top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 20, 2024



Photo: Mayor Javi Benitez at Sue Ramirez - FB


Nagparinig ang ex-boyfriend ni Sue Ramirez na si Mayor Javi Benitez sa kanyang Facebook account para sa kanyang mga constituents sa Victorias City, Negros Occidental tungkol sa lagay ng puso niya ngayon.


Ilang araw pagkatapos ng paglabas ng kanyang official statement sa breakup nila ni Sue, in-announce naman niya na “closed for renovation” ang kanyang puso ngayon. 

Post ni Mayor Javi, “Sa mga ga-submit sang application para mangin girlfriend ko, 'Closed for Renovation’ pa kita subong! Focus lang kita sa ubra kag kampanya anay. Mga Maritess, relax lang kamo ha, indi gid kamo mag-una!”


Kung ita-translate ito sa Tagalog ay ito ang ibig sabihin, "Sa mga magsusumite ng application para maging girlfriend ko, 'Closed for Renovation' pa rin kami! Focus na lang muna tayo sa trabaho at campaign. Maritess relax lang 'wag muna!"


Take note, hindi siya nag-e-entertain ng thoughts ng bagong babae sa buhay niya but instead, may nakabuntot na “pa rin kami” sa ‘closed for renovation.’


Meaning, may inaayos na dating relasyon si Mayor Javi, na sa palagay ng mga netizens na nag-comment sa FB post ng actor-politician, si Sue ang tinutukoy  niya sa “kami.”


“Yehey!! It means my Chance pa sila magkabalikan kay CLOSED for RENOVATION. WAITING SA COMEBACK niyo ni Indhai SUE Mayor Javi. GOBBLESS YOUR HEART BOTH ALWAYS.”


“Javi Benitez, gusto kong magkabalikan kayo ni Inday Sue.”


"Javi Benitez comeback na bala yor, kasal na dayun ah para finish ang renovation (Babalik na ba si Javi Benitez, malapit na ang kasal para matapos na ang renovation)."


"Wow. Kasalan na ni Mayor Jav at Sue ang gusto ng taga-Victorias City."


Bongga naman ni Sue at love pala siya ng mga kababayan ni Mayor Javi. 

Pero teka, paano si Dominic Roque na naka-kissing ni Sue sa litratong nag-viral sa socmed? Wala lang 'yun? Lasingan lang? At oks lang kay Mayor Javi? 


Aba. Iva rin, ha? 'Di ba, Ivana Alawi?



MARAMI man ang nawala sa mga dating anchors ng DZMM Teleradyo na naging DWPM Radyo 630 na ngayon, thankful sina T'yang Amy Perez at Tita Winnie Cordero na nakasama sila sa mga patuloy pa ring naghahatid ng serbisyo-publiko sa pamamagitan ng kani-kanilang programa.


Maantig sa mga samu't saring kuwento ng totoong buhay kasama sina T'yang Amy at Tita Winnie sa kanilang mga public service show sa Radyo 630 at Teleradyo Serbisyo.


Samahan si T'yang Amy na pakinggan ang iba’t ibang karanasan sa buhay-pag-ibig, pamilya, kaibigan, karera at iba pa sa kanyang radio wellness/drama show na Ako ‘To Si T'yang Amy (ATSTA) tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3 PM.


Mga nakaaantig na karanasan mula sa mga nangangailangan ang tutugunan naman ni Tita Winnie sa kanyang programang Tatak: Serbisyo na umeere rin weekdays, 10:30 AM.


Bukod sa pagkalap ng donasyon para sa mga nangangailangan, layon din ng kanyang programa na magsilbing tulay sa pagsasaayos ng sistema sa pagtulong sa ating mga kababayan.

“Ang gusto kong maging adbokasiya ay ‘yung mapaayos ang sistema sa pagtulong sa ating kapwa. Isa-isa kong nadidiskubre ang mga hinaing ng ating kababayan at ang daming nangangailangan ng tulong mula sa pagpapagamot, financial, at iba pa,” saad ni Winnie.


May hatid ding winning diskarte si Tita Winnie, mula sa budget-friendly recipes, DIY activities at kumikitang kabuhayan sa kanyang programang Win Today (WT) tuwing Sabado, 10 AM.


Bukod sa AM radio sa 630 kHz frequency, mapapanood din ang mga programang ito sa Teleradyo Serbisyo na available sa free at cable TV, pati online sa official Facebook (FB) at YouTube (YT) pages nito. May livestream din ang Teleradyo Serbisyo sa iWantTFC.


Tuluy-tuloy din ang pagbabalita at serbisyo-publiko sa mga programa nitong Radyo 630 Balita ni Robert Mano, Gising Pilipinas at Teleradyo Serbisyo Balita nina Alvin Elchico at Doris Bigornia, Kabayan ni Noli de Castro, Balitapatan kasama sina Peter Musngi at Rica Lazo, Headline Ngayon ni Jonathan Magistrado, atbp.


Para sa iba pang maiinit na balita at public service announcements, i-follow ang Radyo 630 sa Facebook (FB), X (dating Twitter) Instagram (IG), at TikTok (TT).

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 18, 2024



Photo: Sanya Lopez - IG


Solo flight si Sanya Lopez na dumating sa birthday celebration ng beauty skin expert na si Cathy Valencia na ginanap sa Manila Polo Club sa Makati City last Saturday.


Isa si Sanya sa mga top celebrity endorsers ng Cathy Valencia Skin Clinic. Ang iba pang celebrity endorsers ay ang couples na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio, McCoy de Leon at Elisse Joson, Enzo Pineda at Michelle Vito at John Prats at Isabel Oli.


Kaya tinanong namin si Sanya kung kailan naman siya a-attend ng event ni Cathy Valencia na may kasamang “escort.”


“Love life? Wala,” kasunod ang malakas na tawa ni Sanya. 

“Hindi kasi, paano ba? Hindi ko naman siya hinahanap, eh. Kasi kusa siyang dumarating. 


The more na hinahanap ko s’ya, the more na ‘di siguro s’ya meant. 

“Hindi ako naghahanap talaga. Gusto ko, kusa na lang s’yang darating.” 


Matagal na raw walang boyfriend si Sanya.

“Hindi ko naman s’ya pina-priority, eh. I mean, ako lang naman ‘yun. Sarili ko namang desisyon. Pero ‘yung kumbaga, ‘yung manggagaya sa ‘kin, eh, di good luck sa inyo.


“Pero ‘yung hindi gagaya sa ‘kin, well, okay lang din, I support you. Kasi meron ding mga tao na happy sila kapag meron silang love life. Iba rin ‘yung nagbibigay-inspirasyon sa ‘yo everyday, ‘yung ganoon.”


Meron naman daw nagbibigay-inspirasyon sa kanya.


“Uh, ano ba? Sarili ko lang. Hahaha! Siguro ‘yung mga work, ‘yung mga blessings na dumarating sa ‘tin. Sa totoo lang po, ang hirap isingit ng mga bagay na ‘yan.


“Pero kung dumating naman s’ya, ayoko kasi nu’ng nagiging ano s’ya, like (it’s) an obligation na when it comes to relationship. 


“I wanted na parang sobrang smooth lang ng lahat. ‘Pag ganu’n, feeling ko, baka s’ya na.


Kasi ‘pag feeling mo may struggles, baka ‘di pa s’ya,” paliwanag ni Sanya. 


So, we asked her again kung ano ba ang ideal guy niya.


“Wala lang, gusto ko lang ng mabait. May special treatment, ganu’n lang lagi. (At) Siyempre, ‘yung love ako, ‘yung provider,” sagot niya.


Aniya pa, “Ang dami. Baka padami ‘to nang padami ‘pagka-ano, pero ganu’n.

“I mean, hindi ako naghahanap, nandu’n ako sa husband-material na agad.”


Dasal ni Sanya na kung sinuman ang magiging boyfriend niya ngayon ay siya na rin ang guy na pakakasalan niya.


“Sana,” wish niya. 


Pahayag pa niya, “Kasi hindi naman ako naghahanap ng partner for fun lang, parang naghahanap na ako ng partner. Hindi man ako dumating sa sitwasyon na kailangan ko ng maraming karelasyon, pero nandu’n ako sa kaso na feeling ko, ready na ako.


“So, kung sino man ‘yun, I hope ready din s’ya, parang ganu’n. Or kung nape-pressure s’ya, bahala ka. Hahaha! Pero ‘yun.


“Ang relationship daw kasi, hindi na masyadong seryoso, ‘di ba? Sa iba. Parang nagiging laro na lang s’ya, for fun na lang. So, I hope makahanap pa rin ako ng taong ganu’n, kung meron pa.”


Dahil dito, mukhang magiging “malamig” ang Pasko ni Sanya sa December.


“Lagi namang malamig ang Pasko ko. Hahaha! Pero ano, iniisip ko na sana, mag-Japan now.


Kaya lang, naisip ko, iba pa rin ang Pasko sa Pilipinas,” lahad niya.

Looking forward si Sanya na magkaroon ng sarili niyang business next year. Pero ayaw niya munang magkuwento sa ngayon, kasi hindi naman daw siya pala-salita lalo na

kapag hindi pa natutuloy. 


“Gusto ko muna, ready na s’ya. ‘Pag nand’yan na,” esplika ni Sanya.


Samantala, natuloy din pala ang plano nila nina Barbie Forteza at Jak Roberto na makapagpatayo ng kani-kanilang bahay sa isang compound.


Anyway, four years na palang endorser si Sanya ni Cathy Valencia. And with that, grateful daw siya sa tiwalang ibinigay sa kanya ni Cathy.


And more than that, tinatanaw daw niya na malaking utang na loob kay Cathy ang pagkuha sa kanya bilang endorser kahit ‘di pa siya nabibigyan ng malalaking proyekto ng GMA-7 noon.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 17, 2024



Photo: Ai Ai Delas Alas at Gerald Sibayan - Instagram


Pagkatapos makipaghiwalay ni Gerald Sibayan sa misis niyang Comedy Queen na si Ai Ai Delas Alas via chat messages, maugong na pinag-uusapan ng mga netizens ang pagkakaroon nito ng anak sa ibang babae.


Naniniwala ang mga netizens na kaya raw matapang si Gerald sa kanyang desisyon na hiwalayan si Ai Ai ay dahil sa mas malaking responsibilidad na nakaatang sa kanya ngayon.


“Obviously, may nakilala na 'yan na iba o baka may nabuntis na ru'n (USA) kaya madaling araw pa dito nag-text. Hindi na makapag-antay to come clean.”


“Oo nga, eh. Pero naniniwala ako, may karma talaga. If he set out to fool Ai Ai all these years, babalik din sa kanya lahat, sobra pa.”


"The guy was a full-time boy toy. He was too young nu'ng nagpakasal sila. She funded his luho, green card and studies in exchange for his youth. The transaction has ended. May ibang goals na si kuya. Sad but true. Sana, matuto si Ai mamuhay mag-isa.”


If true na may anak na si Gerald sa ibang babae, payo ng mga netizens na maging mabuting ama sa kanyang anak at partner ang mister ni Ai Ai. 


Nagulat naman ang ibang netizens kung bakit napasok sa isyu ni Ai Ai Delas Alas si Kris Aquino.


“S'ya naman uli ang heartbroken ngayon, si Kris naman ang masaya ang love life.”


 “No connection whatsovee (whatsoever.”


“Why compare?”


"Oo nga naman."



DUMALO ang konsehal ng Fifth District ng Quezon City at award-winning actress na si Aiko Melendez sa food distribution event ni Manong Chavit Singson para sa Mobile Kitchen in Action kamakailan.


Ginanap ang pa-event ni Manong Chavit sa isang covered court sa Rockville Subdivision Phase 1 sa San Bartolome, Novaliches, QC. 


Napuno ng saya ang mga residente mula sa Brgy. Fairview, North Fairview, Santa Lucia, at mga kalapit na lugar dahil sila ang pinakaunang tumanggap ng Mobile Kitchen feeding program ni Manong Chavit. 


Inorganisa at ipinatupad ni dating Gov. Luis “Chavit” Singson ang community-driven program na naglalayong magbigay ng kinakailangang nutrisyon at suporta sa mga lokal na pamilya.


Malaking kasiyahan naman kay Aiko ang maging bahagi sa pagbabahagi ng tulong ni Manong Chavit sa mga taga-Kyusi.


“Nagpapasalamat ako na pinangunahan ni Manong Chavit Singson itong Mobile Kitchen feeding program. Masaya ang lahat. Literal na busog lusog ang mga mababait at masisipag na taga-Barangay San Bartolome dito sa Quezon City,” ani Aiko.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page