw ito sa bituka niya. Kahit na halos lahat sa pamilya niya ay pinasok ang pulitika.


He even mentioned na kinausap siya ni dating Senador (now President) Bongbong Marcos na tumakbong senador noong 2022. 


“May mga kaibigan akong senador, nakausap ko  kahapon, ‘Boy, run in 2028. ‘Wag ka lang daldal nang daldal,’” pagri-reveal pa ni Kuya Boy. 


Sa true lang, di hamak na malaki ang “K” ni Kuya Boy Abunda to be in the public office kesa sa iba d’yan, ‘no!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page