top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 8, 2024



Photo: Angie Mead King - IG

 

Nasunog ang red Acura NSX sports car ng famous motorsports racing driver na si Angie Mead King sa SLEX (South Luzon Expressway) kahapon. Buti na lang at nakaligtas si Angie sa aksidente.


Nag-viral ang video ng umuusok na naabong mamahaling sasakyang pangkarera ni Angie.


Sa kanyang Instagram (IG) ay ishinare pala ni Angie ang video ng nangyaring aksidente sa kanya. Halos maabo ang buong sasakyan dahil sa apoy nang makita ng emergency team ng SLEX. Makikita sa video na masusing inaalam ang nangyari sa sasakyan at palakad-lakad ang mga awtoridad ng SLEX, habang maririnig sa video ang boses ni Angie na may kausap sa telepono.


Ayon sa audio ng video, pabalik na ng Manila galing South si Angie. At nasa bandang Southwoods sa Biñan, Laguna siya nu’ng mangyari ang aksidente.


Ini-report din ni Angie sa mga awtoridad na nagsimulang sumiklab ang apoy sa bandang gitna ng kanyang sasakyan.


From Southwoods ay didiretso raw si Angie sa pinakamalapit na presinto sa Susana Heights sa bandang South para mag-file ng formal report.


Posibleng nanggaling si Angie sa kanyang farm, ang King Tower Farm sa Cavinti, Laguna that day.


Ayon sa Google, ang 2022 Acura NSX ay nagkakahalaga ng $169,500 o mahigit P9 M.

Nag-post ulit ng video si Angie sa kanyang IG after the incident happened. Sabi niya habang nasa loob ng sasakyan kasama ang sumundo sa kanya na friend niya na si Jet, “Thanks for checking. I’m alive. We’re gonna take care of towing the car. Uh, the car is dead, literally gone. I caught on fire after the exit (SLEX).

“And yeah, it’s gone. No words.”


May mga modifications siya na ginawa sa kotse na maaaring naging dahilan ng pinagmulan ng apoy.


Sumakit din daw ang lungs ni Angie dahil sa apoy pero kailangang makalabas ng sasakyan bago tuluyang masunog.


Nag-post ng comment ang partner ni Angie at dating Channel V host na si Joey Mead.

Say ni Joey, “Freak out much, ay nak, Honey. Glad you pulled over when you did (crying emoji).”


Nagpasalamat naman si Angie sa lahat ng mga nagpadala ng mensahe for checking her and she's now safe.



BALIK-TAPING na ang aktres na si Charo Santos-Concio sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) pagkatapos mabalita ang pagkawala ng kanyang boses.


Ipinost ni Charo sa kanyang Instagram (IG) ang piktyur nila ng ka-tandem niya sa BQ na si Lou Veloso bilang si Noy during the taping ng Kapamilya action serye.


Caption ni Charo: “My voice is back, kaya balik na rin tayo sa set! Grabe, halos isang buwan na pala mula nu’ng huling taping ko. Sobrang na-miss ko ang Quiapo, pati na rin ang buong cast, staff at crew!”


Charo plays the role of Tindeng na isang mapagmahal na lola kay Tanggol played by Coco Martin.


Samantala, marami ang natuwa at nag-post ng comment sa IG post ni Charo:

“Lola Tindeng & Noy are finally back.”

“Welcome back po, Lola Tindeng.”


“Kaya po pala nawala ang eksena n’yo ni Noy sa hopia-an. Hope you’re feeling better po! More power to Batang Quiapo.”


Huwag palampasin ang FPJ’s Batang Quiapo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC and TFC.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 7, 2024



Photo: Gretchen Barretto - FB

 

How true na plano ni Gretchen Barretto na bumili ng building sa Makati City? 

And it’s not just one of those big and bonggacious high-rise building sa Makati, huh? May significance raw kasi kay La Greta ang building na gusto niyang bilhin.


But before we reveal kung ano’ng building sa Makati ang ina-eye ni Greta na bilhin, let us consider first ‘yung capability to purchase a building and in Makati City, ‘noh?!


Kung sa building lang anywhere in the country, except sa mga business areas sa Metro Manila, walang duda na kering-keri ni Greta na bumili.


Kaya lang, ang gusto niyang bilhin ay ang isang ‘di ordinaryong building sa Makati which will cost her for sure kundi billion ay hundreds of millions of pesos.

Ganito na ba talaga ka-super duper rich si La Greta, isang bilyonarya? Ka-level ang top richest personalities sa Pilipinas?


Hmmm… puwede, lalo pa’t kailan lang ay nakipag-partner siya kay Atong Ang sa pagiging sabungera.


Not to mention pa ang yaman ng kanyang long-time live-in partner na si Tony “Boy” Cojuangco.


Anyway, ang building daw na gustong bilhin ni La Greta ay ang RCBC sa kanto ng Buendia at Ayala Avenue sa Makati City.


May personal reason daw si La Greta kung bakit sa dinami-dami ng magagandang buildings sa Makati ay ang RCBC ang ina-eye niyang bilhin.


May “kuwentong kutsero” raw kasi ng bad experience ni La Greta sa RCBC. Diumano, madalas daw magpunta roon dati si Gretchen dahil nasa building na ito ang spa clinic na pinupuntahan ng eldest sa Barretto sisters.


Tuwing pumupunta raw si La Greta sa building na ito ay may kasama siyang mga bodyguards. At kabilin-bilinan daw talaga ni La Greta sa mga bodyguards niya na huwag magpapasakay ng iba sa elevator except for her and her P.A. (personal alalay). 


Until one time, may nakasakay daw na dalawang babae sa elevator nu’ng pasakay si La Greta — isang medyo may-edad na at ang kanyang secretary. Pinalabas daw ‘yung dalawang babae sa elevator, eh, it turned out na ang isa pala roon ay ang may-ari ng building na si Vivian Yuchengco.


Nu’ng bumalik daw si La Greta sa building, hindi na pinapasok ang dyowa ni Tony Boy. May order daw kasi sa mga guards sa RCBC na La Greta is not allowed to enter the building.


So, never na raw nakatapak sa loob ng RCBC Building si La Greta. At bilang ganti, gusto raw nitong bilhin ang naturang gusali.


Ang tanong, ipagbibili naman kaya ng mga Yuchengco ang RCBC? At kung ibebenta, pumayag kaya sila na si La Greta ang bumili?

Abangan ang susunod na kabanata.


Dating aktor lang ng indie film…

COCO, GUSTONG MAGDIREK AT MAG-PRODUCE NG MOVIE NA PANLABAN ABROD




Balik sa paggawa ng indie films si Coco Martin. But this time, gusto niyang siya ang magdirek ng indie film na gagawin niya.


Hindi naman lingid sa marami na sa “komunidad” ng indie films nagsimula si Coco bilang aktor.


Pero ngayong nagpoprodyus at nagdidirek na rin siya, ibang level naman ang gusto ni Coco sa pagbabalik niya sa kanyang pinagmulan.


Sa interbyu kay Coco ng ABS-CBN, inihayag niya ang dahilan kung bakit gusto niyang magbalik sa paggawa ng indie film.


Ayon sa aktor, “Para bang mag-360 na. Dati, nandito ako, actor lang ako, nangangarap. Tapos, nangangarap ako na mag-TNT (tago nang tago) sa bansang ito. Tapos ngayon, nandito na ako, director na ako, producer na ako ng pelikula na ilalaban (abroad).


“Ngayon nagpoprodyus, then nagdidirek na ako, ang sabi sa ‘kin, 'Sana gumawa ka ng pelikula na ikaw ‘yung direktor, tapos ilaban natin.' Kagaya nu’ng ginagawa namin nu’ng araw.”


Ang tinutukoy marahil ni Coco na ginagawa “nila” nu’ng araw ay ‘yung mga movies na ginawa niya sa award-winning director and mentor niyang si Direk Brillante Mendoza.

Sa true lang, nakagawa na rin kahit paano ng marka si Coco sa international film festival especially sa Cannes International Film Festival with Direk Brillante.


Good decision for Coco na naisip ang ganitong career path hangga’t nand'yan pa si Direk Brillante at keri pa siyang tulungan at i-guide. Malay natin, si Coco ang susunod sa mga yapak nito.


“Sabi ko, ‘yan ang pangarap ko kasi ‘pag nabigyan ko ng time ang sarili ko, lumuwag-luwag lang nang kaunti, gagawa ako ng isang pelikula kahit hindi ako artista,” lahad ni Coco. 


“Meron na akong pelikula na ilalaban,” diin ni Coco.


Bukod sa kanyang showbiz career, pinasok na rin ni Coco ang pagnenegosyo. Maglalabas ng sariling dishwashing liquid brand ang aktor. Tinutukan daw talaga ni Coco ang paggawa ng sarili niyang produkto para tiyakin ang mataas na kalidad nito.


“Personally, ako talaga ‘yung tumutok. Ako ‘yung naghanap, talagang sabi ko, ‘pag ito tumayo, ‘pag ito, nairaos ko, nai-launch ko nang tama at ayos, alam ko, hindi ako mapapahiya. Sabi ko, dito magsisimula ang lahat,” pagri-reveal pa ni Coco.


Anyway, huwag palampasin ang FPJ’s Batang Quiapo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC and TFC.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 5, 2024



Photo: Francine Diaz - Instagram


Dagsa ang bashing on US celebrities sa X (dating Twitter) dahil sa pag-eendorso kay presidential candidate Kamala Harris.


Una na riyan sina Jennifer Lopez, Cardi B na kasagutan sa X si Elon Musk, ang gumanap bilang Marvel’s Captain America na si Chris Evans, Lebron James at si Chloë Grace Moretz na umaming isa siyang “gay woman.”  


At aba, may nakipagsabayan na local artist sa Hollywood celebs sa nagaganap na halalan sa US. 


May nag-post sa X na aapir ang Kapamilya star na si Francine Diaz sa rally ni Kamala kahapon.


Post sa X ng netizen, “Francine Diaz to appear at Kamala Harris’ rally in Philadelphia tomorrow, November 4th.”


Nagtaka at napaisip ang mga netizens kung ano ang konek ni Francine kay Kamala.

Sey at questions nila:


“BAKIT??????? Ano'ng relevance n’ya sa US Elections? Duh!”


“To those who don’t know, pamangkin ni Kamala si Francine.”


“Uhmmm, close! Pamangkin ni Kamala ‘yung nanay ni Francine.”


May nag-comment pa na si Kamala raw kasi ay ¼ Filipino dahil ang lola ng US presidential candidate ay lumaki sa Koronadal City.


May nag-joke rin na baka unahan ni Francine mag-perform ang Orange & Lemons sa event ni Kamala.


Comment nila:


“Baka unahan n’ya mag-perform ang Orange & Lemons (crying emoji).”

“Kabahan na ang mga banda.”


“Hanggang 12 midnight lang ang kontrata. Hahaha!”

Pero may nag-comment na netizen at sinabi kung nasaan si Francine that day.


“Nasa salon sila ngayon, fake news ang p*ta, makapanira lang.”


Ang tinutukoy na sila ng netizen ay si Francine at ang ka-love team niyang si Seth Fedelin. 


Samantala, na-bash si Francine dahil sa pag-apir niya sa konsiyerto para sa kaarawan ng yumaong Pres. Ferdinand Marcos, Sr. kasama ng mga sikat na performers last September.


“Huy, akala ko ba, BBM ‘yan? (laughing emoji).”


“Calling Francine BBM kuno, tapos feel mo Kakampink ka, pero nasilat ka ng fake news (vomiting emoji).”


“Bobo, manager n’ya ang may permission n’yan, hindi s'ya mismo.”


“She literally voted for Leni (Robredo) last election.”

'Kalokah!



NAGBALIK na si Barbie Imperial sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) bilang si Tisay na isang leader ng mga carjackers.


Sa ika-447 episode ng patok na aksiyon-serye ay naipakilala rin ang ibang bagong mga karakter gaya nina Regie (William Martinez), Michael (Anjo Yllana) and Derek (Maverick Relova).


Si Regie ang ama ni Tisay, habang sina Michael and Derek ay nagtatrabaho sa mag-ama.

Inanunsiyo ng Dreamscape Entertainment sa kanilang social media account ang new characters at pagbabalik ni Barbie bilang si Tisay.


Ayon kay Barbie, “Sobrang tagal kong hinintay actually na makabalik ako sa BQ, pero alam ko naman kasi na babalik ako dahil sinigurado ng production, ni Direk Coco Martin. 


“Dapat abangan ng sumusuporta kay Tanggol kung ano nga ba talaga ang role ni Tisay sa buhay ni Tanggol, kung magiging magkalaban sila, magka-love team sila o magiging magkakampi sila sa lahat ng bagay. 


“Ang plano ko po ay ubusin ang lahat ng sasakyan ni Tanggol. Kaya nagdala na ako ng maraming backup para mas madaling nakawin ang mga sasakyan na connected kay Tanggol.”


Noong buwan ng Agosto unang lumabas ang karakter ni Barbie sa BQ

Huwag palampasin sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC and TFC.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page