top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 1, 2024



Photo: John Wayne Sace arestado - Circulated


Napakabigat para sa anak ng alleged victim ng dating Star Magic artist na si John Wayne Sace ang pagkamatay ng kanyang ama na si Lynell Eugenio.


Determinado si Cristel Eugenio, anak ng napaslang na si Lynell, na bigyan ng katarungan ang pagkamatay ng kanyang ama. But at the same time, humingi ng tawad si Cristel sa kanyang ama.


Naglabas ng kanyang saloobin si Cristel sa Facebook (FB). 

Mensahe ni Cristel sa FB post niya, “Papa, patawarin mo ako. Walang silbi ang pagiging medic ko at ang mga inaral ko sa medical. Hindi kita natulungan.”


Magkababata at matalik na magkaibigan pala si John Wayne at ang ama ni Cristel, kaya laking-gulat daw nila ang pagbaril ni John Wayne kay Lynell.


Bago maganap ang krimen, nakita raw sa CCTV na minamatyagan na ni John Wayne ang alleged victim. At pagkatapos daw ng pamamaril, kaswal na naglakad diumano si John Wayne at sumakay ng taxi.


Sa isang motel natunton ng mga pulis si John Wayne. Napag-alaman ang motel na tinutuluyan ng dating aktor dahil sa FB post nito na piktyur niya sa isang lugar. Sakto at may palatandaan sa motel na ‘yun ang nakapag-report sa pulis kung ano at saan ang location ng lugar na pinuktyuran ni John Wayne. 


Bukod pala kay Cristel ay may 14 years old pa siyang kapatid.


Salaysay pa ni Cristel sa interbyu, “Magbi-birthday pa naman ‘yung kapatid ko. Sobrang saya ni Papa kasi nakahanap s’ya ng trabaho kasi magbi-birthday ‘yung kapatid ko, para sana may panghanda. Tapos ganu'n ang mangyayari.”


Naging popular bilang dancer sa A.S.A.P. at nakasama ni Rayver Cruz sa grupong Animè si John Wayne Sace.



DAGUL, AFTER LAIT-LAITIN SI COCO, HUMINGI NG AYUDA





BALIK-TELEBISYON ang komedyanteng si Dagul via ABS-CBN hit action-drama series FPJ's Batang Quiapo (BQ) ni Coco Martin.


Sa ika-444 episode ng serye umapir si Dagul bilang si Pido.


Isa ang karakter ni Dagul sa hit-action series sa mga kritiko ni Coco bilang si Tanggol na nagbalik sa Quiapo para magbigay ng ayuda sa kanilang mga kapitbahay.


Pagkatapos magsabi ng kung anu-anong masasamang salita kay Tanggol habang nakaupo sa wheelchair, inutusan niya ang kanyang anak na si Pipay (Jkhriez Pastrana) para kumuha ng ayuda mula kay Tanggol.


Si Jkhriez ay real-life daughter ni Dagul na ang tunay na pangalan ay Romy Pastrana.


Sa isang  panayam kay Dagul, inamin niya na nahihirapan siyang tustusan ang kanyang pamilya sa pananalapi bukod pa sa ‘di maayos ang kanyang paglalakad.


Panoorin ang BQ sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC and TFC.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 31, 2024



Photo: Kathryn Bernardo / Fast Talk With Boy Abunda / SS


Pasabog ang weeklong birthday celebration ng nag-iisang King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang afternoon talk show sa GMA-7, ang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA). 


Sa unang araw pa lamang ay si Kathryn Bernardo na ang kanyang special guest at dito inamin ng aktres na masaya ang kanyang puso ngayon.


Definitely, ‘di kaya si Alden Richards ang dahilan kaya masaya si Kathryn? Mismong si Kathryn ang umamin when asked by Kuya Boy kung sino ang pipiliin niya between Ethan (karakter ni Alden sa movie nila directed by Cathy Garcia Sampana) and Alden. Si Ethan ang pinili ni Kathryn. 


Sumunod na guests ni Kuya Boy ang dalawang “prinsesa” sa Kapuso Network na sina Sanya Lopez at Bianca Umali. Kahapon naman ay ang mag-asawang Ariel Rivera at Gelli de Belen ang mga panauhin ni Kuya Boy. Dito ay medyo sentimental na siya. Knows naman kasi sa showbiz ang relasyon ni Kuya Boy at ni Ariel. 


Si Kuya Boy ang manager ni Ariel from day one na pumasok sa showbiz ang mister ni Gelli. At dahil kay Ariel kaya naitayo ang talent management ni Kuya Boy, ang Backroom, Inc..


Kaya ‘di napigilan ni Kuya Boy ang maluha when Ariel said on Fast Talk that Kuya Boy changed his life.


Today, aapir naman ang alaga rin ni Kuya Boy at dating TV host na si Mariel Rodriguez. 

For sure, marami rin ang naghihintay sa surprise appearance ni Kris Aquino para batiin ang kanyang kaibigan na si Kuya Boy.


Bongga kung aapir si Kris sa mismong set ng FTWBA, but a video greeting will do just the same. Ang mahalaga, nag-effort at nag-public appearance si Kris after she came back from the US.


Anyway, sa pagkakaalam namin ay sa New York, USA nagse-celebrate ng kanyang birthday si Kuya Boy kahit nu’ng wala pang pandemic.


Siya kasi ang kinukuhang host sa isang awards night na nagbibigay-parangal sa mga Pinoy na nasa US at Pilipinas.



Tungkol sa trans na tatay… ICE, GUSTONG SI ELLIOT PAGE ANG MAGBIDA SA IDIDIREK NIYANG MOVIE



KAHAPON ay naisulat namin ang tungkol sa pelikulang gagawin ni Ice Seguerra at ng kanyang partner na si Liza Diño para sa kanilang Fire & Ice Production, ang Trans Fatherhood, na inspired sa kuwento ng buhay ng transman na si Jesi Corcuera.


And we would like to correct na ang gusto ni Ice na gumanap sa Trans Fatherhood, na siya ang magdidirek, ay ang Canadian actor and producer na si Elliot Page na dating si Ellen Page.


Ang dating si Ellen Page ay nag-underwent ng malaking transformation noong December 1, 2020. From there, nakilala na siya bilang si Eliot Page. Baka sa 2026 pa raw nila magawa ang Trans Fatherhood movie.


Well, tinanong din namin si Ice kung may plano ba sila ni Liza na isali ang Trans Fatherhood sa iba’t ibang international film festivals sa mediacon ng Ice Seguerra’s Videoke Hits: OPM Edition Isa Pa! sa opisina ng kanilang Fire & Ice Production.


“If we can, definitely. Parang ang goal namin, maging okay siya for festival but at the same time, magkaroon din s’ya ng theatrical na route na maging okay s’ya for commercial release rin, hindi lang sa festival,” sagot ni Ice.


Two years na pala ang Fire & Ice office nina Ice and Liza. Bongga dahil may malaking rehearsal studio, photo shoot studio at conference room na ipinapa-rent nila.  


Anyway, pramis ni Ice na mas pagagandahin pa nila ang Ice Seguerra’s Videoke Hits: OPM Edition Isa Pa! concert na magaganap sa Music Museum on November 8, Friday, 8 PM.


“Happy kami because parang you are, audiences, normally ang audience ko, nasa ganitong age bracket lang, eto, hindi,” diin ni Ice.


Dagdag pa niya, “From medyo may seniors tayo (ang audience ko) pero mas marami, medyo bata-bata. And then, the youngest one na nakita ko siguro, mga nasa 7 or 8 years old and she even went to the stage, kahit hindi niya alam ‘yung kanta, tuwang-tuwa s’ya.”


Ang Ice Seguerra’s Videoke Hits: OPM Edition Isa Pa! is produced by Fire and Ice LIVE!.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 30, 2024



Photo: Ice at Liza - IG Ice Seguerra - Instagram


Planong gumawa ng pelikula ni Ice Seguerra based sa kanyang buhay at “misis” niyang si Liza Diño about “trans-fatherhood.”


Si Ice ang magdidirek ng pelikula at si Liza ang magsusulat ng kuwento. May participation din daw dito ang unica hija nila na si Amara.


So, it’s a family collaboration na wini-wish nila na matuloy. Gusto rin daw nilang kunin para sa movie na gagawin nila ang transman na si Jesi Corcuera.


Habang pinaplano ang movie ay maghahanap din daw sila ng investor(s) na magko-co-produce sa gagawin nilang proyekto na may pamagat na Trans-Fatherhood.


And speaking of “fatherhood,” nag-follow-up kami kay Ice sa mga naka-freeze niyang “eggs.” Nandoon pa rin daw ang limang “eggs” ni Ice. Safe naman daw 'yun hanggang kailan sila mag-decide na magka-baby ni Liza. As long as tuluy-tuloy din ang pagbabayad nila. Kaya kasama sa binabayaran nila ang pagpapa-freeze ng eggs niya.


Medyo nagkakaroon ng second thoughts sa pagtuloy ng plano nila ni Liza to have a baby.   Aminado kasi si Ice na nagkakaedad na rin siya. He's 41 years old already. And by the time na magka-baby sila ni Liza, mahina na siya para mag-alaga ng anak.

Plus, parehong super busy na sila ni Liza. Patuloy na lumalaki rin ang kanilang Fire & Ice Production.


Gaya na lang ng matagumpay na concert ni Ice, ang Ice Seguerra’s Videoke Hits: OPM Edition na magkakaroon ng repeat sa November 8, 2024 at the Music Museum.

This is the  third edition of Seguerra’s immersive Videoke Hits concert series, giving the audience an interactive experience that combines the fun of karaoke with the excitement of a live concert. 


Pahayag ni Ice, “Nakakatuwa itong videoke. Nagsimula ito nu’ng 2016, pero parang basta earlier on pa. Nakita ko nu’ng lumabas sa Facebook ko, ang FB post ko, ang simula niyang concept ay kakanta lang ako ng videoke songs. Tapos, ire-rearrange lang my way, how I sing it. 


“Pero ang ganda talaga ng idinagdag ni Liza na element na talagang siya ang nakaisip. Sabi ni Liza, ‘Let’s involve the audience.’


“Kasi for me, ‘yun 'yung naging magic ng show, eh. Kung walang ganoon, it’s just another show na kumakanta lang ako ng mga songs na nasa videoke.


“Pero eto, dahil may audience element, it’s a big element. Suddenly, it became so different.”


Nakausap namin si Ice sa mediacon ng Ice Seguerra’s Videoke Hits: OPM Edition sa Fire & Ice Studio sa Kyusi last Monday.


Twenty-five songs ang nakalistang kakantahin ni Ice sa concert. Pero karamihan dito ay medley na may tig-apat hanggang anim na kanta. Kaya more than 40 songs ang kantang nakapaloob sa konsiyerto.


“Sa first ng concert, tinawag ko na Welcome to My Videoke World. Eto talaga 'yung kinakanta ko sa videoke. Hindi puwedeng wala ang songs of Martin Nievera, Gary V., sina Ogie (Alcasid), si Joey Albert, si Ella Mae (Saison), lahat sila.


“Tapos ‘yung next, it’s Jam with Ice By request. So, sa part na ‘to, eto ‘yung fan favorite. What we do like sa past Videoke concert ko, may QR code sila. All they need is to scan and they have to show. 


“Then magbobotohan sila. Kung ano ‘yung tatlong pinakamataas na kanta, kakantahin namin on the spot. And then, doon na papasok ‘yung videoke relay.


“After that, doon na pumasok ‘yung Ice on File, ‘yun ‘yung songs na na-mention ko kanina, ‘yung mga songs na ni-rearrange namin para magkaroon ng ibang flavor na bumagay sa boses ko. And then, of course, my hits sa dulo. Pati ‘yung dance music,” lahad ni Ice. 


Kabilang sa mga highlights ng Ice Seguerra’s Videoke Hits: OPM Edition ay ang  SB19’s viral hit Gento and Ice’s much-talked-about dance performance to BINI’s Salamin, Salamin.


This event is produced by Fire and Ice LIVE! in partnership with Platinum Karaoke, and proudly sponsored by Katinko, with TRUE FM 92.3 as the official media partner. 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page