top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 15, 2024



Photo: Diwata Pares Overload - Fairy Pares Overload Fans


Left and right ang public appearance ng famous online celebrity na si Diwata. 

Of course, knows na ng marami na may kinalaman sa pagtakbo niya next election ang madalas na pagpapakita niya ngayon sa mga tao.


Recently, isang video ang ipinost ni Diwata sa socmed tungkol sa pag-join niya sa isang event na may Zumba session.


Mapapanood sa video na todo-bigay ang participation na ginawa ni Diwata sa Zumba session. Masayang nakibahagi at nakisama ang online sensation sa mga taong nandoon.


But as usual, iba-iba ang naging reaksiyon ng mga netizens sa ipinakitang video ni Diwata sa socmed, lalo na ang kanyang mga bashers. In fact, may isang netizen ang walang takot na nag-express ng kanyang reaksiyon sa video ni Diwata sa comment section.


“‘Wag mo na ipagpatuloy ang mga plano mo, ‘di ka mananalo (laughing emoji). Kung umpisa pa lang, maayos ka nakisama sa tao, ngayon magpapakitang-tao ka,” matapang na komento ng netizen.


Hindi naman pinalampas ng Diwata Pares Over fan page ang komento ng netizen.  

“Tuloy ang laban (laughing emoji),” simpleng tugon ng fan page.


Maaaring hindi inaasahan ng kritiko ni Diwata ang naging tugon ng online fan page. Imbes na magtaray, nagpa-‘sweet’ at positibo na lang ang reaksiyon nito.


What will he gain kung tatarayan niya ang kanyang basher? Minus one vote rin ‘yan. 

Knows ni Diwata na ‘di kailangang magbawas, bagkus, dapat ay magdagdag ng mga boboto sa kanya.

Later na lang ulit makipagbardagulan after the election, ‘di ba?



IBA talagang mag-isip si Direk Nijel de Mesa. 


Last Sunday ay naimbitahan kami sa another exclusive party ni Direk Nijel and his wife na si Ms. Christine Jan Reyes at tinawag niya itong “Change Name Party.”


For the first time ay naka-attend kami sa inorganisang “Change Name Party” ng NDM Studios na pag-aari ni Direk Nijel.


Ang layunin ng party ay i-announce ang pagbabago at pagpalit ng pangalan ng NDM artists as they embark on their new journey with Direk Nijel’s production.


As you can see, unang-una nang nagkaroon ng change sa pangalan ni Direl Nijel. May nadagdag na letter “I” sa dating Njel na pangalan ng award-winning director.


Star-studded din ang ginanap na “Change Name Party” ni Direk Nijel. Dumating sina

Sanya Lopez, Meg Imperial, Daiana Menezes, ang magkapatid na sina Rannie and Lance Raymundo, Giselle Sanchez, Edward Benosa, ang partylist leader ng Ang Bumbero, ang producer ng Malditas In Maldives (MIM), ang nagbabalik-executive sa TAPE company na si Malou Choa-Fagar, at si Sen. Bong Go. 


Bumati at nagbigay ng mensahe si Sen. Bong Go sa mga dumalo sa “Change Name Party.” And in fairness, doon lang namin nalaman na maganda ang sense of humor ni Sen. Bong Go.


Then after his speech, nakausap namin si Sen. Go nang sandali and asked him kung naisip ba niyang kunin si Rufa Mae Quinto na ikampanya siya.


Si Rufa kasi ang nagpauso ng "Go, go, go!" na akmang-akma for Sen. Bong Go’s campaign on his bid for another term sa Senado.


Samantala, isa sa pinakamaagang dumating at umalis sa venue si Tita Malou. May commitment pa raw siya ng 7:15 PM. Pero during her speech, nagkakabiruan na sila ni Direk Nijel na pareho raw silang pinag-resign sa MTRCB.


Also, in-announce rin ni Direk Nijel na malapit nang mapanood sa mga sinehan ang

super-gandang MIM next month. Lahat ng 'yan ay magkakaroon ng formal announcement, ayon kay Direk Nijel. 


Pero ang ulat sa NDM artist na may bagong name ay ire-reveal namin on our next column.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 14, 2024



Photo: Raymond Lauchengco - Sharon Cuneta / FB


First celebrity crush ni Raymond Lauchengco si Megastar Sharon Cuneta. ‘Yan ang inamin ni Raymond sa mediacon ng kanyang major concert titled Raymond Lauchengco: Just Got Lucky (JGL) in celebration of his 40th anniversary in showbiz.


Inilunsad as a male lead star si Raymond sa iconic teen movie na Bagets noong ‘80s. Kasama niya sa Bagets sina William Martinez (na pinakasikat na heartthrob during the 80s and revealed na siya pala ang nag-suggest ng title), JC Bonnin, Herbert Bautista at Aga Muhlach.


Ang Just Got Lucky naman ay kabilang sa soundtrack ng Bagets movie. Ilan pa sa mga sikat na kanta ni Raymond ay ang I Need You Back, Farewell, So, It’s You at ang classic song na Saan Darating Ang Umaga? na likha ni George Canseco.


Bilang baguhang artista ay pinalad siya na makasama sa pelikula sina Megastar Sharon Cuneta (Cross My Heart at Bukas Luluhod Ang Mga Tala) and Diamond Star Maricel Soriano (Saan Darating ang Umaga), separately.


“Sharon discovered me, a lot of people didn’t know that. Uh, she was actually my first celebrity crush and at that time, she’s going to IS (International School),” pagri-reveal ni Raymond sa mediacon ng JGL na ginanap sa East Palace.


Napansin daw si Raymond ni Mega kasama ang parents and siblings ng singer-actor. Since siya lang daw ang only guy among his sisters, kaya napansin siya.


Kuwento ni Raymond, “She goes, ‘Who’s that?’ ‘Oh, that’s my son.’ Siyempre, may yabang-yabang. And then, I was cast in her movies, I stayed where she was recording. So, Sharon started it all for me.


“And can you imagine was it like for me to be this close with my first celebrity crush? You know, in front of the camera singing with her, it was awesome.


“But, you know, later on, just like Sharon, Maricel became a very, very good friend to me. And she called me a lot, you know. She was uh, ‘You should always know where the camera is. You should always look for the light.’ She always told me things that only seasoned actors can really know about.


“But the first encounter?! Uhm…. not so thrilling! Not so thrilling!”

Invited daw sa JGL concert ni Raymond ang mga nakasama niya sa Bagets and hopefully, ang Diamond Star na si Maricel.


“Uh, well, the girls have confirmed. Si Aga wants to go. He’ll be here in Manila. Herbert is kinda busy with his stuff. But, they’re all invited and I would love it if they will be there because this is surely about them.


“Alam mo, tama si GR (Girlie Rodis, his manager and one of the producers of JGL concert), I was not hinged on celebrating my 40th anniversary. It never really occurred to me, initially. Because I didn’t want it to be about me.


“It only makes sense when I realized it wasn't about me. It’s about the audiences I sing for, it’s about them, it’s about you. It’s about saying thank you to them.


“So, that’s what I like to celebrate and that also includes the ‘Bagets.’ I’m hoping that they will come.”


Ginanap ang mediacon ng Raymond Lauchengco, Just Got Lucky sa East Ocean Palace Restaurant sa Parañaque City last October 2.


Isa sa special guest performers sa concert ni Raymond ay si Bituin Escalante. Ang direktor ng JGL ay si Waya Gallardo na anak ng batikang singer na si Celeste Legaspi, habang  si Marvin Querido (formerly of Neocolors) ang musical director.


“It’s my way of giving thanks because these are the people who have been the same to me for the last 40 years and who continue to listen to me so I really, really want to express my gratitude,” lahad niya.


“And the way I feel I can best achieve that is by bringing my audiences back to the time where it all started. The fabulously fun '80s.        


“So the show is going to be an ‘80’s show where I’ll not just be singing my hits but songs and beloved ballads from the ‘80’s and to make it really fun, I’m going to be doing fast songs with dancers which I am not known for. So I will be needing your prayers,” ngiti ni Raymond.


Nabanggit din ni Raymond ang mga pinagkaabalahan niya nu’ng panahon na hindi siya masyadong active sa showbiz.


“The problem with life is that it’s too short for all of one’s dreams and I’ve had many, many dreams. Unfortunately, sometimes that would mean having to put singing in the backseat. Because I wanted to become a professional photographer. My dream was to do exhibits and have a studio. And so I gave myself time to explore that creative restlessness,” lahad ni Raymond.


Dagdag pa niya, “And then all of a sudden, I wanted to become a director. Why? Because all my mentors were directors. So I wanted to experience what it would be like stepping into those shoes. Lo and behold, that took 20 years for me. I directed over 500 projects, including film and theater, lots of concerts, etc.


“And then during the pandemic, I got forced to stop, everything stopped. The thing is, I have always gone back to singing because singing is my first love and one of the reasons why we are calling this show JGL is because every time I return to singing, audiences embrace me. Without judgment, without question. So feeling ko talaga, I’m very lucky. The more appropriate term is, I’ve been very, very blessed. I don’t think we can accomplish all our dreams in one lifetime so I think we have time. I’ve gotten to a point in my life where most of the restlessness has settled. I’ve tried pretty much all the major things that I’ve wanted to try,” pag-amin pa ni Raymond.


Grab na your tickets, baka magkaubusan. Marami na kasi ang excited na mapanood si Raymond for his solo major concert.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 12, 2024



Photo: Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan - X


Tinalakan ni Megastar Sharon Cuneta ang mga kritiko ni Kiko Pangilinan pagkatapos mag-file ang kanyang mister ng Certificate of Candidacy (COC) for senator sa 2025 elections.  


Naka-post sa X (dating Twitter) account ni former Senator Kiko ang video clip ng interbyu sa kanila ng taga-media. Sinamahan ni Megastar si Kiko sa pag-file ng COC ng kanyang mister kamakailan.  


Nasa tabi niya si former Senator Leila de Lima at iba pang kaalyado ni Kiko sa pulitika.  

Pahayag ni Sharon, “When they say walang nagawa si Kiko, that hurts us so much because we know how hard he’s been working. Lahat po ‘yan ay mahahanap naman sa internet, please do your research. Sana po, sabihan n’yo ang iba na wala silang nagawa, ‘Wala namang ginawa ‘yan,’ oh, my God! ‘Yan po ang isa sa pinakamalaking kasinungalingan na ginawa ng kung sinuman ang kalaban n’ya. 


"Sana po you help us to let the people know that he has just done so much, you just have to look. You don’t even have to ask us, just do your own research. Alam n’yo po ang pagkontrol ng ibang tao. Napakadali pong maniwala ng iba nating kapwa Pilipino sa paninira lang.”


Sinegundahan naman si Sharon ng mga supporters ni Kiko sa socmed (social media):  

“Sen. Kiko, ikakampanya kita dito sa bayan ko. Malasiqui, Pangasinan! Presidente ako ng PWD dito sa barangay ko at Secretary ako ng asosasyon namin for the entire 73 barangays of Malasiqui.”


“Sharonian & Kikoian here po!”


But as usual, may mga bashers din ang mag-asawang Sharon at Kiko.  

“Merong nagawa, super dami, ‘di n’yo lang napansin. Hay, naku, isa sa pinakamarami doon is NOTED!”  


“Ohhh, akala ko si Sharon ang tatakbo.”

“Eto nga, nagawa niyang batas na walang kuwenta... Republic Act 9344 or the Juvenile Justice and Welfare Act.” 

Ganern?  



FOR sure, maha-happy ang Kalokalike contestant ng It’s Showtime (IS) na gumaya sa international rapper na si Snoop Dogg.  


Aba naman kasi, naka-post sa Instagram (IG) account mismo ng rap icon ang video ng contestant sa Kalokalike segment habang iniinterbyu ng mga hosts ng IS.


Nilagyan pa ng mga nakakatuwang emojis ang IG post ni Snoop Dogg sa ibaba ng video ng contestant.  


Caption ni Snoop Dogg, o ng kung sinumang administrator ng kanyang socmed accounts, “Wow, get it nephew.”  


At inari pa ni Snoop Dogg na pamangkin ang kanyang kalokalike sa IS, huh?

Ipinalabas ang naturang episode sa IS last October 5. Ang name ng look-alike contestant ng rap icon na taga-Tondo ay Carlos Sintyoco na nag-perform ng hit song ni

Dr. Dre at Snoop Dogg na The Next Episode. 


Snoop Dogg is a popular rapper in the United States. Malamang, sisikat itong kalokalike ni Snoop Dogg na si Carlos.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page